Chapter 37: Until now

12.3K 533 196
                                    


    
Trey's POV
  
   
"Son, wake up. We're here." Nagising ako nang may yumugyog sa balikat ko. Si mommy.

Napatingin ako sa labas. Wala na ang ulap na ilang oras ko ring nakikita. Tanaw ko na ang malawak na landing area ng NAIA. Napangiti ako. Nandito na nga kami sa Pilipinas.

"Kunin mo na ang mga gamit mo at bababa na tayo." Utos ni mommy sa akin. Tumango ako bilang tugon. Napabaling ako ng tingin sa mga taong nakatayo at nag-aayos na ng kanilang mga gamit.

Paglabas ng pinto ng eroplano ay agad kong naramdaman ang simoy ng hangin ng aking lupang sinilanganan. Ang tahanan ng aking mga lahi. Ang bansang pinakamamahal ko. Charot!

Nandito na rin ako sa wakas. It's been three years already since the last time I stepped my foot here. It's nice to be home, again.

"Son, bumaba ka na, may mga pasahero pang bababa. Mamaya mo na i-feel 'yan 'pag nasa bahay na tayo, okay?"

Napatingin ako kay mommy na ngayon ay nasa likod ko.

"Panira ka rin ng momment 'My nu. Alam mo namang finefeel ko lang 'yong pagwelcome ng polluted na hangin dito sa Pinas eh."

"Go already."

Kita mo 'to si mommy, KJ. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Atsaka hindi ba niya namiss ang Pilipinas? It's more fun here in the Phillippines kaya. Atsaka ang tagal din namin sa Korea bago nakauwi rito nu. Napasimangot na lamang ako at bumaba na. Si kuya Terrence ang susundo sa amin ngayon. Kasama niya sina Enzo at Kenzo---his twins nang makalabas kami ng paliparan.

Agad akong tumakbo at yumakap sa kambal nang makita ko sila. Nagpabuhat naman sila sa akin pagkatapos nila akong pugpuggin ng halik sa pisngi. Namiss ko ang dalawang bubwit na 'to. Noong December ko pa sila huling nakita nang pumunta sila sa Korea. April na ngayon.

"Parang bumigat ata kayo ah?" Nakangiting wika ko sa kanila. They were just three years old pero ang lalaking bulas na nila. Pinipilit ko nga silang buhatin kahit pa parang natatae na ako dahil sa sobrang bigat nilang dalawa.

"Because we ate po a lot of foods tita Trey eh." Ang kyut na sagot ni Enzo.

"And milk po tita Trey." Dagdag pa ni Kenzo.

"O sige na, baba ko na kayo. Tita Trey can't buhat the two of you anymore. Ang bibigat na ninyo eh."

Conyo pa more!

"Sinasanay mo na talaga silang tawagin kang tita ha." Ang wika ni Kuya Rence matapos salubungin sina mommy at daddy at nilagay sa likod ng sasakyan ang bagahe namin. Ang dalawang kambal ay nasa lolo't lola na nila ngayon at nagpabuhat. For sure, parehong magko-complain ang dalawang matandang 'yan mamaya dahil sa sakit sa buto.

"Pakialam mo ba kung gusto kong tita ang itatawag nila sa 'kin. Bakit? May pakialam ka."

"They're my kids, of course!"

"Oo! Tama ka. Pero anak mo lang sila! Hindi mo sila pag-aari kaya huwag mo silang angkinin dahil ama ka lang ni---aray! Kuya naman eh!" Napadaing ako at napahawak sa ulo ko nang sapukin niya ito.

Panira rin ang isang 'to! Alam niya namang umaakting ako eh.

"'Yang mga kalokohan mo eh nu! Hindi ka naman ganyan dati ah."

"People changed, so am I? 'Di ba, kita mo naman, mas lalo akong gumand---waaah! Mommmmy!" Napasagang ako ng kamay nang akmang sasapukin ulit ako ni kuya.

"Mom, pagsabihan niyo nga 'to! Baka hindi ako nakapagpigil at masasapak ko ang loko-loko na 'to." Sumbong niya kay mommy.

Napangiti naman ako dahil sa inakto ni kuya. Simula pa talaga dati ay hindi niya ako kayang pagalitan o pagbuhatan ng kamay. Alam kong mahal talaga niya ako.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon