Chapter 39: Even before

12.6K 534 100
                                    


Trey's POV
  
   
Calm yourself Trey! Magpapasalamat ka lang. 'Yon lang!

I reminded myself. Kanina pa kasi ako hindi mapakali sa kinatatayuan ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

I'm standing in front of Montecillo Corporation for 10 minutes now. Hindi ko magawang hawakan ang glassdoor. Hahakbang ako pero agad din namamg aatras.

I should not be doing this but my conscience always took place. Ilang araw ng nakalipas pero hindi pa rin ako tinatantanan ng walang- hiyang konsensya ko. Hindi na ako mapakali at naapektuhan na ang pagtatrabaho at pag-aasikaso ko sa ipapatayong restaurant dahil paulit-ulit kong naaalala ang pagligtas niya sa akin nang gabing iyon.

That night, I was so scared. Hindi ko inaasahan na gagawin sa akin ang kawalanghiyaang iyon. Porket bakla ako, pwede ng gawin sa akin 'yon? I'm still a human and I have my rights.

I'm thankful that someone saved me but I was shocked also. Hindi ko inaasahan na si Summer pala ang magliligtas sa akin. Walang nalabas sa bibig ko sa mga oras na iyon. Kahit hanggang sa inilalayan niya ako sa mga kasamahan ko ay hindi ako nakapagsalita.

I was supposed to say thank you but my friends' questions with worried faces I did not had the opportunity to told him that. Hindi nagfunction ng maayos ang utak ko kaya hindi ko alam ang sasabihin. Nakapagtanong lang ako ng nasa kotse na kami.

"He owned the bar." Andrei told me.

"H-He is?" Gulat na tanong ko sa kanya. 

"That's why nandoon siya." Sagot niya. Nagtatakang tiningnan ko si Mikael.

"I didn't tell you because you might refused if I told you that."

Mikael apologized and explained everything to me. Nagkaayos na pala sila ni Summer. Well, wala naman talaga silang problema. Hindi lang noon pinapansin ni Mikael si Summer dahil sa akin. But I'm bit mad because he lied to me. Pero hindi naman humantong sa inaway ko siya dahil sa amin lang naman talaga ni Summer ang may problema. He's out of that issue.

I didn't expect na magkakaroon siya ng bar. But who knows, right? Hindi ko alam na magmamay-ari siya ng ganoon.

Kaya pala. Kaya pala may nakita akong pamilyar na tao sa bar ng gabing iyon. Si Summer pala ang taong 'yon.

Nabalik ako sa kasulukuyan mula sa pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng guard.

"Sir, hindi pa po ba kayo papasok? Kanina pa po kayo riyan ah." Tanong nito sa akin.

"Ah ehh papasok na ako, salamat."

Ngumiti ako rito at pumasok na sa loob. Nagtanong ako sa front desk and she told me na nasa seventh floor ang office ni Summer. He's one of the director of this company. Ang bata pa niya para sa ganoong posisyon.

"Do you have an appointment with him sir?" Tanong sa akin ng secretary niya. Nandito ako sa labas ng office niya ngayon.

Tinanong din ako kanina sa front desk at katulad ngayon sinabi ko rin na gusto ko siyang makausap privately.

"Tatanungin ko lang po si Sir. Baka po kasi magalit kapag hindi ako nagpaalam sa kanya. May I know your name sir?"

Nanuyo ang lalamunan ko. Parang gusto ko ng umatras at tumakbo paalis. Pero nandito rin naman ako at itutuloy ko na. I'm going to thank him. 'Yon lang.

"Ahm... T-Trey. Trey Anderson." Gosh! Pangalan ko na nga lang, nahihirapan pa akong bigkasin.

"Okay sir. Wait lang po ah."

Matinding kaba ang lumukob sa pagkatao ko habang kausap ng secretary niya si Summer. Baka hindi siya papayag at malaking kahihiyan ang tatapak sa aking pagkatao kapag nangyari 'yon. Wala akong mukhang ihaharap sa salamin. Parang maglalakad ako ng walang ulo sa daan.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon