Chapter 18: What if

18.8K 668 222
                                    

Trey's POV

Nagulat ako nang bigla niya na lang akong hilahin papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

Hindi siya nagsalita at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yakapin na rin siya.

I didn't expect that this will happen. Sa mabilis na pangyayari, magkakabati agad kami.

Siya na rin ang unang kumalas sa pagkakayakap. "Miss na miss na kita, Trey." Pahayag niya habang matamang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko makita ang pagkukunwari sa kanya. Ipinapahayag ng kanyang mata na totoong namiss nga niya ako. I really miss him too.

"A-Ako rin."

"Tanggap ko na ang sorry mo. Ayaw ko na ng maraming salita. Basta bati na tayo ah."

Hindi ako nakapagsalita. Parang gusto kong umiyak. Gusto ko ring sisihin ang sarili ko dahil gustong-gusto talaga niyang makipagbati sa akin. Sana hindi ko na pinatagal. Mikael's right. Tama siya na maiintindihan ako si Summer.

"Naiintindihan ko na kung bakit ka lumalayo. Gusto mo lang kaming bigyan ng space ni Danica dahil pakiramdam mo makakasagabal ka sa amin. Pero kahit lumalayo ka, mas nahihirapan kami. Kasi gusto pa rin kitang makasama. Tama siya na pinipilit nga naming maging masya kahit hindi naman."

Akmang magsasalita ako nang pigilan niya ako. "Kung magsosorry ka lang, mas magandang huwag ka nang magsalita. Pinatapatawad na kita at kailan ba kita hindi natiis, ha? Kahit gusto kong magalit sayo, hindi ko magawa. Halika nga rito misis ko." Muli niya akong hinila papalapit sa kanya at inakbayan.

"Tara na nga, kain na tayo. Miss na kitang kasamang kumain at katambay." Wala na rin akong nagawa nang hilahin na niya ako papalabas ng classroom.

I guess, hindi ko na kailangan pang mag-explain. Siya na mismo ang nagsabi na naiintindihan niya ako.

Hindi ko talaga 'to in-expect. Parang kailan lang hindi kami nagpapansinan. Galit siya sa akin. Pero ngayon, isang sorry ko pa lang, pinatawad agad niya ako. Hindi ko na rin kailangang magpaliwanag.

I'm so happy right now. Narealized ko rin na mas mahirap na magkaaway kami dahil mas lalo lang akong nahihirapan. Mabuti na itong magkalapit kami dahil kahit nahihirapan ako at nasasaktan atleast hindi siya mawawala.

Ayaw kong nang humangad pa. Panghahawakan ko na lang itong pagkakaibigan namin.

***

"Misis ko!" Napalingon ako sa taong sumigaw. Hindi ko na kailangang hulaan dahil iisang tao lang naman ang tumatawag sa aking ng ganoon.

But, Geez! Kakabati pa lang namin pinapakilig agad niya ako. Char! Assumera lang!

Pero namiss ko ang pagtawag niya sa akin ng ganun.

Huminto ako sa paglalakad. Ngumiti ako habang siya'y papalapit sa akin. "Hi. Good morning." Bati ko sa kanya.

Pabebeng bakla!

"Magandang umaga din Misis ko." Misis ko na naman! Nag-uumpisa na tuloy akong makaramdam ng ilang. Hindi na ako sanay na tinatawag niyang ganyan 'di katulad dati.

"Huwag mo na kaya akong tawagin na ganyan lalo na kapag nandito tayo sa school. Baka kung anong isipin nila tungkol sa 'tin." Mabuti na lang at wala pang masyadong estudyante ngayon. Maaga pa kasi.

"Eh sa gusto kitang tawaging gano'n. Pero kung ayaw mo talaga, susundin ko." Aniya sabay akbay sa 'kin. "Pero tungkol sa sasabihin nila, wala akong pakialam. Eh misis kita eh. Hayaan mo papakasalan kita para pwede na kitang tawaging ganoon!" Nakakalokong wika niya. Kinurot ko naman siya sa tagiliran na nagpadaing sa kanya.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon