Chapter 8: Fate

16.1K 629 108
                                    




Trey's POV


Nasaktan ako pagkatapos sabihin ni Summer na kapatid lang ang turing niya sa 'kin. Pero kasalanan ko naman din kasi kung bakit biniro ko pa siya kung nagseselos ba siya kay Andrei.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Hindi ako aware sa maaring kahihinatnan ng mga actions ko. Bumabalik lang sa akin ang lahat.

Unang beses ko ring umiyak nang dahil kay Summer. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak no'ng mga oras na iyon. Hindi ako nagsalita that time. Umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya.

Ano na ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya? Mahal ko na ba talaga siya? Malalim na ba?

Argh! Gulong-gulo na ang isip at puso ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin at mararamdaman ko.

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang pag-uusap naming iyon. Kinausap at tinanong ako ni Summer after ng exam kung bakit ba raw bigla na lang akong umalis sa table sa canteen kung saan kami kumain nun at 'yon nga nag-usap. Sinagot ko na lang siya na biglang sumakit ang tiyan ko at dumiretso ng banyo kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya.

What a lame excuse right? Sa banyo naman talaga ako pupunta. Pero sa totoo niyan, hindi pa ako nakakarating doon, lumandas na sa pisngi ko ang mga luha. Nasaktan talaga ako sa sinabi niya.

Pero hindi ko siya sinisi dahil hindi naman niya alam kung bakit ako umiyak at isa pa ako ang may kasalanan kaya walang ibang dapat na sisihin kundi ako lang.

After that incident, naapektuhan ang mga sumunod kong exams. Ang galing ko talagang tumayming. Examination week pa talaga. Mabuti na lang hindi ako naging failed sa lahat ng exam.

"So next two weeks na ang National competition at dahil tapos na rin ang exams niyo kailangan na ninyo ng puspusang ensayo. May babaguhin lang tayong isang stunt and then polishing na. Any questions?"

"None coach." We all answered in chorus sa naging tanong ni coach. Nandito ako sa gym kasama ang mga kateammates ko para sa practice namin ngayong araw.

"So let's get started. Magwarm-up na kayo."

Sabay na sumagot ulit kaming lahat at nag-umisa ng magwarm-up. After ng group stretching ay magpartner naman. Si Andrei pa rin ang partner ko sa stretching. Medyo okay na rin kaming dalawa. Okay naman talaga kami dahil wala naman kaming kasalanan sa isa't-isa. Pero no'ng sinabihan ko siyang itigil na niya ang panliligaw ay nakaramdam kami ng pagkailang at parang may wall na nabuo sa pagitan naming dalawa.

I don't know exactly pero iyon ang naging sa tingin ko pero gaya nga ng sabi ko, okay na kami. Itinigil na rin niya ang panliligaw at nanatili na lang kaming magkaibigan.

"Kamusta kayo? Nililigawan ka na ba niya?" Natigil ako sa pagiis-split nang magtanong si Andrei. Seryoso ko siyang tiningnan.

"Huh? Who are you talking about?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi agad siya sumagot at napailing lang. Mukhang alam ko na kung sinong tinutukoy niya.

"Pshh! Your bestfriend." I know right.

"Hindi. He's not courting me at bakit naman niya iyon gagawin?"

"Because he likes you?"

Hindi agad ako nagsalita at napaiwas lang ng tingin. Ito ang hindi ko gusto kay Andrei, napakadali para sa kanya na basahin ang iniisip at nararamdaman ng isang tao. Or I'm just too transparent kaya madali akong basahin.

Ang hirap kasing magsinungaling sa kanya kaya hindi na lang ako nagsasalita. Alam din naman niya ang sagot.

"I don't know what's with the two of you pero sa akin lang ha, ang gulo niyo. Sorry for judging but that is just what I noticed."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon