Chapter 38: Familiar

11.3K 523 65
                                    

Trey's POV
  
   
"Have you found a place for your restaurant princess?"

I averted my attention to dad. Nasa hapagkainan kami ngayong magpamilya nang magtanong siya.

"Ne, appa! Medyo mahal lang 'yong rent. Pero okay na rin atleast, kunting renovation lang ang gagawin at pabor din para sa 'kin dahil malapit lang sa kompanya natin."

"That's good." Tango-tangong tugon ni daddy. "I'm so proud of you Trey. You've grown a lot.  We thought that you might grow being spoiled. Ginawa kasi ka naming baby since ikaw ang bunso namin ng mommy mo."

"I agree, honey. Nakakatuwa na lumalaki ng maayos ang mga anak natin. They are responsible. Wala na akong dapat ipag-alala pa." Nakangiting pagsang-ayon naman ni mommy.

"Kahit dati pa naman honey."

"That's right!"

"Pwede na bang isulat ang talambuhay ng pamilya natin at ipapadala kay Charo Santos?" Pabirong wika ko sa kanila. Kita ko naman ang pagtawa ng dalawa. Si kuya Terrence napailing-iling lang habang si ate Yura ay nakikitawa rin tulad ng dalawa. Ang dalawang bata ay kumakain lang at walang pakialam sa mga pinag-uusapan namin.

"Kahit kailan talaga." Ang naituran na lang ni daddy habang nakatawa pa rin.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kina mommy. I'm going out with Mikael tonight. We are going to a bar. We invited some of our college classmates including Andrei.

"Be home early, okay." Bilin ni mommy nang magpaalam ako sa kanya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"I'm old enough mom. Atsaka kilala mo na ako, 'di ba?"

"I'm just worried to you since I'm your mother, remember? Of course iba pa rin ang Pilipinas sa Korea, snak."

Ito ang unang pagkakataon na lumabas ako ng gabi rito sa Pilipinas kaya ganyan na lang kung mag-alala si mommy. Dati naman lumalabas ako pero hindi ang pumunta sa isang bar.

"Ne! Ne! Ja-risseo eomma! Jal itsuh!" Hinalikan ko na sa pisngi si mommy at lumabas na ng bahay. Sakto naman ang pagdating ng taxi na tinawagan ko kanina. Si kuya nga sana ang maghahatid sa akin pero tinanggihan ko iyon. I'm old enough para ihatid pa ako ng ganito.  Atsaka minsan lang magkakaroon ng mahabang oras si kuya kina ate Yura at sa mga anak niya. I don't want to ruin that.

Pinaghalong ingay ng mga tao at saliw ng musika ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bar. Kumalat sa loob ang amoy ng alak, sigarilyo at pati na rin ang pabango ng mga taong naririto.

"Trey!" Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko.

Agad na sumilay sa labi ko ang malapad na ngiti nang makita ko si Mikael sa isang mesa kasama ang boyfriend niya, ang mga malalapit naming kaklase dati at si Andrei na ngayon ay nakatayo na.

"How are you guys?" I asked them, smiling.

"Woah! Ikaw na ba 'yan, Trey?"

Kung makakatitig 'tong si Andrei kala mo namesmerized sa kagandahan ko. Charot!

"Of course! The one and only. Sino pa nga ba?" I said, proudly. Natawa lang si Andrei at umiling-iling.

"Pero seriously namiss kita Trey." Nakangiti ng wika niya na ngayon ay nakalapit na sa akin.

"Namiss then kita Drei." I hug him. Pero mabilis lang dahil may biglang tumikhim. Sabay kaming napalingon dito.

"JB?" Nakakunot noong wika ko ng mapagsino ito.

"Why did you hugged him?" Tanong nito na ang tinutukoy ay si Andrei.

Nakakunot pa rin ang noo ko. Bumaling ako ng tingin kay Drei nang may pagtatanong. He nodded as if he know what's on my mind. Obvious na rin naman kasi.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon