Chapter 28: The past

14.9K 555 112
                                    

    
Trey's POV
    
  
Naging okupado ang utak ko sa sumunod na mga oras ng date namin ni Summer. Hindi na maalis sa isipan ko ang nangyari kanina lalo na ang pangalang iyon.

Sinusubukan kong makahanap ng tiyempo para magtanong kay Summer subalit mailap ang pagkakataon sa akin. Parang iniiwasan din niya na matanong ko ito sa kanya kaya mas lalo akong na-curious kung sino ba talaga ang taong iyon.

Sino ba si Kaye? Ano nga ba ang papel nito sa buhay niya? Is she her past? At bakit tila apektado si Summer nang magtalo sila kanina ni Akiro.

And speaking of Akiro ay hindi ko na alam kung nasaan ito naroroon. Hindi nga ako nakapagpaalam sa kanya na aalis na kami dahil bigla na lang akong hinila ni Summer.

"Pagod ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?" Napatingin ako kay Summer nang magtanong siya. Hindi siya nakatingin sa akin at tulad ko, malayo rin ang kanyang tingin.

Kanina ko pa nararamdaman ang ilangan sa pagitan naming dalawa. Kaya, hindi ko na na-enjoy ang date namin.

"Okay," tanging naisagot ko na lamang.

Kanina ko pa gustong magtanong at malaman ang tungkol sa Kaye na iyon pero pinigil ko ang aking sarili. Baka kasi masira pa ang date namin dalawa. Ayaw kong dagdagan kung ano man ang nararamdaman ni Summer ngayon. Parang kailangan ko munang palipasin iyon bago ko siya tanungin. Mukhang kanina pa mainit ang ulo niya. Hindi niya lang ito pinapahalata dahil sa kasama niya ako.

Maging sa byahe ay nandoon pa rin ang ilangan. Mabuti na lang at nakamotorsiklo kami. What if, nakakotse, I'm sure sobrang awkward talaga.

Sinabi niya kaninang umaga na after ng date namin ay dadaan muna kami sa restaurant niya at doon kami magdi-dinner. Pero tila nakalimutan niya iyon because he directly sent me home.

Binigay ko agad sa kanya ang helmet at nagpasalamat. I want to say sweet words but his facial expression says otherwise. Kaya hindi na lang dahil baka mas lalo ko pang masira ang magandang pakikitungo niya sa akin.

Pero kasi, ang sakit lang sa part na pinaparamdam niya na wala siyang tiwala sa 'kin. Sabihin na natin na hindi ako nagtanong pero dapat maramdaman niya iyon o maisip man lang na dapat niyang sabihin lalo na't narinig ko iyon. Kunsabagay, manhid siya pero ugh! I feel betrayed and hurt. Nasasaktan na naman ako.

I tried to understand naman pero mas lalo niyang pinaparamdam sa akin kanina na wala talaga siyang tiwala sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pangamba dahil parang apektadong-apektado siya sa naging banggaan nila kanina ni Akiro. Isa rin sa rason na iyan kung bakit pinigil ko ang sarili kong magsalita.

Tinanguan niya lang ako at wala na siyang sinabi pa kaya tumalikod na lamang ako at mabilis na pumunta ng gate. Umaagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan habang isinusuksok ang susi rito.

Masakit na tinanguan niya lang ako. Ni hindi man lang niya ako hinalikan sa labi. Ni magsabi ng "I love you, Misis ko" o kahit nagpaalam na aalis na siya. Eh hindi nga siya nagsalita.

Ang sakit. Mas masakit kumpara noon dahil magkasintahan na kami ngayon.

Pinilit ko ang hindi umiyak lalo na't alam kong nandyan pa siya. Hindi pa kasi umaandar ang motor niya. Pero mas lalo lang akong napapaiyak lalo na't hindi nakikisama sa akin ang susi. Ayaw bumukas ng gate eh. Bwisit na 'to.

"P-Patawad, Misis ko..."

Napatigil ako nang may nagsalita sa likuran ko. Kasunod nito ang pagpulupot ng mga braso niya sa tiyan ko.

"Patawarin mo ako Misis ko, hindi ko sinasadyang saktan ka. Please huwag ka ng umiyak. Tahan na. I love you." Dagdag pa niya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa 'kin.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon