Chapter 29: Nothing has changed

13.9K 547 218
                                    


Trey's POV
    
   
"ARAY!" Reklamo ni Summer nang idampi ko ang bulak sa kanyang labing pumutok dahil sa pagkakasuntok ni Kuya Rence. "Dahan-dahan naman Misis ko. Masakit kaya."

"Ay sorry. Huwag ka kasing masyadong gumalaw."

"Sorry? Anong silbi ng batas kung ang lahat ay nadadaan lang sa simpleng sorry? Hindi! Kiss mo na lang ako para okay na."

Dahil sa sinabi niya ay mas diniin ko pa ang bulak sa kanyang sugat.

"Aray! Misis naman eh! Ang sakit!"

"Masakit? Baka gusto mo mas paputukin ko pa 'to! Kainis ka talaga. Tiisin mo 'yan. Ikaw naman kasi eh, hindi na napigil 'yang labi mo. Ayan tuloy nakatikim ka ng sapak mula kay kuya."

"Gusto mo namang hinahalikan kita tss. Grabe naman talaga kasi ang kuya mo. Mabuti sana kung ginahasa kita. Pero sana talaga nu ginawa ko na lang 'yon para worth it 'tong nangyari sa ak---Aray! Nakakarami ka na talaga Misis ko ah!"

"Kulang pa 'yan sa mga kapilyuhan mong lalaki ka. Baka gusto mong dagdagan ko 'yang putok ng labi mo? Suntukin ko na rin 'yang mata mo para magka-black eye ka! Argh! Kahit kailan talaga!"

"Sadista. Siguro kapag nagsama na tayo, bugbog sarado ako sayo araw-araw. Pero okay lang atleast ikaw na talaga ang makakasama ko habang buhay." Nakangising saad niya na sinabayan pa ng pagtaas-baba ng kilay niya.

Bwisit! Ang galing talagang magpakilig. Sarap bugbugin ang isang 'to...

ng pagmamahal.

Waaaah! Waley! Uwian na.

Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy na lang ang paglilinis ng kanyang labi. Ang mokong ay nakangisi pa rin habang nakatitig ng mataman sa 'kin. Nakaramdam tuloy ako ng matinding ilang. Ano pa nga ba.

"Ang ganda-ganda mo talaga kahit kailan asawa ko."

Napaatras ako nang ilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin. Bigla akong kinabahan at inatras ang mukha ko. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa kanyang labi subalit mabilis niya itong hinuli.

"Misis ko..."

"B-Bakit?"

Hinalikan niya ito.

"I love you. Mahal na mahal kita."

I wish the ground would open and swallow me. Mamamatay na talaga ako sa sobrang kilig. Hindi na kayang i-contain ng puso ko ito. Anytime parang sasabog na 'to.

"I-love you too."

Ngumiti ng maayos si Summer dahil sa sinabi ko. Muli niyang inilapit sa akin ang mukha niya at akmang hahalikan ako pero hindi ito natuloy dahil may tumikhim.

Napaayos naman kami nang mapagsino iyon. Si Ash. Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto ko.

"Sorry for disturbing pero pinapatawag na kayo ni Rence. Ready na ang dinner." Ash informed us in a low tone voice. Tila malungkot ang boses nito.

"Susunod kami." Si Summer ang sumagot. Tinanguan lang siya ni Ash, ngumiti bago umalis.

Naiwan pa rin ang atmosphere kahit umalis na si Ash. Ganito na lang palagi kapag nagkakaharap kaming tatlo. Nakakailang.

"Bilisan mo na ang paggamot sa 'kin Misis ko para makababa na tayo."

Tumango na lang ako bilang tugon. Biglang nawala 'yong magandang mood na nakapaligid sa amin kanina ni Summer nang dahil kay Ash.

Binilisan ko na lang ang panggagamot kay Summer at 'di na nagsalita. Mabuti na nga lang ito lamang ang inabot ng mokong na 'to kay Kuya at mabuti na lang din napigilan ko si kuya nang akmang susuntukin siya nitong muli dahil pag-nagkataon, hindi lamag putok sa labi ang aabutin niya rito.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon