Chapter 31: Contributions and efforts

14.1K 575 82
                                    

    
Trey's POV
   
     
"Gagawin ko rin 'yon sayo." Huling sabi ni Akiro kay Summer bago nilisan ang restaurant.

Naikuyom ni Summer ang kanyang kamay at kung hindi ko hinawakan ito, malamang ay sinundan na niya si Akiro.

Kumalma naman siya nang tiningnan ko siya na nagsusumamo.

"Sa office tayo." Halos wala ng boses na saad ko sa kanya. Hinawakan ko sa kamay at hinila papunta sa kanyang office. Hindi naman siya tumutol.

Bagamat nagtataka ang ibang customers sa nangyari ay ipinagsawalang bahala na lamang nila ito.

"Sorry Misis ko. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na magalit." Pagpaumanhin niya nang makarating kami sa office niya.

Niyakap ko siya. "Huwag kang magsorry Mister ko. Naiintindihan kita. Miski nga ako galit sa kanya. Hayaan na lang natin siya. Basta hindi lang natin siya papayagan na sirain tayo."

Hindi na siya nagsalita bagkus ginantihan na lang niya ako ng yakap. Marahang hinaplos ko ang kanyang likod.

Maya-maya'y bumitaw siya. Iniwan niyang nakapatong ang kanyang mga kamay sa balikat ko. Hinarap niya ako at tiningnan ng seryoso. Samo't saring ekspresyon ang nakikita ko ngayon sa kanyang mukha.

"Huwag kang matakot Misis ko. Gagawin ko lahat para maprotektahan ka at ang relasyong 'to. Hindi ko hahayaang sirain tayo ng gag0ng 'yon. Huwag siyang magkamamaling ilapat ang kamay niya sayo dahil baka mapatay ko siya." Pagbabanta niya.

Nilagay ko ang hintuturo ko sa kanyang labi. "Sssh huwag ganyan. Hindi ka pwedeng maging kriminal nang dahil lang sa 'kin. Naniniwala ako sayo na poprotektahan mo 'ko. Ayokong umabot na gagawa ka ng isang krimen."

"Para sayo Misis ko handa akong maging kriminal. Huwag ka lang talagang saktan. Hindi ko alam kung ano pang magagawa ko sa kanila."

"Asus. Huwag ka ngang oa. Basta huwag gano'n. Kung hahawakan man ako ni Akiro, sisigaw na lang ako ng malakas o di kaya sisipain ko 'yong ano niya."

"Sana palagi kang nasa tabi ko para hindi talaga makalapit sayo ang lalaking 'yon. Natatakot ako Misis ko baka kung anong gawin niya sayo. Ngayon pa lang sobra na akong nangangamba. Hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin."

"Kapag nakita ko siya iiwas na lang ako, okay? Hindi naman ako natatakot sa kanya eh. Andiyan ka naman palagi sa tabi ko. 'Di mo nga ako pinapalabas ng bahay na walang kasama. Pinapaalam ko rin sayo kung saan ako pumupunta 'di ba?"

"Syempre, pinoproptektahan ko lang kung ano ang akin. Kung pwede nga lang itali kita ay matagal ko ng nagawa. Isa kang babasagin na bagay na kailangan ng matinding pag-iingat."

Gumuhit sa kanyang mukha ang isang magandang ngiti. Mula sa balikat ay inilipat niya ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

"Sa totoo lang kasi Misis ko, maganda ka na para sa isang lalaki. Kung hindi lang dahil diyan sa gupit mo at kung mahaba pa 'tong buhok mo, mapagkakamalan ka talagang babae."

Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko. Ang galing galing lang magpakilig.

"Bakit kasi ganyan ka kaganda ha? Kung hindi lang kita binabakuran, marami na siguro akong kaagaw sa 'yo. Habang lumilipas kasi ang mga araw ay mas lalo kang gumaganda. Sabihin mo nga Misis ko, ako ba ang dahilan niyan? Alam mo bang nagiging gwapo o maganda ang isang tao kung in love siya." Mahabang litanya niya at nagtaas baba pa ang dalawang kilay niya.

Napaiwas ako ng tingin. Pinapailang na naman niya ako. Hindi na siguro ako masasanay sa pagiging ganyan niya. Bigla-bigla na lang kasi. Wala pa kaming pag-uusap na hindi niya ako pinapakilig kahit pa gaano ito ka seryoso.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon