Chapter 10: Tired

14.7K 632 255
                                    


   
Trey's POV
     
   
   
"Dadating pa ba talaga siya? Kanina pa natin siya hinihin--- sabi ko nga hihintayin natin. Sorry na Mikmik ko."

Gusto kong pag-untugin ang ulo nitong dalawang kasama ko. Kung hindi sila nag-aaway, naglalambingan naman. Gosh! Nakakabitter. Edi sila na ang may lovelife.

Nakaupo kami dito sa relaxation area ng mall habang hinihintay si Summer. Nagplano kasi kami na manonood ng sine ngayon. Minsan na lang kasi kami magkakasama dahil busy.

"Sorry na kasi Mikmik eh." Ito na naman sa tampuhan si Mikael. Kawawang Izzy, under ng bruha.

"You know what, you're such a nosy. Sobra ka pa sa babae."

"Nakakasakit ka na ng damdamin Mikmik ko. Palagi mo nalang akong sinasaktan."

Narinig ko naman ang marahas na pagbuntong-hininga ni Mikael. I'm sure, naiinis na 'yan. "Ugh! Para ka talagang bata. Isa pa Izzy Kurt Mendez at makakatikim ka sa akin."

"Sh!t totoo ba 'yan Mikmik ko. Don't worry, I'll be gentle. Langit ang ipaparanas ko sayo." Mahina at nakakalokong wika ni Izzy. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig at nilingon ito. Ganoon din ang naging reaksyon ni Mikael.

Parang nakakita ako ng taong nagliliyab. Okay, I'm outta here.

Mabilis akong tumayo at lumipat ng upuan. Ayokong madamay sa kahihiyan.

"Anong sabi mo?!" Galit at pigil na sabi ni Mikael habang hinihila ang buhok ni Izzy. Marami tuloy nakapansin sa kanila at nagsimula na silang pagtinginan. Someone took a video pa nga. Well, mukhang nakaka-entertain naman talaga silang dalawa.

Sigaw ng sigaw si Izzy habang patuloy pa rin siyang sinasabutan ni Mikael.

Others find it annoying. And Others, scandalous. But for me, I find it sweet. Kahit kasi ganyan ang dalawang 'yan napakasweet naman nila. They look natural when they are together. Hindi sila 'yong tipong, pakitang-tao kapag kaharap ang mga nobyo't nobya nila.

We can't deny the fact maraming ganoon ngayon. Minsan ka na lang makakita at makakakilala ng totoong magkarelasyon, na mahal ang isa't-isa. Minsan na lang sa panahon ngayon ang mga seryosong relasyon.

Napatawa na lang ako sa dalawa. I don't want to be there referee. I already tried at ayoko ng gawin ulit. Bahala sila. Tutal marami ng nakakaalam ng relasyon nila.

Tiningnan ko ang wristwatch ko checking if Summer will make it on time. Malapit na kasi ang oras para sa next schedule ng movie. May pupuntahan pa kasi si Izzy mamaya kaya dapat makapanood na kami.

Nagtext ulit ako at tumawag pero walang Summer na nagreresponse. Napabuntong-hininga na lang ako. Baka nasa byahe iyon. At isa pa nakasilent ang phone ng lalaking 'yon.

Nag-umpisa ng sumama ang loob ko nang hindi na talaga dumating si Summer. We have a few minutes para bumili ng ticket. Kung hihintayin pa namin siya, baka wala na kaming mauupuan.

I guess, wala ng Summer na dadating. Ayaw ko mang isipin pero sa tingin ko, si Danica na naman ang dahilan kung bakit hindi siya makakasipot ngayon.

Ilang beses na rin akong natanggihan ni Summer at hindi nakakasama tuwing vacant dahil sa panliligaw niya kay Danica.

I can't complain because I'm just his bestfriend. Of course he needs to prioritize Danica tapos sa pamilya niya pa, may studies pa at ang sport niya. So, paano pa niya ako mabibigyan ng time.

Naiintindihan ko naman kung wala na siyang oras sa amin ni Mikael pero kung hindi talaga niya kami sisiputin ngayon, hindi ko na alam kung maiintindihan ko pa siya.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon