Chapter 12: Unknown feeling

16.2K 662 174
                                    

   
    
Summer's POV
   
    
Isang buwan na ang nakalipas na hindi ako kinakausap ng matino ni Trey. Nagkakabatian kaming dalawa pero hindi pa maayos. Ramdam at pansin ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit siya nagkakagano'n. Ibang-iba na ang pakikitungo niya sa akin simula nang ipaalam ko sa kanya na magnobya na kami ni Danica.

Hindi naman niya sinasabi sa akin na hindi niya gusto si Danica para sa 'kin. Siya pa nga ang nagtutulak sa akin para rito eh.

Pero bakit gano'n? Bakit parang hindi siya naging masaya nang maging kami nito?

Pwede ring iba ang rason niya. Baka may dinadala siyang problema. Matagal ko na ring napapansin iyon. Hindi ko lang maitanong dahil 'yon rin ang dahilan at busy din ako sa panliligaw kay Danica. Hindi ko na nga siya nakakasama dahil ito ang kasama ko parati. Maiintindihan naman siguro niya ako dahil may nobya na ako.

O baka wala naman talaga at napapraning lang ako. Palagi ko kasing iniisip kung bakit siya nagkakagano'n. Namimiss ko na rin ang kaibigan kong iyon. Medyo hindi ako sanay na hindi siya kasama. Pero kailangan kong masanay dahil may girlfriend na ako.

Sana lang hindi lalayo ang loob niya sa akin. Siya pa rin ang tinuturing kong bestfriend at isa sa pinakamahalaga sa buhay ko. Alam kong nandyan lang sa tabi ko si Trey. Nangako kami na walang iwanan kahit anong mangyari.

"Uy! Ano na?"

"H-Huh?"

"Lumilipad na naman 'yang pag-iisip mo. Ang sabi ko, tuloy ba tayo sa beach sa susunod na linggo?"

"Ah eh, oo naman." Nginitian ko siya nang may pagsang-ayon.

"Pero mamaya na natin pag-usapan ang tungkol diyan. There is something bothering you. Tell me, is it Trey? Siya ba ulit ang pinoproblema mo?" Medyo mataray niyang sabi.

"Pasensya ka na Dan, hindi ko lang talaga maiwasan na hindi isipin ang nangyayari sa pagkakaibigan namin." Paumanhing paliwanag ko. Alam kong naiinis na sa akin itong si Danica. Sa tuwing magkasama kasi kami ay hindi nawawala sa usapan namin si Trey. Pinag-awayan pa nga namin iyon eh.

"How many times do I have to tell you that leave him to breathe. Ikaw na nagsabi na baka binibigyan ka lang niya ng panahon para sa akin. You should use to it."

"Sorry Dan, hindi na."

"Okay, so itigil mo na ang kakaisip kung may problema kayo dahil wala naman talaga. Kahit papano, nakilala ko si Trey. He seems to be a good person. Kung may problema siya, I know he will tell you right away. Magbestfriend kayo eh. Pero kailangan mo ring masanay na hindi siya kasama. I'm here Sum, I'm your girlfriend. Ako ka na dapat palagi ang nakakasama mo. But it doesn't mean na ilalayo kita sa kanya. Magbestfriend pa rin naman kayo pero may mga sarili pa rin kayong buhay at priorities." Mahabang litanya niya.

"Oo. T-Tama ka."

Ito ang isa sa mga nagustuhan ko kay Danica. Sinasabi niya kung ano ang nasa isip niya. Pranka rin siya. Hindi niya raw kailangang itago kung sino siya sa akin. Unlike others na pulos kapekean ang pinapakita. Pero higit sa lahat, mabait siya at maalalahanin kaya mas pinursige ko ang panliligaw sa kanya. Nakilala na rin siya ni Papa at Mama at ng mga kapatid ko. Natuwa naman ang mga ito at suportado nila ang relasyon namin. Katulad din ng pamilya ni Dan ay suportado rin kami. Halos magdadalawang buwan na rin ang relasyon namin.

"Stop thinking about it. So ano na, final na next week ah." Tumango ako. "Ang kailangan na lang natin ay kausapin ang parents natin. I'm sure papayag ang mga 'yon."

Ngumiti lang ako bilang tugon ngunit agad nawala iyon nang makita ko ang isang taong kinaiinisan ko.

Ash.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon