Chapter 27: Doesn't mean

18.8K 583 71
                                    

   
Jae's note: Alam ko nainis na kayo sa'kin dahil ang matagal na rin nang huli akong mag-ud. Pasensya na at may pinagdaanan lang 'yong pamilya namin. Pero ito hindi ko papahabain pa. Enjoy reading, sana makabawi ako.  😘

***

Trey's POV
  
   
Hindi ko mapaliwanag at wala akong maisip na salita na pwedeng i-describe sa kung anong nararamdaman ko ngayon.

Inakala ko na walang magbabago sa nararamdaman ko dahil alam kong dito rin kami hahantong ni Summer, subalit hindi ko inaasahan na ganito. Na worth it lahat ng naranasan kong sakit. Ito 'yong kapalit.

I know being in a relationship doesn't mean happiness. There are pains,  jealousy, fears, complications, misunderstanding, difficulties and doubts. Wala namang relasyon na hindi dumadaan sa mga ganyan. Lahat nakakaranas. Minsan, sa mga 'yan nasusukat kung gaano talaga kamahal ng dalawang tao ang isa't-isa. 

Hindi ko dapat pangunahan ang lahat lalo na't kakasimula pa lang namin ni Summer pero sa isang katulad ko na naranasan nang magmahal at nasaktan, hindi talaga maiiwasan ang isipin ko ang mga ito.

But experience is the best teacher even failures. Natuto tayo sa mga karanasan at pagkakamali natin sa kahapon kaya nagiging mas maingat tayo sa mga gagawin nating desisyon sa hinaharap.

Pero bakit kakasimula pa lang ay nagdadrama na agad ako. Self thought ako ng self thought. Paano pa ako kikiligin niyan kapag laging ganito na lang agad ang iisipin ko. Minsan napakanegatibo ko na, siguro dahil sa nakaranas na akong masaktan.

Natapos ang unang araw namin ni Summer ng puro kamanyakan at kahalayan niya. Ganito ba talaga siya sa mga naging past girlfriends niya? My gosh! Baka hindi ako makatagal kapag ganito na lang ang gagawin niya parati.

Pero aminin, kinikilig ka.

Nakikialam na naman 'tong isang parte ng utak ko.

"Isa pa, please... Sige na Misis ko. Last na lang talaga. Promise!" Pamimilit pa rin niya sabay taas ng kamay niya.

"'Yan lang naman parati ang sinasabi mo eh. Last ka ng last pero mamaya hihiling ka na naman. Last mo mukha mong manyak ka!" Galit na ako niyan. Wala akong pakialam kahit sa unang araw namin eh mag-aaway kami.

"Kasalanan mo naman din kasi eh."

Aba't!

Masama ko siyang tiningnan. Ako pa talaga ang may kasalanan? Siya na nga 'tong panay halik sa 'kin tapos magiging kasalanan ko pa.

"At kasalanan ko pa talaga ngayon ha! Sino bang bigla na lang manghahalik aber?" Hindi ko maiwasan ang magtaas ng boses. Sumusobra na kasi siya.

"Bakit, masama na ngayon ang halikan ka? Akin ka na kaya karapatan ko ang gawin ang lahat ng gusto ko sayo." Nakangisi pa ang loko. Hindi man lang siya natinag sa matalim na titig ko.

"Misis naman eh, huwag na tayong magtalo please. Gusto ko lang talaga na mahalikan 'yang labi mo. Kung sana 'di mo ako hinalikan kanina eh hindi ko hahanap-hanapin 'yang labi mo. Naadik na ako kaya pasensya." Dagdag pa niya sabay hawak sa bewang ko. Hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na siya.

Pinagdikit niya ang aming katawan. Naramdaman ko ang init na nagmumula rito. Halos kumawala ns ang puso ko sa dibdib ko dahil sa matinding kaba. Instant namang nawala ang galit ko sa kanya.

He kissed my forehead. Then, niyakap niya ako. Naging komportable naman ako sa ginawa niya. Pagkuway kumawala rin siya sa pagkakayakap at hinarap ako. "Mahal na mahal kasi kita kaya ganito ako. Atsaka sayo lang naman ako naging manyak tulad ng sabi mo. Labing isang kiss pa lang naman ang nagagawa ko ngayon sa isandaang halik na gagawin ko sayo kada araw tapos kung makareact ka parang nirireyp ka na."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon