Chapter 13: Goodbye

16.2K 661 134
                                    

     
   
Trey's POV
  
   
    
"Okay na ba sayo na dito tayo kakain?" Tanong ni Ash nang huminto kami sa harap ng isang restaurant.

Magmemerienda lang kami at mag-uusap pero sa isang mamahaling restaurant niya ako dinala.

Tumango lang ako bilang tugon. Gusto ko sanang i-suggest na sa ibang restaurant na lang kami kumain pero napangunahan ako ng hiya. Naiilang pa rin kasi ako sa presensya niya.

Nang tumawag nga siya kanina halos hindi kami magkaintindihan dahil sa nagkandautal-utal ang pananalita ko at habang nasa byahe ay tahimik lang ako at puro tango ang sinasagot kapag nagsasalita siya.

Nang maiparada niya ng maayos ang kotse niya ay sabay kaming lumabas dito. Pinauna niya ako papasok ng restaurant.

Sinalubong kami ng isang waiter at iginaya sa may bakanteng mesa. Agad na nag-order si Ash. Kung anong inorder niya ay ganoon din sa akin.

"So, anong balak mo this summer?" Nang sabihin niya ang salitang summer ay agad kong naalala ang bestfriend ko. Mabuti pa ang isang 'yon, masaya na sa lovelife niya. Hindi na ako bitter niyan ha.

"Cooking lesson lang siguro." Sagot ko naman. Maliban sa practice, 'yon lang ang naisip kong gawin this Summer.

"Saan ka mag-eenroll?" Usisa niya.

"Ahm hindi ako mag-eenroll. 'Yong kasama ko sa team ang magtuturo sa akin. HRM kasi course nun."

"Who?"

"Ewan ko lang kung kilala mo siya. He's Andrei Callente."

"Hindi ko nga siya kilala. So, magiging busy ka pala niyan?"

"Hindi naman niya ako araw-araw tuturuan. Four hours a day lang din naman ang practice at training namin.." Sagot ko.

"If only I know how to cook, I might be the one who'll teach you. But thats a good news. So pwede pala kitang ayain lumabas minsan?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Gusto pa niya akong ayain sa susunod? Akala ko ngayon lang 'to?

Pero bakit? Bakit niya ako gustong ayaing lumabas.

"Okay lang." Pumayag na ako. Nahihiya akong tumanggi. Pero lakas loob akong nagtanong sa kanya.

"M-Matanong kita Ash. Why do you want to go out with me after this. Pwede bang malaman ang rason mo?"

Hindi ako nag-aassume pero parang alam ko kung saan ito patungo. Hindi ako kasing manhid ni Summer.

Yeah Summer again.

Balik tayo kay Ash. Ramdam ko na minahal niya ako noon pero itinigil niya iyon dahil sa sobrang nasasaktan na niya ako. Pinili niya ang hiwalayan ako. Pero hindi ko akalaing magpaparamdam siya ng ganito ulit sa akin.

Sasagot na sana siya nang sakto namang dumating ang order namin.

Inayos ng waiter ang order namin at pagkaalis nito ay sinagot ni Ash ang tanong ko. "Just a friendly hang-out. Okay lang ba."

Nagulat ako. Gosh! Ang tanga mo Trey! Assumera ka talaga kahit kailan! Bakit hindi mo naisip na gusto ka lang niyang ayaing lumabas.

Hindi ko lang kasi maiwasan mag-isip ng ganoon. Naging ex ko siya eh at may something na kung mag-aaya siya at isa pa pansin kong nagpapahiwatig siya.

Pero kung gusto niya lang akong kasamang lumabas, okay na rin. May pinagsamahan naman din kami kahit papano. Iiwas na lang ako at magpapatay malisya kung magpapahiwatig nga siya. Kapal!

Atsaka malay ko baka may nobya na siya. Sa gwapo niyang 'yan, hindi malayong hindi siya magka-girfriend o baka nga silang dalawa na ni Julia.

Ayaw ko na ring alamin pa. Okay na 'tong maayos kaming dalawa. Nakamove-on na rin ako sa kanya. Atsaka natutuwa akong makita siyang ganito. Maayos ang buhay.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon