Chapter 5: Comfortable

16.5K 637 210
                                    

    

Trey's POV
         
     
"Misis ko!" Inis akong lumingon kay Summer. Kanina pa niya kasi ako niloloko simula nang magkita kami rito sa school. Actually, no'ng nasa EK pa nang umpisahan kaming tawagin ni Winter na Mommy at Daddy.

Saan bang lupalop 'yon ni Winter nakuha? Okay na ako sa kuya Trey eh. Pero, Mommy? Seriously? Hindi pa ako handang maging ina. Marami pa akong pangarap sa buhay. I'm only just seventeen. Chos.

Ayaw ko sanang pumayag kaso ang mokong at sa tulong na rin ng kapatid niya, napapayag ako. As if I have a choice.

Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Palagi na lang akong niloloko at kapag nagagalit na ako, lalambingin niya lang ako tapos okay na ulit kami. Ang mas ikinaiinis ko, hindi ko maresist ang charms niya. Konting pagpapakyut niya lang nadadala na agad ako.

Pero ano bang ikinapuputok ng butchi ko? Eh no'ng Sabado nga tuwang-tuwa rin ako nang humiling si Winter eh and besides pumayag din ako.

Ang weird mo talaga Trey.

Speaking of last Saturaday, well, nag-enjoy ako ng sobra lalo na kay Winter. Parang nakainom ata ng isang drum ng energy drink dahil sa sobrang hyper at kulit nito. Sana magkaroon din ako ng kapatid na gaya niya. Pero hindi na pwedeng magbuntis si Mommy eh. Menopause na siya. Hihintayin ko na lang na magkaroon ako ng pamangkin kay kuya Terrence.

"Tigilan mo na nga 'yan Summer. Makakatikim ka talaga sa akin." Bulyaw ko sa kanya. Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon sa hallway dahil mostly ay may klase. Vacant kasi namin ngayon.

"Eh sa gusto kong tawagin kita ng gano'n eh, may magagawa ka ba?" Napasinghap ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. As in napakalapit. "Misis ko," dugtong pa niya.

Titig na titig siya sa mga mata ko. Nakasilay sa kanyang mukha ang isang nakakalokong ngiti at pagkuway kinagat niya ang kanyang labi. Gosh! Ang sexy ng mokong.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at halos maubusan ako ng hangin sa katawan dahil sa hindi na ako makahinga. Alam kong niloloko lang ako ni Summer kaya bago pa niya ako pagtawanan ay uunahan ko na siya. I need to compose myself at kailangan ko ring pairalin ang utak ko.

Wala siyang kaalam-alam kung ano ang nagiging epekto ng mga ginagawa niya sa akin. Ang alam niya lang ay biro lang itong ginagawa niya na biro lang naman talaga.

Sinakop ko ng palad ang mukha niya at itinulak ito. "Sabi ng tumigil ka na eh." Pinilit kong pasungitin ang boses ko kahit na natataranta ako at kasalanan niya iyon. "Hindi mo ako misis and don't you dare call me with that endearment or else..."

Napatigil ako. Ano bang ipapanakot ko sa kanya? Wala akong maisip. Goodluck Trey, ang galing-galing mo. Pssh!

Patuloy lang na nakangisi ang loko. Parang hindi man lang siya natakot sa akin. Paano naman siya matatakot kung mas mukhang takot pa ako sa kanya.

"Hindi pa kita nababati ngayong araw Misis ko. Good morning Misis ko!"

Ugh! Ilang beses ba dapat niyang ulitin?

Galit akong tumili at malakas siyang hinampas sa braso. Sumusobra na talaga siya. Okay lang naman na lokohin niya ako ng ganyan basta hindi lang dito sa school.

Pa'no na lang kung may makarinig diba? Mas binibigyan lang namin ang ibang estudyante na pag-usapan at pag-isipan kami ng kung ano.

Walang pakialam si Summer, oo, kahit naman ako, kasi wala kaming ginagawang masama and besides I'm used to it pero pagod na kasi akong mainsulto at naapektuhan na rin ako.

Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya at siya naman, sinasalag ang mga ito. "Oo na, titigil na ako Misis k--- oo na po. Oo na po."

Tumigil na ako sa paghampas sa kanya at tiningnan siya ng seryoso. Nang makita niya akong ganoon ay tumigil na rin siya sa pagtawa at inayos ang sarili. Napansin niya na seryoso na talaga ako at dapat na siyang tumigil. Kahit palagi niya akong niloloko may time na alam niya kung hanggang saan lang niya dapat akong lolokohin.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon