Final Chapter Part II: Begin Again

19.2K 629 245
                                    


Trey's POV

Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay hindi na ako nakakapag-isip ng maayos. Naaapektuhan na rin ang trabaho ko at pagpapatakbo ng restaurant ko. Sa lahat ba kasi nang pwedeng mangyari ng araw na iyon, bakit ganoon pa?

Napahawak ako sa aking labi.

Its still the same lips I tasted before. The same feeling everytime our lips met. Iyong pakiramdam na parang lumulutang ka sa alaapaap. Iyong pakiramdam na parang sumasabog ang puso mo sa sobrang kilig at saya. Ganoon. Ganoon ang naramdaman ko habang magkalapat ang aming mga labi ng mga oras na iyon.

I bit my lower lip.

Hanggang ngayon, parang nakadikit pa rin ang labi ni Summer sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin---wait!

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa inakto.

Waaah! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

Tinampal-tampal ko ang aking pisngi para iwakli ang isipang iyon. Pero sinong niloko ko, kahit anong gawin kong paglimot ay mas pinapaalala pa sa akin ang lahat.

Inumpog ko na lang ang ulo ko sa mesa ko. Its been five days since that happened but I'm still embarrassed. Minsan kapag nasa harap ako ng salamin ay namumula ang mukha ko. Tapos sisigaw na lang bigla dahil maalala ko na naman ulit iyon.

It can't be denied that until now I'm still into him. Mahal ko pa rin talaga si Summer.

Patuloy ko pa ring inuumpog ang ulo ko sa mesa kahit nakakaramdam na ako ng sakit. Nagmumukha na rin akong baliw sa kaiisip. Gusto ko ng makalimutan iyon. Exaggerated as it is, pero hindi na talaga ako nakakakilos ng maayos.

"Hindi ganyan ang pagsira sa mesa bunso. Gusto mo turuan kita kung pa'no?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni kuya.

Nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. I give him a bored look and back to from what I'm doing.

"Ano bang problema mo bunso? Bakit inuumpog mo 'yang ulo mo sa mesa? Gusto mo ako na lang ang uumpog diyan nang matuluyan ka na? Para ka kasing tanga!"

Tumigil ako at muling umangat ng tingin kay kuya. Sa halip na pansinin ang sinabi niya ay nagsalita ako ng ibang bagay.

"Mahal ko pa talaga siya kuya. Ano bang gagawin ko?"

Natigilan si kuya sa sinabi ko.

Base on the reaction of his face, It seems that he determined the person whom I'm talking about.

Hindi ko na rin kailangang magsinungaling pa kay kuya. Wala naman akong balak magdeny. And I think I need his opinions and advices right now.

"That's obvious. So what now? Anything that I can help?" Tanong niya na ngayon ay nakaupo na sa harap ng mesa ko.

Umayos naman ako ng upo at muling nagsalita. "I really need your help kuya. Ano bang gagawin ko? Para na akong baliw eh. Limang taon na ang nakalipas pero bakit hindi pa rin ako nakakamove-on sa kanya? Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya?" I said in frustration.

"Aba ewan ko. Ako ba ang inlove sa kanya?"

Hindi ko naiwasang taasan siya ng kilay.

"Sana nga ikaw na lang ang nainlove sa kanya para hindi ako mahirapan ng ganito."

Napaatras naman ako nang nasamid si kuya considering na wala siyang iniinom na tubig. Tiningnan niya ako ng masama pagkatapos niyang umubo.

"Gusto mong masapak ha?!" Tinaas ko naman ang parehong kamay bilang pagsuko lalo pa nang magmura siya.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon