Chapter 14: Destroy

17.9K 669 96
                                    

Trey's POV
    
    
Napasandal ako sa likod ng pinto pagpasok ko ng bahay. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sakit, kasabay ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Doon ko binuhos lahat ng sakit na aking nararamdaman.

"Bebe?" Hindi pa nakakalapit si Ate Ganda ay agad ko na siyang sinalubong ng yakap. In times like this, si Ate Ganda lang ang maaasahan ko. Alam kong siya lang ang makakaintindi at makakaunawa.

"Sige lang bebe iiyak mo lang. Kailangan mo 'yan." Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya kasabay ang paglakas ng pag-iyak ko.

Hinayaan lang niya ako na umiyak sa balikat niya.

Hindi man lang siya nagtaka. Hindi man lang siya nagtanong kung bakit ako umiiyak sa kanya ng ganito. Parang alam niya ang lahat. Sabagay, kahit hindi ko sabihin, alam kong napapansin ni Ate Ganda na may dinadala akong problema.

Sana katulad niya si Summer. Sana may ugaling ganyan si Summer para kahit hindi siya magtanong, alam niya kung anong nararamdaman ko.

Pagkatapos kong umiyak ay dinala ako ni Ate Ganda sa kwarto ko. Nang tumigil na ako sa paghikbi ay pinasalita niya ako. Sinabi ko sa kanya ang lahat simula sa kung paano ko minahal si Summer hanggang sa kung paano ako nito sinasaktan ng hindi nito nalalaman.

"Bakit ganito Ate Ganda? Ganito ba talaga magmahal? Bakit kailangan pang makaramdam ng sakit? Pwedeng saya na lang parati. O talagang wala kaming karapatan na lumigaya at mahalin ng isang lalaki?" Parang gusto ko namang umiyak sa naging tanong ko.

"Hindi ko alam kung tama ba itong sasabihin ko dahil hindi ko pa nararanasan ang magmahal at mahalin. Pero tutal wala namang tamang eksplinasyon sa kung paano natin bibigyan ng kahulugan ang pag-ibig. Napakarami, mahirap intindihin at kumplikado. Iba-iba kasi ang tao kung magmahal. Para sa kanya walang mali kung nagmamahal siya dahil nagmahal siya, naiintindihan mo ba bebe ko?" Tango lang ang ginawa ko bilang tugon.

Yeah, she's right. Love exist in no specific time. Hindi mo agad malalaman na nakinlove ka na pala. At ang pag-ibig ay walang pinipiling oras o tao man, kusa mo tong mararamdaman.

"Normal lang masaktan kapag nagmahal ka. Bakit, sa pagmamahal ka lang ba nasasaktan? 'Di ba hindi? Ayon sa nabasa ko, isang pagpapatunay na buhay ang isang tao ay nakakaramdam siya ng sakit. Matakot ka na kung hindi ka nakakaramdam nito. Baka patay ka na niyan."

Tumawa si Ate Ganda. Nanatiling tahimik lang ako. Tumigil naman agad siya nang hindi ako tumawa.

"So 'yon nga bebe ko. Normal lang ang masaktan kapag nagmamahal kasi kalakip na nito niyon. Pero hindi lang dapat ito palagi ang isipin mo o kahit maramdaman. Isipin mo rin kung paano ka naging masaya nang nagmahal ka, atleast sa ganoong paraan mabawasan man lang ang sakit. Pero ganoon pa rin, makakaramdam at makakaramdam ka pa rin nito. Ito na lang din ang tanging paraan para mabawasan ang sakit."

Same as what I said nang magkausap kami kanina ni Ash.

"Tandaan mo bebe, walang permanente sa mundo maliban na lang sa pagbabago. Sa huli magbabago rin 'yang nararamdaman mo. Atsaka bata ka pa bebe, marami pang dadating sa buhay mo. Marami ka pang makilala. At malay mo diba, may magmamahal sayo na hindi ka ganoong sasaktan tulad ng nararanasan mo ngayon. At ito lagi ang tatandaan mo, walang pinipili ang pag-ibig. Naniniwala pa rin ako diyan kahit pa sa panahon ngayon na mapili na talaga ang tao. May karapatan tayong lahat kaya huwag mong sabihin na wala ka nito. Kung wala mang magmamahal sayo romantically (char!), may magmamahal naman sayo bilang tao. Nandiyan ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo and of course ang maganda mong yaya." Pagpapatuloy niya.

Napangiti ako sa sinabi ni Ate Ganda. Tama siya, kung wala mang magmamahal sa aking lalaki nandiyan naman sila para sa akin. At alam kong mahal ako ni Summer kahit bilang kaibigan lang. Atleast mahal niya ako. Dapat na akong maging masaya. Love is uncertain. Hindi lang sa romantic relation nagkakaroon ng love. Love is everything.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon