Chapter 3: Essence

19.3K 649 70
                                    

Trey's POV
  

Ang unfair talaga. Wanna know why? kasi ang talino ni Summer. Mabilis kasi niyang natutunan ang mga namiss niyang lessons. Kaunti lang ang itinuro namin ni Mikael sa kanya. Binabasa niya lang iyong mga notes pati na ang librong hiniram namin sa library pero naiintindihan na niya agad ang mga ito. Ang nakakamangha ay mabilis niyang naintindihan 'yong sa dalawang major subject na mayroong problem solving.

Ako nga nagpaturo pa kay Mikael bago ko naintindihan ng maayos. 'Yong prof kasi namin masyadong mabilis magturo. Ikumpara ba naman ang utak namin sa utak niya.

"Edi kayo na ang matalino. Nakakainis kayo." Pag-iinterupt ko sa kanilang dalawa ni Mikael habang nagdiscuss sila na sila lang din ang nakakaintindi. Dapat na talaga akong masanay sa kanila.

Napatigil silang dalawa at sabay na lumingon sa akin. Pareho nila akong tinawanan na mas lalong ikinainis ko.

"Makinig ka kasi ng maayos para maintindihan mo. Hindi 'yong pinagpapantasyahan mo ako riyan." Sabat ni Summer. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Grabe! Ang lakas ng hangin oh. May bagyo bang paparating ngayon?" Sarkastiko kong sabi. Tumawa lang ulit ang mokong at gano'n na rin si Mikael.

Ito 'yong ayaw ko kay Summer eh. Iyong side niyang iyan.

Kinakastigo ko tuloy ang sarili ko. Alam kong biro lang iyon pero minsan naging totoo na sa akin.

It is a bad thing dahil magkaibigan kami at ayaw kong magkaroon ng kakaibang damdamin para sa kanya. Ugh! I don't even want to mention it.

Huwag na huwag mo 'yang mararamdaman Trey. Masama ang magkagusto sa bestfriend mo. Walang magandang maidudulot kapag ipinagpatuloy mo 'yan.

Alam ko. Alam kong mali. Pero kasi si Summer eh. Kung pwede lang sana siyang pagsabihan, ginawa ko na. Pero nakakahiya at wala akong lakas ng loob.

Hindi pa naman ako sigurado na ganoon nga ang nararamdaman ko. Marahil inaadmire ko lang siya. Baka iyon lang.

Ginagawa ko na nga ang lahat para hindi ko mabigyan ng meaning ang mga ginagawa niya sa akin. Pinipilit kong hindi mailang sa kanya dahil baka matuluyan na ako. Hindi ko pwedeng ipakita iyon kay Summer because he will continue to tease me.

Naiinis ako sa sarili ko. Aaminin ko na lang na crush ko siya. Fine! Crush ko nga siya.

Alam kong lilipas din ito. Naiinis na talaga ako sa ganoong side ni Summer eh. Nayayabangan ako pero kapag kaming dalawa lang o kaming tatlo lang niya iyon pinapakita at 'yon ang mas lalo kong inaadmire sa kanya.

Tama lang na hindi ko sinabi sa kanya ang saloobin ko dahil hindi pa ako sigurado. Aapaw lang ang kayabangan niya.

"Wala namang bagyo. Kanina ka pa kasi titig na titig sa akin eh. Naisip ko lang na baka may gusto ka na nga sa akin. Tama ba ako Trey?" Nakakalokong saad niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't kinurot ko siya ng mariin sa tagiliran niya. Napadaing siya ng todo. Kailan ba siya naging ganyan? Ang hangin na talaga.

But I know deep inside may bigat siyang dinadala. Ipinapakita lang niya sa amin na masaya siya pero ang totoo, kabaligtaran nito ang nararamdaman niya. Pakiramdam ko nga hindi na siya ang dating Summer na nakilala at naging matalik kong kaibigan.

But I do really understand him. Hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon. Hindi pa niya natatanggap ang nangyari. Maybe he was still shocked. Kung ako man sa kalagayan niya ay iyon din ang mararamdaman ko.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon