Chapter 36: Time can heal

11K 450 139
                                    


Trey's POV
    
  
Isang linggo na ang nakalipas nang makipaghiwalay ako kay Summer at hanggang ngayon umiiyak pa rin ako lalo na kapag nag-iisa ako.

One of the things that cannot be take back again is unspoken words.

Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. But I think I made the right decision. I just need to accept the fact that we can't be together. I just need time to heal the wounds.

Yes, time.

Pero bakit ganito? Akala ko magiging madali kapag nakipaghiwalay ako sa kanya pero mas mahirap pala.

Inaamin kong nagsisisi ako kasi sino ba naman ako para makipaghiwalay sa kanya. Maswerte na nga ako kasi kahit bakla ako, minahal ako ng isang lalaki. Siguro sasabunutan ako ng ibang bakla diyan kapag nalaman nila ang ginawa ko.

Sa reyalidad kasi ngayon minsan ka na lang makakahanap ng pag-ibig ng walang kondisyon. Kaya kahit isang bakla ako, may nagmahal sa akin ng ganito unconditionally.

Dahil na rin sa reyalidad, nagdesisyon akong gawin ang bagay na iyon kahit alam kong sobra akong masasaktan. I'm thinking Summer's sake and mine at the same time. Alam kong hindi magiging madali ang buhay para sa kanya kapag pinagpatuloy pa namin ito, at para sa akin naman ay iligtas ang puso ko.

I am a coward person. Pero alam kong ang pagiging duwag ko ang magliligtas sa 'ming dalawa.

We should be ready for the circumstances that will come our way. Kailangan lang nating pagkatiwalaan ang isa't-isa at malalagpasan natin ang lahat ng 'yon.

Naalalang sabi ko kay Summer noong first monthsary namin.

Nakuha ko pang sabihin ang mga katagang iyan sa kanya ngunit hindi ko man lang mapanindigan sa sarili ko. Pero paano ko iyon mapapanindigan kung alam kong sa huli talo na ako?

Yes, I need to trust Summer in order for us to survive with this relationship we had. Ngunit paano ko magagawa iyon kung hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko.

I have my doubts. I don't know what to do anymore. Gulong-gulo na ang isip ko at hindi na alam ng puso ko ang gagawin.

I'm really a coward person. Marahil naranasan ko na ang masaktan at alam kong kapag ipinapatuloy ko pa ito, sa huli, masasaktan pa rin ako. Ayaw ko ring may madamay pa na ibang tao. Ayaw kong dumating pa sa puntong iyon dahil malapit nang mangyari 'yon dati. Sa amin ni Ash. Habang maliit pa ang isang problema ay dapat kailangan ng masoslusyonan. At sa bawat solusyon ay may isang bagay na kailangang isakripisyo.

"Are you okay now?" Tanong sa akin ni Mikael. Sa nakaraang linggo, ilang beses niya ng itinatanong 'yan sa 'kin. Siya kasi ang unang nakaalam at siya rin ang unang pinagsabihan sa nangyari sa aming dalawa ni Summer.

Ngumiti ako ng mapait sa kanya. He sighed and smiled at me although his face were disappointed. Nakokosensya na ako kay Mikael kasi pati siya nadadamay na sa kadramahan ko. Pinoproblema rin niya ang pinoproblema ko.

"Sorry Mik ah." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Sorry for everything."

Tininingnan niya ako ng seryoso.

"Kung nagsosorry ka dahil nakakaistorbo ka? Don't. I'm your bestfriend right? It's nothing compare diyan sa pinagdadaanan mo. Ito na nga lang ang magagawa ko bilang kaibigan mo eh. Ayaw mo naman kasing bugbugin ko si Summer."

Muli akong napangiti sa sinabi niya. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko.

"I'm serious okay, I'm not joking." Seryoso nga siya ngunit bigla siyang tumawa. Seryoso raw. Napatawa na lang din ako.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon