Chapter 16: Just this one

16.9K 636 173
                                    

     
  
Trey's POV
       

That night halos hindi ko maipikit ang mga mata ko. Gising na gising ang diwa ko. Parang nakainom lang ako ng isang timbang kape dahil dilat na dilat talaga ang mga ito.

Sino bang makakatulog kapag ganoon ang nangyari sayo? Parang tuod ako habang yakap-yakap niya mula sa likuran ko.

I couldn't move, I don't know how long it was. Basta matagal iyon at kung hindi pa siya bumitaw ay hindi pa ako nakaalis sa ganoong posisyon.

Hindi ko siya nilingon. Hindi rin ako nagsalita basta nakaharap lang ako sa gate. At nang buksan ito ni ate Ganda ay mabilis akong pumasok at kumaripas ng takbo papasok ng bahay.

Pareho nila akong tinawag pero hindi ko iyon pinansin. Nawala ako sa sarili at hindi ko alam kung paano sila haharapin lalo na si Ash.

Nagkulong ako sa kwarto at pilit na inaalis sa utak ang paulit-ulit na mga salita na nagpi-play dito.

Mahal pa rin kita Trey. Mahal na mahal.

Mahal pa rin kita Trey. Mahal na mahal.

Mahal pa rin kita Trey. Mahal na mahal.

My God! Mahal pa niya ako?

Bakit? Bakit niya nasabi ang mga salitang iyon?

Ayaw kong paniwalaan pero nang gabing 'yon, ramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Walang bahid ng biro at kasinungalingan. Kahit papano ay kilala ko si Ash, mapagbiro siya pero alam ko kung kailan siya nagiging seryoso.

Pero dapat ko ba talagang paniwalaan? Hindi ko alam. Hindi ko alam!

Ilang araw na akong hindi makapag-isip ng maayos. Pinipilit kong paniwalain ang sarili na nagbibiro lang siya, like he was doing a joke earlier that night. Kaso hindi eh, kahit anong gawin ko, mas lalo lang pinapamukha sa akin na totoo ang sinasabi niya dahil sa tatlong araw na lumilipas ay palagi niya akong tinatawagan, tiniteks, nagmimessage sa fb at higit sa lahat pinupuntahan sa bahay at school. Pero makaya ko namang ignorahin at takasan siya.

Subalit alam kong makakaharap ko rin siya lalo na't nag-uumpisa na siyang manligaw sa akin kahit hindi ko siya pinayagan.

Kung magpapatuloy siya, baka makapagpatayo na kami ng flowershop sa harap ng bahay namin. Seryoso eh nu!

Parang ito lang ang gusto ko dati na gawin niya, ang ligawan niya. But the situation is different now, I'm not inlove with him anymore. Ang kapatid na niya ang mahal ko na hanggang ngayon ay hindi kami pa rin kami nito nagpapansinan.

Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin. Pareho silang sakit sa ulo at sa puso. But only Summer is the reason while I'm in pain right now. Naghilom na ang sugat na natamo ko kay Ash dati. Mas malalim ngayon at hindi ko alam kung ano ang magiging lunas.

"Hey! Bakit ba palaging tulala ka? Ano na bang nangyayari sayo Trey? Pwede na ba kitang patingnan sa Psychiatrist?" Natatawang wika ni Mikael. It's the first time na nagbiro siya.

"O ba't ganyan ka makatingin?" Muling tanong niya.

Napaatras siya ng bahagya sa isang bench na kinauupuan namin ngayon dito sa school. Parehas naming vacant.

"You're joking."  Komento ko.

"Huh? Why? Masama bang magbiro?"

"Hindi naman. Nagbiro ka kasi eh. It's a first time you know."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon