Chapter 33: Involvement

14.7K 511 118
                                    

Trey's POV

Parang kailan lang nang naging kami ng bestfriend ko. We survive for one month at ngayon magdadalawang buwan na kami and that will be a week from now.

Napakasaya ko na kahit lagpas isang buwan palang kami ay nanatili kaming matibay. We've been through a lot. Nagtiwala kami sa isa't-isa kaya nagawa naming lampasan ang lahat ng pagsubok na dumaan sa amin.

Napakahirap panindigan ang relasyong ito kung totoosin. Sa lipunang ito, mahirap ipaglaban at panindigan ang ganitong klase ng relasyon. Pero kung pagmamahal ang mananaig sa dalawang taong nagmamahalan, kahit imposibleng bagay ay pwedeng mangyari.

Katulad sa amin ngayon ni Summer. Hindi pa rin akong lubusang makapaniwala na naging kami at umabot ng ganito katagal. Hindi biro ang halos dalawang buwan sa ganitong relasyon, kung alam niyo lang.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Nawala ako sa pag-iisip dahil sa nagsalita. Bago pa man ako makalingon upang mapagsino ito, umupo na ito sa katabing upuan sa mesang kinauupuan ko. "Good morning." Pagbati niya.

"G-Good morning." Tugon ko.

Ano kayang ginagawa niya rito ng ganito kaaga?

"Susunduin ko ang kuya mo kung 'yan ang tanong mo." He said and then smiled. Nabasa agad niya ang reaksyon sa mukha ko.

Bakit niya sinusundo si kuya? Driver na ba siya ngayon ni kuya? Bakit, nasaan ang sasakyan nito. Ay oo nga pala, nasira 'yong side mirror ng sasakyan ni kuya. Nahagip pala ng isang truck ayon sa kwento nito kagabi.

Napatango-tango na lang ako. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa titig niya. Nag-uumpisa na naman akong makaramdam ng pagkailang.

"Kain ka nga pala." Pag-anyaya ko sa kanya. "Done, already. Oh, Kain ka na."

Tipid na lang akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain. Mabuti't kunti na lang ang naiiwan. Tinapos ko na lang ito kahit nakakailang. Nang matapos, nagpaalam ako sa kanya upang ihatid ang pinagakain ko sa kusina.

Actually, kanina pa ako kumakain. Marami lang akong naiisip at naaalala kaya natagalan ako. Pabagal-bagal din ako dahil wala kaming pasok sa first two subjects namin ngayon. Maaga rin akong nagising dahil maaga akong nakatulog kagabi. Bagsak agad ako sa kama dahil na rin sa pagod. Nagdate kasi kami ni Summer kahapon ng buong araw kaya ganoon.

Dinala pala niya ako sa lugar kung saan kita ang buong bayan namin. Sa lugar kung saan itinanong ko sa kanya dati na kung kunwari ay ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang mahal ko siya. Napag-usapan din namin 'yong tungkol doon kagabi.

Pagbalik ko sa dining area ay nandoon pa rin si Ash at nanatiling nakaupo na ikinunot ng noo ko.

"Hindi mo ba siya pupuntahan sa kwarto niya?" Even its not my intention, I think I'm being rude the way I talk to him. Hindi ko lang kasi alam kung paano siya kakausapin ng maayos. It's kinda awkward for me. Pero hindi ibig sabihin nito na may nararamdaman pa ako sa kanya. Nakakailang lang talaga.

"Tinext ko na siya no'ng papasok ako rito. Maliligo pa lang daw siya."

"Ahh." Nagtaas-baba ako ng ulo. "Ahm.. Why don't you wait him in the couch?"

"Nakita kasi kita rito. Balak ko naman talagang maghintay doon." Sagot niya sabay tingin sa suot ko. "Wala ka bang pasok ngayon?" He asked curiously.

"Mamayang 10 pa. Absent kasi 'yong dal'wang prof namin." I answered.

Napatango-tango siya. "Pwede ba munang mag-usap tayo rito while I'm waiting for your brother. Medyo matagal na rin nang huli tayong nag-usap eh, okay lang ba?"

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon