Special Chapter: The Vacation Part 1

22.9K 621 307
                                    


Trey's POV

"Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong ko sa kanya nang pumasok siya sa restaurant ko. Hindi man lang natakot ang kumag kahit pa tinataasan ko siya ng kilay at sinasamaan ng tingin.

"Good morning Misis ko. Kumusta ang tulog mo?"

Mas lalong tumaas ang kilay ko.

Wow! Playing innocent huh? Parang wala lang siyang nagawang kasalanan. Ilang araw pa nga lang kaming nagkaaminan, gumawa na agad siya ng bagay na maaring ikakasakit ng damdamin ko.

"Huwag mo akong kausapin. Umalis ka na rito. I don't want to see your face anymore!" Dahil sa galit ay tumaas na ang boses ko. In my peripheral vision, my employees stop from what they were doing and averted their attention towards us. Some of them were shocked of my sudden burst. Bumalik lamang sila sa tinatrabaho nang tingan ko sila.

Mabuti na lamang ay hindi pa kami nakakapagbukas ng restaurant. Mas nakakahiya kung may nga customers pa na naririto.

Ito kasing lalaking nasa harapan ko ay walang habas na pumasok dito sa loob ng restaurant nang wala man lang pasabi. Hindi naman siya pinigilan ng mga empleyado ko dahil kilala na siya ng mga ito bilang nobyo ko. Paano naman kasi ay araw-araw na siyang pumupunta rito at halos dito na mamalagi. Ginagawa niyang bahay!

We've been again for over a couple of weeks. Ang bilis ng pangyayari. It was surreal. Akala ko wala ng pag-asang magkabalikan kami. Tanggap na tanggap ko na sana na wala ng pagkakataon pero naging totoo ang inaasam ko. Walang salitang maihahaluntulad sa kasiyang nadarama ko ngayon.

Pero sa kabila niyon, galit pa rin ako sa lalaking ito. Masyado kasing malandi. Porket gwapo siya't maganda ang katawan, lalandi na siya sa kung sinu-sino.

Saan na ang sinasabi niya na ako lang? Na wala ng mas hihigit pa sa akin? Sinungaling siya!

"I hate you!" I excalimed when he just smiled amusingly.

"Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng security para paalisin ka rito. Nakakaistorbo k---"

"Sarap talaga."

Hindi na ako nakapagsalita nang bigla niya na lang akong halikan sa labip. Bahagyang napaawang pa ang bibig ko dahil sa gulat.

"Para sayo pala Misis ko. I love you." Inilahad niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Tiningnan ko lamang ito. Nagdadalawang-isip kung tatanggapin o hindi. Kahit kinikilig ako, hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya. Bahala siya, magdusa siya sa kasalanang ginawa niya.

"Paborito mo." Dagdag pa niya.

Nang-init naman ang pisngi ko nang marinig ang kantyawan ng mga empleyado ko. Sinisigaw na tanggapin ko na raw ang bouquet. Sinamaan ko sila ng tingon.

Mamaya kayo at papagalitan ko kayo. Nagawa ba naman kampihan ang ulupong na 'to kaysa sa boss nila.

Nakita ko namang tumingin sa kanila si Summer. "Galit sa akin 'tong sir niyo oh. Wala naman akong ginawang mali sa kanya. Mahal na mahal ko lang naman siya." Nagpaawa pa ang loko pero nakangiti naman ang labi.

"Patawarin mo na boss!"

"Oo nga boss. Mahal ka naman ni sir Summer eh."

"Akin na lang si sir kung ayaw mo na sa kanya boss Trey."

Narinig ko ang sunod-sunod na sigaw ng mga empleyado ko pero nagpanting naman ang aking tenga sa huling nagsalita. Ang maharot na cashier ng restaurant, si Gwen.

Agad akong lumingon sa kanya at binigyan ng dagger look. Nanlaki ang kanyang mga mata niya at mabilis na bumalik sa ginagawa.

"Anong ningingiti mo diyan?" Galit na turan ko nang lingunin ko si Summer. Napailing lang ang mokong at patagong nagthumbs-up pa kay Gwen.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon