Chapter 35: Letting go

13.3K 562 256
                                    

   
Trey's POV
        
        
After two days ay pumasok na ako. Maaga akong pumunta ng school dahil manghihiram pa ako ng mga notes kay Mikael. Kailangan ko kasing humabol sa mga namiss kong klase. Kailangan ko ring pag-aralan ang mga lessons dahil magtitake ako ng special quiz sa ilang subjects mamaya. Pumayag naman ang mga prof ko tungkol dito.

"Mabuti na lang at tatlong araw ka lang nilagnat nu." Wika ni Mikael nang makaupo kami.  Dahil maaga pa, kaming dalawa pa lang ang nandito sa loob ng classroom.

"Kaya nga eh, akala ko isang linggo pa bago ako gagaling katulad dati." Tugon ko sabay bukas ng isang notebook na inabot niya sa akin. "Turuan mo ako mamaya ah." Dagdag ko.

"Sure! No probs! Sasamahan din kita mamaya sa office para sa special quiz mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Mabait talaga itong si Mikael kahit kailan. 

"Thanks Mik."

"No worries, maliit na bagay lang 'yon Trey. Ah! By the way, kamusta kayo ni Summer?"

Sa sinabi niyang iyon ay nawala ang ngiti sa labi ko. Walang alam si Mikael sa nangyari sa amin ni Summer. Nagtaka naman ang mukha niya nang mapansin ang naging reaksyon ko.

"Is there something wrong? Did the two of you fought again?" Tanong niya habang mataman akong tinitigan.

Napaiwas ako ng tingin at ibinaling ito sa notebook niya. Pigil ang paghinga ko dahil sa paninikip ng dibdib ko dahil naalala ko na naman ang nangyari.

Dalawang araw nang hindi kami nagpapansinan ni Summer o mas tamang sabihin na hindi ko siya pinapansin.

I'm ignoring his texts and calls. Alam kong binibisita niya ako sa bahay ngunit nagkukunwari akong tulog. Kinakausap niya rin ako kahit hindi ako sumasagot. Alam kong alam niya na nagpapanggap lang akong tulog pero hinahayaan niya lamang ako.

Kapag umaalis siya ay parang gusto ko siyang habulin subalit pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Paninindigan ko ang mga sinabi ko sa kanya na hindi muna siya kakausapin.

Isa rin sa rason kung bakit maaga ako ngayon ay para hindi niya ako maabutan sa bahay.

"Ano na namang ginawa sayo ng lalaking 'yon? Don't tell me, may nangyari na naman sa second monthsary niyo?" Nanlaki ang kanyang mga mata at napatutop siya sa bibig niya. "Nakalimutan na naman ba niya?"

Wala akong balak na sabihin ang tungkol sa nangyari pero alam kong malalaman niya agad iyon base pa lang sa reaksyon ng mukha ko. He knows me when I'm denying or hiding something. Hindi siya maniniwala kapag magsisinungaling ako ngayon lalo na sa ekspresyon ng mukha ko at sa kilos ko.

Napabuntong-hininga ako bago ko kinuwento sa kanya ang buong nangyari. Nakatitig lang siya sa mata ko pero kitang-kita ko ang galit na namumuo rito habang nagsasalita ako.

"Parang gusto ko na siyang suntukin ngayon." Tatayo na sana si Mikael nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa balikat niya.

"Let me this time Trey. Sumusobra na siya!" Bakas ang galit sa boses niya. Umiling ako. 

"Huwag mo akong pigilan!" Hindi ko na siya napagilan sa pagtayo niya.

Sa kabila ng lungkot ko ay gusto kong mapatawa. Ito ata ang unang beses na nakita ko si Mikael na ganito. Hindi kasi bagay sa kanya ang magalit. Atsaka saan naman niya hahanapin si Summer sa ganitong oras eh ang aga pa.

"You know he's not here, right?"

Napatigil siya at napatingin sa palibot ng classroom. Kaming dalawa pa rin lang ang nandirito.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon