Chapter 34: Second time

12.7K 491 103
                                    

    
Trey's POV
     

Kinabukasan, nagising ako na masakit ang katawan. Mabigat din ang pakiramdam ko. Nang akma akong babangon ay gumuhit ang matinding sakit sa ulo ko. Hindi ako nagkamali sa hinala ko kagabi, lalagnatin nga ako ngayon.

Kasabay ng sakit na nararamdaman sa buong katawan ay ganoon din ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

Second time.

Ikalawang beses na akong sinasaktan ni Summer sa monthsary namin. Tila natatakot na akong dumating pa ang ikatlong buwan namin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako na hindi na siguro kami makakaabot pa roon.

Nang makauwi kami ni Ash dito sa bahay kagabi ay biglang tumawag si Summer. Telling his sorry and explanations. I was expecting he would do that. Naiitindihan ko siya dahil tungkol ulit iyon sa pamilya niya kaya hindi ako nagalit sa kanya. Family niya 'yon eh. Anong magagawa ko?

Nalow batt daw kasi ang cellphone niya habang nasa byahe sila pauwi. Ang dalawang kapatid niya ay wala ring mga load. At pagdating pa raw nila sa bahay nila ay nandoon ang papa niya at ang asawa nito. Tapos umulan pa.

So paano ko siya hindi maiitindihan kung ganoon ang mga rason niya 'di ba?

But altleast he should just texted me or called me if he thinks he couldn't make it. Hindi 'yong pinaghintay niya ako sa wala.

Pinipilit kong intindihin. Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko parang binabalewala na niya ako?

Noong una'y maiikonsidera ko pa dahil sa rason niya. Pero ngayon, ewan ko. Parang hindi ko na kayang intindihin pa.

Ako na lang ba palagi ang umiitindi? Kailan kaya na ako naman ang iintindihin niya?

Sana kahit nandun ang papa niya at si tita Karla ay nag-effort siyang i-charge ang phone niya at itext man lang ako. Kahit sana iyon man lang. It can't cost too much time. Hindi 'yong late na siyang tumawag at pinaghintay pa ako sa wala.

Gusto kong maawa sa kanya dahil ramdam ko ang lungkot sa boses niya matapos kausapin ang papa niya at si Tita Karla pero hindi ko kayang maramdaman iyon dahil mas higit na naaawa ako sa sarili ko.

Masyado akong nasaktan para intindihin pa siya. May I look like selfish pero nasasaktan ako eh. Alam kong mahalaga sa kanya ang pamilya niya pero paano naman ako?

Mapakla akong ngumiti?

Sabagay, sino ba naman ako para sa kanya? Just his boyfriend. Anong magagawa ko kung mas piliin niya ang pamilya niya kesa sa akin. 

Hindi ako pwedeng makipagkompetensya dahil alam kong mas mahal niya ang mga ito. His love for them was pure and unconditional. Unlike for me, just an intimate love.

Alam ko 'yon dahil kilalang-kilala ko siya. Kitang-kita ko kung paano niya mahalin ang pamilya niya. Kahit naman ako, mas uunahin ko pa rin ang pamilya ko dahil mahal ko sila. Isa sila sa mga bagay na hindi na pwedeng palitan.

Ang hirap. Ang hirap-hirap ng ganitong sitwasyon. Pamilya laban sa pansariling kaligayahan. Nagtatalo ang iyong puso't isipan. Mahirap mamili lalo na't naiipit ka sa gitna. You can't choose both dahil sa huli may mananaig pa rin dito. Ito na ata ang mapait na katotohanan ng pag-ibig. Kailangan mong mamili sa kung anong sinisigaw ng puso mo o sa kung anong nararapat.

Hindi ko na namalayan na may tumulong luha na pala sa mga mata ko.

Ito na nga ba ang ikanatatakot ko sa relasyong ito. Kahit posibleng pang maayos kung ano man ang nasira, posible rin ang sira nito'y lumala.

Maraming posibilidad ang pwedeng mangyari at ang lahat ng ito ay magkakasalungat. And the result might be good or bad. Good for the sake of your love ones, bad for yourself or vice versa. Kailangan mo lang timbangin at piliin kung ano ang makabubuti para sa lahat at pati na rin sa iyong sarili kahit pa masasaktan ka pa.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon