Chapter 19: Feel this moment

16.1K 664 182
                                    

   

Trey's POV
   

Did he take it seriously?

My God! Baka iniisip na niyang mahal ko nga siya na totoo naman talaga.

"What if lang 'yon Summer ah." Paninigurado ko.

"Hindi mo naman ako mahal ng higit pa sa isang kaibigan, Trey 'di ba?" Tanong niya. Hindi agad ako nakasagot.

"'Di ba?" Ulit na tanong niya.

"Y-Yeah yeah, yeah! Of course."

"Mabuti naman."

"What if nga lang 'di ba?"

"Naninigurado lang, kasi kung mahal mo nga ako, magui-guilty ako. Matagal na kasi kitang nasasaktan. Ayaw ko pa namang nasasaktan ka lalo na ako ang dahilan. At mas lalo kitang masasaktan dahil hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo para sa 'kin. Mahal kita bilang kaibigan lang at hanggang doon lang 'yon."

Expected na 'to kaya less pain lang. Atleast siguradong-sigurado na ako na kung aamin ako, hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya.

I should not take risk anymore. Walang pag-asa ang one sided love o unrequited love na 'to. Nahihibang lang ako at kailangan ko na talagang sumuko.

"'Yung paglayo ko sayo ay isa sa mga paraan para hindi na ako masaktan. Pero ayun ka at pinipilit na pabalikin ako kasi ayaw mo akong mawala sayo." Hindi ko alam pero parang wala ng halong what if ang sinabi ko.

Matagal bago siya tumugon.

"Kung malalaman ko na mahal mo 'ko, ako na lang ang lalayo para hindi na kita masaktan pa. Kahit mahirap gagawin ko. Alam ko na masasaktan pa rin kita pero atleast hindi na ganoon kasakit."

See. 'Yan na ang sagot niya. Kaya itong pagkakaibigan na lang namin ang mahalaga ngayon. Ayaw ko ng magtake ng risk dahil sa kanya na mismo galing na wala akong pag-asa. Kahit masakit, tangap na tanggap ko na.

Hanggang pagkakaibigan na lang. Bestfriends!

Hindi na ako muling nagtanong pa at saka wala na rin akong maitatanong.

"Trey?" Tawag niya.

"Bakit Sum?"

"Kung kabaligtaran ang mangyayari, kapag nalaman mong mahal kita, anong magiging reaksyon mo?" Hindi ako nakapagready sa tanong niya. Pero sobrang saya ang mararamdaman ko kapag nalaman ko iyon. Mahal din ako ng taong mahal ko.

Subalit dahil sa pagkakaalam niya na wala akong feelings sa kanya, kailangan kong sumagot na kunwari katulad din niya.

"Siguro kakausapin na lang kita. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin kahit alam kong magiging awkward na para sa ating dalawa."

Lame ang sagot ko, I know. Pero wala akong maisip. At saka 'yon naman ang ginawa ko kay Andrei. Pero magkaiba pa rin dahil ito mismo ang nagsabi na may gusto ito sa akin.

"Hay, mabuti na lang what if lang talaga. Mukhang masisira kasi ang pagkakaibigan natin kung ganoon ang mangyayari. Pero pakiramdam ko ang seryoso mo habang nagsasalita." Nakita ko ang pagbangon niya at mataman akong tiningnan. "Siguro mahal mo 'ko nu?"

My halong kalokohan sa sinabi niya.

Bumangon na rin ako at mabilis siyang sinapok sa ulo. "Kapal! Hindi ah!" Sarap sabihin na "oo, mahal kita!"

"Asus maniwala ako. Alam ko namang pinagnanasaan mo 'ko, matagal na."

Napaikot na lang ako ng mata. Para kunwari hindi totoo ang sinabi niya. Baka maghinala nga siya.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon