Chapter 26: Unexpected

15.3K 609 170
                                    

     
    
Jae's note: Minsan iba ang ineexpect natin sa magiging takbo ng isang kwento. Pasensya na hindi ko mareach ang expectation niyo sa dapat na mangyayari. Hahaha. Malalaman niyo later.

Belated Happy Monthsary pala sa GC ng TreyMer. May gusto pa bang sumali dito?

***

Trey's POV
          

Wala na akong nagawa nang kaladkarin ako ni Summer patungo sa kanyang office. Hinila niya ako papasok sa loob nito at pabagsak na isinara ang pinto.

Hinilot niya ang kanyang sintido waring pinipigilan ang sarili na magalit. Pero mukhang di niya nakontrol at napahampas siya sa sementong pader. Sinuntok pa niya ito ng bahagya.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya. Kinakabahan at hindi alam ang sasabihin.

Ganito ba talaga siya kapag nagseselos?

"S-Summer..."

"Kapag nakipag-usap ka pa sa kanya, itatali na talaga kita. Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo Misis ko?" Mahinahong banta niya na hindi pa rin nakatingin sa akin.

I don't know kung bakit ganito. Kung kailan galit siya, doon naman ako kinikilig. Isn't it ironic kung kinikilig ako kahit na kinakabahan? Posible bang mangyari 'yon?

Feeling ko nanlalamig din ako.

"Bakit Mister ko, ikaw lang ba ang nagseselos?"

Napalingon siya dahil sa sinabi ko. Tulad ng sabi ko, nagseselos ako. Kahit na may nagha-hi sa kanyang babae o kaya'y ningingitian siya'y parang gusto kong sabunutan ito. Hindi ko kayang makita na binibigyan ni Summer ng atensyon ang ibang tao. Even the customers na consider na dapat talaga niyang ngitian.

Hindi ko man matanggap, pero kailangan kong tanggapin na kailangan niyang gamitin ang charms niya to attract more customers. Sabi nga niya, marketing daw 'yon. Yah, yah! Marketing nga. Naiintindihan ko. Pero nakakainis lang kasi eh. Hindi ko mapigilan ang sarili na magselos.

'Yong kanina kay Akiro, its not really my intention to make him jealous. Atsaka mapilit 'yong si Akiro kaya pinagbigyan ko lang. He's also a customer so kailangan talagang pagbigyan. Atsaka wala namang masama kung makikipaglunch ako rito diba? He's not harmful.

"P-Pakiulit nga Misis ko?" 'Di makapaniwalang wika niyj. Unti-unti rin siyang lumalapit sa akin. Hindi naman ako natinag sa kinatatayuan ko.

"Sabi ko, nagseselos ako Mister ko. Hindi mo ba naalala ang ginawa mo kanina? Pinagbigyan mo ang mga babae  na makasabay kang maglunch. Kahit nagseselos din ako, wala akong nasabi, kasi alam ko na ako lang ang mahal mo. Tama ba Mister ko?"

Hindi ko na talaga alam kung ako pa ba talaga si Trey. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko lahat 'yan sa kanya. Saan ako kumuha ng lakas ng loob. Hindi ako ito.

"M-Misis ko? Talagang ikaw ba 'yan? Talagang nasasabi mo ba lahat ng  'yan? Please, hindi sana ako nananaginip."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na dahilan upang magwala ang puso ko.

Handa ba ako? Handa na ba akong sagutin si Summer? Handa na ba ako sa mga posibleng mangyari kapag pinasok ko ang pakikipagrelasyon sa kanya. Its been a month na nanliligaw siya. Sapat na bang panahon iyon bilang basehan upang sagutin ko siya? Sapat na ba ang panahon na nalaman kong mahal niya ako?

"Oo Mister ko. Ako 'to, si Trey."

Tumalon ang puso ko nang makita ang pagkinang ng mga mata ni Summer na nagpapakita kung gaano siya kasaya.

I ask myself all of a sudden, kailangan ko pa bang tanungin ang sarili kung sapat na ba ang pagmamahal ni Summer na ngayon ay ramdam at nakikita ko sa kanyang mga mata na mahal talaga niya ako. Lahat din ng mga kinikilos at pinapakita niya ay magpapatunay kung gaano niya ako kamahal.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon