Chapter 11: He's back

15.4K 647 168
                                    



Trey's POV
    
   
"T-talaga? Ahmmm... Congratulations. I'm happy for the two of you."

Pinilit kong pasiyahin ang boses ko kahit na gusto ko ng umiyak sa harap niya. Parang pinipilipit ang dibdib ko sa sakit. Ang sakit-sakit. Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat ng sakit na naranasan ko sa kanya.

I expected it. Akala ko kaya kong indain ang sakit oras na maging sila ni Danica pero hindi pala. Mas malala pala ito kapag actual na at higit sa lahat sa kanya pa nanggaling.

"Salamat Trey. Alam mo, napakasaya ko. Akala ko matatagalan pa bago ako sagutin ni Danica o baka hindi talaga pero kita mo naman tinablan ata siya ng charm ko."

Seeing him smiling, I can't help myself from smiling too. Pero ngayon hindi ko na kayang ngumiti pa. Nakangiti ako pero mapakla at mapait pa sa ampalaya.

Ang sakit. Ang sakit-sakit.

"Ang saya-saya ko talaga Trey."

Please lang Summer tama na. Pagod na akong masaktan. Pagod na pagod na ako.

Kailangan ko ng umalis ngayon habang nakakayanan ko pa.

"B-Balik na tayo sa kanila baka naiinip na ang mga 'yon. Atsaka kailangan ko ng umuwi." Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at tumalikod na ako. Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya nilingon.

Matigas akong humugot ng hangin upang pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Agad akong nagpaalam kay Andrei nang makarating sa kinaroroonan nila ni Danica.

"Andrei. Kailangan ko na palang umuwi. Nagtext na si Kuya." Pahayag ko sa kanya.

"Trey!" Tawag ulit ni Summer.

"Akala ko sasamahan mo pa ak---" napatigil si Andrei sa pagsasalita nang makita niya ang mukha kong nagsusumamo. "Ah talaga? Sige, hatid na kita."

Pilit akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat. Humarap ako kay Summer na ngayon ay nasa likuran ko na. Sa dibdib lang niya ako nakatingin. Hindi ko kayang titigan ang mga mata niya

"U-Uuwi na ako Summer. Baka hinahanap na ako ni Kuya. Pasensya ka na." Tumingin ako kay Danica na nasa tabi niya. "I'm happy for the two of you. Alagaan mo sana si Summer. Enjoy your day." Nginitian ko rin siya.

"Alagaan mo rin si Danica, Summer ah. Masayang-masaya talaga ako para sa inyo. I have to go na. Bye." Huling sabi ko at tumalikod na. Tinanguan ko muna si Andrei bago nag-umpisang maglakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin.

Muli kong narinig ang pangalan ko kay Summer pero hindi ko ulit pinansin iyon. Itinaas ko na lamang ang kanang kamay ko at nagform ng letter V gamit ang hintuturo at gitnang daliri ko.

Pagdating namin sa parking lot ay doon na bumagsak ang lahat ng luha ko hanggang sa yumugyog na ang balikat ko.

"Trey..." Humarap ako kay Andrei at niyakap siya.

"Ayoko na Drei. Ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit." Umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya. Mabuti na lang at kasama ko siya. Siya lang ang nakakaintindi sa akin ngayon. Siya lang ang nakakaalam sa sakit na nararanasan ko sa bestfriend ko.

"Umiyak ka lang Trey. I'm here. I'm always here." Aniya habang tinatapik ang likod ko.

***

Iyon na ata ang huling pag-uusap namin ni Summer. Sa school ay gumagawa ako ng paraan para hindi kami magkausap ng matagalan. Binabati lang namin ang isa't-isa at pagkatops nun, wala na. Si Andrei at Mikael na lang ang nakakasama ko. At umaayon naman sa akin ang pagkakataon dahil palagi silang magkasama ni Danica.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon