Chapter 9: Selfless

14.7K 611 99
                                    


   
Trey's POV
   
    
I heave a deep sigh first before entering the room. Halos fifteen minutes na akong late.

Sobra na akong kinakabahan. Hindi dahil sa late ako kundi ang makita si Summer. Prepared naman ako sa mga sasabihin at itatanong niya pero hindi ko lang maiwasan ang kabahan ng ganito.

I'd been ignoring his text and calls for three days after what happened that night. Kaninang umaga ko lang nabasa ang mga text niya kaya nakadagdag din ang mga ito sa nararamdaman ko. Kahit sa text ramdam ko ang galit at pagtatampo niya sa akin.

Alam kong hinabol niya ako nang gabing iyon at mabuti na lang nakita ko si Andrei ulit at nagpahatid ako rito. Hindi naman ako nahirapang pakiusapan ito. Dahil kung naabutan ako ni Summer baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at umiyak sa harap niya. I just want to save my heart kaya hindi ko pinansin ang mga text at tawag niya pero ngayon, alam kong wala na akong kawala sa kanya.

Hindi rin ako pwedeng umabsent dahil mababagsak ako at isa pa baka magtaka si Summer. Lalala lang ang sitwasyon.

I sigh for one last time bago tuluyang pumasok. Binati ko ang prof ko and I was shocked nang hindi siya nagtanong kung bakit ako nalate. Basta na lang niya ako pinaupo. Nagkibit-balikat na lamang ako.

Deretso ang tingin ko habang tinutungo ang dulong bahagi kung saan maraming bakanteng upuan. Hindi ako umupo sa dating inuupuan ko. Kahit walang kaming respective seats, as is na ikaw na ang nakaupo sa upuan na 'yon kapag ikaw ang dating nakaupo rito.

I smiled to Mikael nang lingunin niya ako. Tinatanong niya ako sa pamamagitan ng mata at gestures kung bakit ako nalate at dito umupo sa likuran. I mouthed him "later" at yumuko agad dahil kay Summer.

I saw how he stares at me. Nakakaintimidate.

Hindi ko inabala ang sarili na tingnan pa siya at tumingin na lang sa harap para makinig sa prof na nagdidiscuss.

Nang nasa kalagitnaan ng klase biglang malakas na tunog ang namayani sa apat na sulok ng silid. Parang may ibinagsak na kung ano.

"Is there anything wrong Mr. Hernandez?" Napatingin kami kay Summer nang tanungin siya ni prof.

Sa kanya galing ang ingay?

"None sir. Nabagsak ko lang ang kamay ko." Seryosong saad niya.

"Okay... So let's continue."

Napatitig ako kay Summer na ngayon ay nakatungo na. Kita ko rin ang pagkuyom ng kamay niya. Para siyang galit. Pero bakit?

Sa akin ba siya galit? Sa hindi ko ba iyon pamamansin sa kanya?

Kung ako nga, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

O nagkakamali lang ako. Baka naibagsak lang niya ang kamay niya.

Natapos ang klase ni Sir Andrew na wala akong naintindihan. Pinipilit kong makinig pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Naka'y Summer lahat.

Hindi ba 'yon unfair? Kahit nakaupo lang siya at walang ginagawa para pansinin ako, nasa kanya pa rin ang buong atensyon ko kahit hindi ko siya lingunin. Siya ang palagi kong iniisip kahit pa ikakasakit ito ng puso ko. Kinakalimutan ko na nga ang sakit na naramdaman ko dati kay Ash. Pakiramdam ko humilom na iyon. Parang kakaibang sugat na ang nararamdaman ko ngayon. Sana hindi na 'to lumala pa. Sana hindi ito lumalim na mahirap ng gamutin. Kasi sa tingin ko pa lang ngayon, mas malalim na ang mararanasan ko. Nasasaktan na ako kahit wala pa talaga akong pinaghahawakan niyan sa kanya maliban sa pagiging magbestfriend namin.

Nagmamadali akong lumabas ng classroom at nakisabay sa mga nagkukumpulan kong kaklase. Rinig ko pang tinatawag ako ni Mikael pero hindi ko siya nilingon.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon