Chapter 23: Worth it

19.9K 635 144
                                    


Trey's POV

   
"Sana... Sana hayaan mo lang ako sa mga ginagawa ko sayo. At sana payagan mo akong ligawan ka. Misis ko... gusto kita. Gustong-gust--- Hindi! Mahal na kita hindi dahil sa matalik kitang kaibigan kundi bilang ikaw. Bilang Trey. Mahal kita Misis ko"

Hanggang ngayon paulit-ulit pa ring nagpi-play sa utak ko ang mga sinabi ni Summer kanina.

Kyaaaah! Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang katawan ko dito sa kama ko. Gusto kong sumigaw, magtitili, tumalon at kung anu-ano pa upang ilabas ang emosyong nararamdaman ko kaso gabi na't tulog na sina Ate Ganda at Kuya Terrence.

My God! I can't believe na mahal din ako ng bestfriend ko. Until now, parang panaginip pa rin sa akin ang lahat kahit anong pananakit na ang ginawa ko sa sarili ko.

Mahal kita Misis ko.

Mahal kita Misis ko.

Mahal kita Misis ko.

Kyaaaaaaah! Hindi ko na talaga kaya.

Mahal kita Misis ko.

Matagal ko ng gustong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Matagal ko ng pinangarap na sana mahalin din niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Hindi na sana ako umasa eh dahil kitang-kita ko na wala talaga akong pag-asa para mahalin niya ako pero anong ginawa niya. Kahit na sabi niya na bago pa lang niya napagtanto ang tunay niyang nararamdaman para sa akin.

Halos hindi ako makapagsalita kanina dahil sa pagkagulat. Nanlamig ang buong katawan ko at parang naestatwa sa kinatatayuan ko. Nagkandagulo ang buong sistema ko at halos mawalan ako ng hangin sa katawan. Palagi na lang ako nagkakagano'n even in the smallest thing that he will do. Ano na lang ngayon na umamin siya sa nararamdaman niya para sa akin. Na... Na mahal din pala niya ako.

He's inlove with me, right? Hindi naman siguro ako bingi para hindi marinig ng tama ang mga sinabi niya kanina sa restaurant. Kilala ko si Summer. Alam ko kung kailan siya magloloko at sa mga oras na iyon, wala akong nakita ni isang porsyento na nanloloko siya. Kahit nga hanggang naihatid niya ako rito sa bahay ay seryoso siya. Seryoso siya sa sinabi niya. He even kiss me at my cheeks before he go home. Nagsabi pa siya na pupunta siya ulit dito sa bahay to formally start his intention. Magpapaalam daw siya kay Kuya at kay Ate Ganda upang ligawan ako.

Waaaaah! I can't help myself. Gusto kong manira ng mga gamit o manghampas ng tao para ilabas itong nararamdaman ko.

Mabuti na lang at hindi niya ako pinilit kanina na magsalita tanging "hindi ko alam ang sasabihin ko" ang naiwika ko. I just nodded when he asked to court me as my answer.

I can see in his eyes that he's sincere on what he just said. Sabi pa niya, sinigurado niya muna kung ano ang tunay niyang nararamdaman para sa 'kin bago siya umamin. Ayaw niya akong maguluhan kung sakaling hindi pala siya sigurado sa nararamdaman niya.

"Alam kong hindi ka pa makapaniwala pero ito talaga ang nararamdaman ko. Ilang beses kong napatunayan na mahal talaga kita. Ang dami kong na-conclude at alam mo bang pare-pareho lang ang sagot. Na mahal pala kita. Na mahal ko pala ang bestfriend ko higit pa sa isang kaibigan."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon