Chapter 22: At last

18.4K 768 278
                                    


   
Trey's POV
  
      
"Tapos na. Oh check mo na." Pahayag ko, sabay abot kay Summer ng sagot ko sa pinasagutan niya sa akin. Medyo mahina kasi ako sa Accounting lalo na sa analizing kaya nagpaturo ako.

Seryoso niyang tiningnan ang papel.

"Check, check, tama... Mmhh... tama, tama...  mali! Mali 'yong ikaanim Trey. Acounts Receivable 'to at dapat nasa debit side. Tama na ang iba pero alam mong mali na ito. Hindi makukuha ang tamang sagot sa mga susunod na Accounting steps kahit isa lang ang mali mo."

Napasimangot ako habang tumitingin sa papel ko specifically do'n sa mali. Medyo nahihirapan pa ako ng kunti sa subject na 'to. Mahirap din kasi pero nandiyan naman si Summer kaya pagsisikapan kong matuto talaga.

"Oh huwag ng sumimangot. Okay lang 'yan, hindi naman kita papabayaan. Tuturuan kita ng tuturuan hanggang sa makuha mo na." He said in assurance.

"Promise 'yan ha."

"Oo naman Misis ko. Pababayaan ba kita?" Kinurot niya ng bahagya ang pisngi ko bago siya umupo sa pagkakadapa naming dalawa sa kama ko. Dito agad kami pumunta sa kwarto pagkatapos kumain at ito nga nagpaturo ako sa kanya.

Umupo na rin ako at humarap sa kanya. "Paano ka na naging marunong niyan kahit hindi pa tayo tinuturuan ng prof?" Tanong ko.

I remember kung paano kaaktibo si Summer kapag discussion na sa Accounting 1 class namin. Hangang-hanga nga sa kanya 'yong Accountant na prof namin kahit na katuturo pa lang niya. He never expected Summer that he will understand the lesson easily.

"Advance reading lang." Pahumble pa ang mokong.

"Sana naging ganyan na lang ako katalino kagaya mo para hindi ako nahihirapan sa subject na 'to." Nalulungkot kong sabi.

"Ito namang Misis ko napakanegatibo. Bago pa lang naman eh. Akala mo ba alam ko na ang lahat, nangangapa pa rin ako. May mga parts na hindi ko masyadong naiintindihan at kailangan ko pa ng turo ng prof natin. 'kaw talaga." Ginulo niya ang buhok ko pagkatapos magsalita.

"Sabi ng huwag 'yan ang guluhin eh," asik ko, sabay hampas ng braso niya.

"Aray ko. Opo na po Misis ko. Nakakatuwa lang kasi dahil ang dulas sa kamay ng buhok mo."

"Ginawa mo pang katuwaan ang buhok ko eh nu. Nakakainis ka talaga kahit kailan. Kung hindi 'yan ang ginagawa mo, kinukurot mo naman ang pisngi ko."

"Nakakaganti ka rin naman eh. Masakit kaya ang hampas mo." Nakangisi pa ang mokong.

"Whatever!" Inirapan ko siya at niligpit na lang 'yong mga papel, libro at ballpen. Pagkatapos ay inilagay ito sa bedside table.

"Sige na, umalis ka na diyan at lumabas ng kwarto, matutulog na ako." Pambubugaw ko sa kanya.

"Matutulog ka na agad? Ang aga pa oh. Hindi ko pa nga naeenjoy ang honeymoon nating dalawa." Mas malapad ang ngisi niya ngayon. Mabilis namang umakyat ang dugo sa ulo ko.

"Kapag hindi kapa tumigil sa kakaganyan mo papalayasin kita ng bahay ko!" Summer did change a lot. Napakamaloko na niya. O baka ganito na talaga siguro siya at hindi ko lang alam.

"Huwag ng magalit Misis ko. Sorry na po." Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito.

Dumaloy sa katawan ko ang kuryenteng nagmula rito. Labis na naapektuhan ang puso ko na parang gusto ng kumawala sa loob ng dibdib ko.

Pagkatapos ng ginawa niya'y seryoso akong tiningnan sa mata. "Huwag ka ng magalit sa 'kin Misis ko. Bati na tayo ha. Gusto ko lang naman kasi na solohin ka at i-enjoy itong gabi na kasama ka. Minsan lang naman 'tong mangyari kaya pagbigyan mo na 'ko."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon