Chapter 32: Ups and downs

13K 509 47
                                    

    
Sorry na. Nawalan lang ako ng ispirasyon, okay. Pero sana makabawi ako. Huhu.

This chapter is dedicated to CarlAndreiAlquero.

Please read his works guys. Salamat.

Enjoy!

***

Summer's POV
   
   
Hindi mawala ang pag-aalala ko kay Trey habang pauwi ako ng bahay. Ramdam ko na may dinadala siyang problema kahit pa itinatanggi niya ito. Wala akong ideya kung ano ito dahil ayaw din niyang sabihin. Nasigawan pa niya ako na unang beses niyang ginawa sa akin pero ayos lang iyon sapagkat ako rin ang may kasalanan.

Hindi ko na lamang ipinagpilitan dahil mukhang mag-aaway lang kaming dalawa. Alam kong pagod din siya dahil sa mga nakaraang activities sa school.

Hindi ko na lang sana muna siya inaya ng date. Ramdam ko kasi na hindi niya na-enjoy ang date naming dalawa ngayong araw. Hindi ko makita sa kanyang mukha ang kasiyahan kahit pa nakangiti siya.

Kahit hindi ako mapakali ay maghihintay na lang ako bukas o kahit kailan na sabihin niya sa akin kung ano talaga ang problema. Hahayaan ko muna siyang magpahinga sa ngayon.

Nakarating ako ng bahay sa mabilis na oras. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang nakarapadang kotse sa labas. Hindi naman ito 'yong kotseng dinadala rito ni papa at wala naman siyang sinasabi na pupunta siya ngayon. Baka ito lang ang ginamit niya at nakalimutan niya lang sabihin na pupunta siya ngayon.

Binuksan ko ang gate at ipinarada sa loob ang motor ko. Pumasok agad ako sa bahay.

Napalingon sa akin ang dalawang babaeng nag-uusap sa aming sala. Napatigil naman ako sa pintuan nang makita ang isa sa dalawang babae. Kilala ko siya. Siya ang asawa ni Papa.

Anong ginagawa niya rito? 'Di kaya'y...

Bigla akong kinabahan.

Paano niya nalaman? Sinabi ba ito ni Papa sa kanya?

Bumaling ang tingin ko kay Mama na nakatingin na sa akin ng may pag-aalala at pangangamba.

"A-Anak." Nauutal na wika ni Mama kasabay ang pagtayo niya. Napatayo rin ang babaeng kaharap niya.

"So it's you?" Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa pabalik sa aking mukha. Alam na nga nito. "There's no doubt. Anak ka nga ni Fred."

"Anong gingawa niyo rito?" Tanong ko sa rito. Nakakuyom ang kamao ko dahil sa galit. Alam kong pinagsalitaan nito ng masama ang Mama ko at bakas sa mukha nito iyon. Dagdag pa rito ang pagbabanta nito noon kay Trey.

"Is that how your mother taught you? You don't know how to approach your visitor. You did not even greeted me." Sunod na sabi nito.

"Pinalaki ako ng Mama ko ng maayos at may respeto kaya huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan." Nagtangis ang aking bagang.

Pumunta ba siya rito upang guluhin kami? Insultuhin ang pamilya namin?

Ito na nga ba 'yong ikinatatakot ko, ang malaman niya ang katotohanan sa pagkatao ko. Alam kong isa itong malaking gulo para sa pamilya ko. Labis silang maapektuhan nang dahil sa 'kin.

Bakit sinabi ito ni Papa? Nangako siya na wala muna siyang pagsasabihan kahit na sa kanyang asawa. Nangako siyang maghihintay hanggang sa maging handa ako na ipakilala sa lahat bilang anak niya.

Ganito ba siya bumawi sa pagkukulang niya? Ito ba ang gusto niyang mangyari? Hindi man lang niya ito sinabi sa akin?

Muli na naman niyang sisirain ang relasyon naming dalawa kung kailan maayos na kami.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon