Chapter 24: Right to be

18.6K 641 88
                                    

     
Hi kina tatay CovertSolace  at YusTimmy na gumawa ng latest cover ng kwentong ito. Salamat din Tim sa ibang bc na ginawa mo. Ang gaganda. Kamsahamnida.

Malapit na rin akong magpublish ng book ko under Dangerous Man Series. Check niyo po ang works ng dalawang namention ko sa taas. Published na nila ang book entry nila sa series.

Btw, enjoy reading.

***
    
   
Trey's POV
    
   
"Anong sabi ko Misis ko?"

"Na hindi dapat ako tutulong?" Mahinang sagot ko sa kanya.

Humalukipkip siya at umiling ng ilang beses. "Bakit ang tigas ng ulo mo? Di ba malinaw 'yong sinabi ko sayo nung isang araw?"

"Hindi naman ako bingi. Pero kas---"

"Hindi ka bingi pero bakit ayaw mo akong sundin?"

My Gosh, bakit ba big deal sa kanya na tumulong ako sa mga gawain dito sa restaurant niya?

"Eh kasi wala akong gagawin. Gusto mo akong nandito palagi pero bakit ayaw mo akong patulungin? Hindi ko na nga pinilit na mag-apply dito eh. Nakakabagot na tutunganga lang ako. I feel like I'm useless at all."

Mabuti na lang at dito ako kinausap ni Summer sa office niya. Inapply niya ang turo sa amin sa school. It's not a good thing if ang isang empleyado ay papagalitan mo sa harap ng ibang tao o katrabaho nito.

"Ayaw kong mapagod ka. Atsaka ano na lang sasabihin ng kuya at mga magulang mo, na hinahayaan kitang magtrabaho? 'Di mo kasi alam kung ano sinabi sa akin ng kuya mo. Nanliligaw ako at higit sa lahat ayaw kitang mapagod."

Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang hindi ko maipaglalaban ang gusto ko. Kung sa patigasan ay nasa top list si Summer. I admit na kinikilig ako dahil sa pagiging overprotective niya pero 'yon lang nakakainis na minsan. Hindi ko nagagawa ang gusto ko.

Katulad na lang noong nagdate kami rito sa restaurant niya. Pero grabe 'yong mga emosyon na naramdaman ko sa mga oras na iyon. It's a first time for me na makadate si Summer. Hindi tumigil sa paglipad ang mga paru-paro sa tiyan ko lalo na kapag pinapakilig niya ako. Gusto ko manghampas at magtitili dahil dito. Nagagawa ko lang ang mga ito kapag nakauwi nako sa bahay.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang magsimula siyang manligaw. Hindi ko kinaya ang mga ginagawa niya. Araw-araw niya akong pinapatay sa kilig. Sumasakit na minsan 'yong puso ko dahil dito. Hindi na ako magugulat kung gigising ako isang araw nasa hospital na ako.

Grabe lang ang soon to be future husband ko (assuming), napakasweet at napakasincere sa lahat ng kanyang sinasabi. Its also first time that doubts didn't enter my mind when we had that date. Wala akong inisip kundi ang tungkol sa aming dalawa lang. Happiness lang din ang tanging naramdaman ko. That was a memorable moment even if the setting is not romantic. 'Yong katotohanang si Summer ang nasa harap ko at nagdi-date talaga kaming dalawa ay higit pa sa salitang iyon.

Ang mahalaga ay nag-effort si Summer. Even if I'm gay, I have the right to be treated that I'm worthy. Na dapat kahit bakla lang ang isang katulad ko ay pinaghihirapan pa rin. It's not all about the preference of a person. Pagmamahal ang involve dito at ang halaga ng isang tao sa nanliligaw sa kanya. Sana makuha ng ibang tao ang ibig kong sabihin.

Balik tayo dun sa pagiging over protective ni Summer. Halos wala na akong nagagawa kapag naging seryoso na siya. Sa ibang bagay ay may nagagawa pa ako para pumayag siya pero sa ganitong bagay ay siya talaga 'yong masusunod.

"I talked to my parents last night at ganoon na rin kay Kuya. Okay lang naman daw sa kanila na tumulong ako. Mom said it will be a perfect training for me dahil later on magmamanage din ako ng sarili naming company. Atsaka hindi naman ako magpapagod okay, madali lang naman 'yong ginagawa ko. I'm just taking orders of the customers." Mahabang litanya ko.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon