Chapter 17: It turns out

17K 666 231
                                    



Trey's POV


Hindi agad ako nakakibo nang sigawan ako ni Summer. Kahit nakaalis na siya ng classroom, tulala pa rin ako. Nabalik lang ako sa ulirat nang tinawag ako ni Mikael.

Mabilis siyang lumapit sa akin para yakapin ako. Doon na ako napaiyak ng tuluyan.

Iyon ang ikalawang beses na sinigawan ako ni Summer ng ganoon pagkatapos nang unang beses kaming nag-usap noon sa rooftop. Mas galit siya kumpara dati at sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya unlike before na nainis lang ako dahil sa pang-iinsulto niya sa akin.

"Tahan na Trey..." Pag-aalo sa akin ni Mikael. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito. "Huwag mo nang isipin 'yon, baka nabigla lang si Summer kaya ka niya nasigawan. Alam mo namang matagal ka ng gustong makausap ng tao."

Alam ko naman eh. Naiintindihan ko kung bakit nagagalit sa akin si Summer. Dapat lang niya akong sigawan. Dapat lang na magalit siya sa akin dahil ako ang may kasalanan ng lahat.

Hindi ko naman ginustong gawin. Nais ko lang ilayo ang sarili at puso sa sakit but it turns out na mas lalo pa pala akong nasasaktan.

Pero totoo ba ang sinabi ni Summer na nagbreak na sila ni Danica? Sa anong dahilan? Totoo pala ang balita na naririnig ko kina Alyana.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil pakiramdam ko, ako ang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa.

Assumera ka talaga Trey!

Pero sa nakikita ko sa kanila dati masaya naman sila. But who knows. Baka may lamat na ang relasyon nila.

Kung totoong break na sila hindi ko pa rin dapat ikatuwa iyon dahil ni isang porsyento, wala pa rin akong pag-asa na mahalin niya ako.

May mga sinabi pa si Mikael upang pagaanin ang loob ko. Naging effective naman dahil tumigil na ako sa pag-iyak kalaunan. Natutuwa ako na walang kinakampihan si Mikael sa amin dahil pareho niya kaming naiintidihan ni Summer.

Unti-unti na ring dumdating ang mga kaklase namin at nagtatakang tinatapunan nila kami ng tingin.

Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng umiiyak?

Hindi ko na lang pinansin hanggang sa nagsimula kami ng klase.

Hindi na bumalik si Summer na somehow, pinagpapasalamat ko pero nag-alala pa rin ako dahil absent siya. Mabuti na lang nag-disscuss lang si prof.

Sa ikalawang klase ay pumasok na siya. Para akong naging estatwa sa kinauupuan ko dahil hindi talaga ako gumagalaw. Kahit hindi ko nakikita, ramdam ko ang galit niya sa akin. Eksaherada man pero 'yon ang totoo. Mabuti na lang din at nasa likurang bahagi ko siya nakaupo kaya kahit papano nakakatulong na hindi madagdagan ang kabang nararamdaman ko.

Sa buong araw, nagawa kong kayanin at indain ang pakiramdam na galit siya sa akin. Nakaya kong hindi mapatingin sa kanya kahit pakiramdam ko tinititigan niya ako. Agad akong tumutungo kapag nahahagip siya ng mga mata ko.

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang sitwasyon hanggang sa lumipas pa ang isang araw at isa pa. Mabuti na lang at hindi na ako pinipilit ni Mikael na kausapin si Summer kahit ramdam ko na gusto niyang gawin ko 'yon.

Bawat oras lalo na sa gabi ay naiisip kong dapat kausapin ko na si Summer. Gusto ko ng makipagbati pero napapangunahan ako ng takot. Baka hindi niya ako patawarin o baka hindi na rin niya ako kausapin.

Pilit kong isinasaisip ang sinabi ni Mikael na maiintindihan ako ni Summer pero nagdadalawang isip pa rin ako sapagkat nilulukob ng takot ang lakas ng loob ko para kausapin siya.

Hindi ko na alam ang gagawin. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting nawawala ang lakas ng loob ko.

Kailangan ko na bang tanggapin na wala na ang nabuo naming pagkakaibigan namin ni Summer?

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon