Chapter 30: Knowing them

14.9K 532 112
                                    


      
Trey's POV
   
   
"Talaga ate? Kayo na ni kuya Jonas?" 'Di makapaniwalang tanong ko sa ipinahayag ni ate Ganda. Kasalukuyan akong kumakain ngayon. Nagutom ako sa maghapong klase dahil hindi ako nakapagmeryenda kanina. May meeting din kasi for the incoming intramurals at sa pagpapalit ng schedules namin for cheerleading's practice.

"Naman! Sa ganda kong 'to, hindi mahuhumaling ang damuhong 'yon. Ang hirap kayang baguhin ang pagiging babaero niya. Marami akong kalaban sa kanya pero kita mo naman, sa 'kin pa rin ang huling halakhak. Wahahaha." Sagot ni ate Ganda with matching flip pa ng buhok.

Kung totoosin ay maganda talaga si Ate Ganda. Kaya nga "Ate Ganda" ang tawag ko sa kanya eh.

I'm so happy that she has already her first boyfriend. She deserves to be happy. Panahon na rin upang isipin niya ang kanyang sariling kaligayahan.

"Ikaw na ang maganda ate. Pa'no ba 'yan, dalawa na tayo. My gee! I'm so kinikilig ate! At dahil diyan magkwento ka na kung paano mo siya sinagot."

Napatili naman si Ate Ganda at nagsimulang magkwento. Hindi ko maiwasang mapatili rin habang nagkukwento siya. My goodness lang! Ang landi talaga niya. Mas malala pa nga siya kesa sa 'kin eh.

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang may nagdoor bell. I insisted to open the gate.

Tumayo ako at nagmamadaling tinungo ang gate. Una kong nakita ang nakaparadang BMW. Nagkaideya na agad ako kung sino ang nagmamay-ari nito.

Sana hindi na lang ako nag-insist at hinayaan na lang si Ate Ganda na siya ang magbukas ng gate.

Hindi ako kinabahan nang pagbuksan ko siya bagkus pagkailang ang aking naramdaman. Agad na naalala ko ang nangyari noong Linggo ng gabi.

It's been three days, but still, those words he said are still in my mind. Umamin naman siya sa akin apat na buwan na ang nakakaraan na mahal pa niya ako. Pero sinabi niya na hahayaan niya na lamang ako sa kapatid niya.

Kung ganoon nga ang sinabi niya, bakit muli pang kailangan niyang sabihin iyon.

Hindi ko alam kung ikokonsidera ko ang pagiging lasing niya nang gabing iyon para paniwalaan ang sinabi niyang mahal pa rin niya ako.

Aaminin kong nagulat ako dahil sino ba namang hindi magugulat kung aamin sayo ang isang taong naging parte ng buhay mo na mahal ka pa rin niya lalo na't kapatid pa nito ang kasintahan mo.

May parte sa akin na naniniwala at may parte rin na dapat hindi ko ito paniwalaan. Hindi ko alam pero naguguluhan ako. Inisip at pinakiramdaman ko nga kung may nararamdaman pa ba ako kay Ash pero si Summer na talaga ang nasa puso ko.

Naaapektuhan man ako minsan sa mga kinikilos at paraan ng pakikitungo sa akin ni Ash pero iniisip ko na normal lang iyon sapagkat naging parte nga siya ng buhay at puso ko. Minahal ko siya kaya natural lang na mailang pa rin ako sa kanya.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay hinila ko agad ang aking braso at nagmamadaling umakyat sa aking kwarto. Matagal pa bago ako nakatulog pero dinalaw din ako ng antok nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Summer ng araw na 'yon lalo na nang mahuli kami ni kuya na naglalandian. Hahaha. Bakit?

"Hi." Nawala ako sa pag-iisip nang magsalita si Ash. Nadagdagan ang ilang ko dahil napatitig na pala ako sa kanya. Iwas-tinging binati ko siya.

Ngayon ko lang siya nakita ulit makalipas ang tatlong araw kahit pa araw-araw siyang nandito sa bahay. Maliban sa gabi na akong umuuwi dahil sa practice ay umiiwas pa rin ako. Deretso agad ako sa aking kwarto pagkarating ko. Hindi na nga ako nakakapagdinner dito sa bahay dahil binubusog na ako sa pagmamahal ni Summer. JokeB lang. Nagdidinner kasi kami sa restaurant bago niya ako ihatid.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon