Chapter 21: Something different...

18.1K 678 104
                                    


    
Trey's POV
      
     
Pagkatapos ng pagsimba namin ay gumala pa kami ni Summer. Ayaw niya na sana kaso nagpumilit ako. Actually, ayaw ko nga rin kaso may nakita akong isang bagong bukas na restaurant kanina. Sa tingin ko kasi makakatulong ito para kay Summer sa pagmanage niya ng restaurant niya sa hinaharap.

"Dapat nandoon ka parati ah." Pahayag niya. Kasalukuyang kumakain kami ngayon.

"Ano namang gagawin ko 'ron, aber?"

Nang magsimula kaming kumain, ang ipapatayong restaurant niya na agad ang pinag-usapan namin.

"Wala. Basta gusto ko lang na nandun ka. Pwede ka nga rin magtrabaho du--- Ah 'wag na! Hindi na lang. Mapapagod ka lang. Bakit ko naman naisip 'yon? Tsk!"

Sa sinabi niya may naisip akong ideya. "What if maging isa ako sa waiter niyo? Mag-aapply ako."

"Hindi kita tatanggapin." Napaismid ako sa sinabi niya

"Ang sama mo talaga! KJ!" Padabog kong sabi sabay subo ng pagkain.

"Asus. Nagtatampo ang Misis ko. Tss. Kahit kailan talaga parang bata ka kung kumain." Bago pa ako makapag-react ay mabilis na niyang pinunasan ang gilid ng labi ko.

Napahinto ako at napatingin sa kanyang mga mata. Kanina pa siya ganito. Ibang-iba sa mga ginagawa niya rito. Mas naging super lambing at sweet na siya. Tapos ang clingy na niya na ikinagulat ko. Ikinawindang ko rin actually.

My God! Halos hindi na niya bitawan ang kamay ko at paminsan-minsan niyayakap ako sa likuran at ang pinakapaborito niyang gawin ay amuyin ako sa ulo o di kaya'y sa leeg. He's acting like a boyfriend. I wish that would be the case. Pero baka ganun lang talaga siya ngayong araw. Nag-aassume lang siguro ako.

"May sauce din ba ako sa labi?" Napapitlag ako nang muli siyang magsalita. Tapos na pala niyang punasan ang bibig ko at nakaupo na rin siya ng maayos.

Napayuko tuloy ako. "Ah eh wala. S-Salamat."

Hindi ko na siya tiningnan pa at baka makita niya lang ang namumulang pisngi ko. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at ganoon na rin siya.

"Trey, bakit hindi ka na nagagalit na tawagin kitang Misis ko?" Tanong niya bigla. Sang-ayon ako sa naging tanong niya. Bakit nga ba 'di na ako nagagalit?

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagagalit kapag tinatawag niya akong ganun. Pabor pa nga sa akin eh. Kailangan ko lang siyang pigilan dahil baka kung anong isipin ng iba. Mahirap makipag-deal sa mga taong makitid ang pag-iisip. Pero bakit ngayon kahit may katabi kami o may nadadaang tao ay okay lang sa akin na tawagin niya ng ganoon.

"H-Hindi ko alam." Nauutal na sagot ko. Wala naman talaga akong maiisagot.

"Ibig sabihin niyan, pwede na kitang tawaging Misis ko parati. Kahit maraming tao ha."

Hindi na ako umimik pa at tumango na lamang.

Nagpalit kami ng topic at tungkol iyon sa future restaurant niya. Pagkatapos kumain ay inihatid na niya ako sa bahay. Gusto pa raw sana niyang pumasok kaso gabi na raw at kailangan na niyang umuwi.

"Kita na lang tayo bukas. Susunduin kita Misis ko ah."

"Okay po, masusunod. Ingat ka sa byahe." Isinuot na niya ang kanyang helmet at sumakay sa motor. Pero umalis siya sa pagkakasakay at hinubad ang helmet kasabay ang paglapit sa akin.
"Good night Misis ko." Isinuot niyang muli ang helmet, muling sumakay sa motor at pinaharurot na ito pagkatapos.

Ang lola niyo hindi nakapag-react matapos niyang halikan sa pisngi na malapit pa sa labi ko. Nakahawak lang ako sa parte kung saan dumapo ang kanyang labi.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon