Chapter 7: It's a no!

15.7K 629 126
                                    

Summer's POV

Pagbaba ko ng jeep, ang kotse agad niya ang nakita ko. Halos araw-araw ay nandito siya para hingin ang kapatawaran ko.

Napabuntong-hininga na lang ako habang papasok ng bahay. Kahit anong pagtataboy ang gawin ko sa kanya ay hindi pa rin siya sumusuko. Kahit anong masasakit na salita ang sinasabi ko ay tila bang hindi siya nasasaktan.

Dalawang buwan na rin ang nakalipas magmula nang malaman ko na siya ang tunay kong ama at walang araw na hindi ako nagagalit sa kanya pero nitong mga nakaraang araw ay parang unti-unting nawawala ang galit ko sa kanya lalo na't pursigido at pinapakita niya sa akin na pinagsisihan niya ang lahat ng kasalanan niya.

Naisip ko rin na bigyan siya ng pagkakataon pati na rin ang sarili ko. Napagtanto ko na walang hahantungan itong galit ko sa kanya kapag pinatagal ko pa. Unti-unti ko na ring naiintindihan ang lahat.

Nakatulong din sa akin ang mga sinabi ni Trey kaya buo na ang desisyon kong bigyan ng pagkakataon ang totoo kong ama at pati na rin ang sarili ko.

Mula sa labas ng bahay ay rinig ko ang ingay sa loob lalo na ang boses ni Winter. Nagiging maingay ang kapatid kong 'yan lalo na't nandito si Papa.

Papa?

Totoo bang nasabi ko sa isip ko ang salitang iyon?

Hindi ko alam pero parang may kung anong umusbong na bagong pakiramdam sa puso ko. Hindi ko matukoy kung ano pero parang ang saya. Parang ang gaan sa pakiramdam. Ibig sabihin, tanggap ko na siya.

"Nandito na ako." Pagpapaalam ko sa kanila nang buksan ko ang pinto. Isang ngiti ang iginawad ko sa kanila. Binaba niya si Winter na nakakandong sa kanya at tumayo.

"Kuya!" Lumapit naman sa akin si Winter na tuwang-tuwa habang pinapakita ang bago niyang laruan na bigay ni Papa.

Minsan napapaisip ako, parang si Winter lang ang totoo niyang anak dahil palagi niya itong binibigyan ng mga materyal na bagay. Sabagay, hindi ko naman din kasi tinatanggap ang mga binibigay niya sa akin eh.

"Wow! Ang ganda naman ng laruan ni bunsoy." Nakangiting sabi ko kay Winter at ginulo ko ang buhok nito.

"Halika kuya." Kinuha ni Winter ang kamay ko at hinila papunta sa kinauupuan nila kanina. Ang dalawa kong kapatid ay naroon lang nakaupo sa kabilang upuan at tahimik. Si Mama naman ay nagpaalam na pupunta sa kusina dahil titingnan niya raw ang niluluto niya.

Ningitian ko siya habang papalapit kami ni Winter. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Hindi kasi niya inaasahan na ngingitian ko siya. Galit na mukha at masamang tingin palagi ang pinapakita ko habang kaharap siya kaya marahil nagulat siya sa ngiti ko.

"Son." Sambit niya.

"Magandang gabi ho." Nahihiyang bati ko. Parang ngayon lang ata ako nailang sa kanya. Iba talaga kapag galit ka, nawawala ang ilang at hiya mo sa ibang tao.

Sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. Unang beses ko rin kasi siyang binati.

"Maupo na ho kayo."

"S-Salamat."

Nang makaupo ay natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayan, ngayong bibigyan ko na siya ng pagkakataon, ngayon pa ako tatahimik. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam ang sasabihin.

"Kuya, akyat lang po kami sa taas. Tito Fred excuse po." Paalam sa amin ng isa sa kambal. Tango lang ang tinugon ko. Inaya na rin nila si Winter at sumama naman ito. Ngayon, kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa sala. Si Mama ay mukhang busy ata sa kusina.

'Yong ilang na nararamdaman ko kanina ay mas lalong lumala. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nakatungo lang ako. Parang umatras din ang dila ko dahil hindi na ako nakapagsalita. Naging tahimik din siya katulad ko. Namayani ang katahimikan at parang nagpapakiramdaman pa kami sa isa't-isa kung sino ang babasag nito.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon