Chapter 40: Forget and Forgive

15K 540 114
                                    


Summer's POV
 
  
"How about some drinks? Tagal-tagal na rin tayong dalawa na hindi nag-inuman ah. You've been busy handling this company."

Napaismid at napailing naman ako sa kanyang sinabi.

Akala niya madali lang para sa akin patakbuhin ang kompanya ng pamilya namin. Kung sana tinanggap niya ang posisyong ito noon, hindi sana ako mahihirapan ng ganito ngayon. Sa kanya naman talaga mapupunta ang kompanya dahil siya ang anak ni papa at tita. Pero nang dahil sa pagiging makasarili niya ay hindi niya tinanggap ang dapat na para sa kanya. Pero sino ba naman ako para pigilan siya at pilitin sa bagay na ayaw niya lalo na ngayon na nakikita kong masaya siya sa kanyang ginagawa.

Kung hindi lang sa pamimilit at sa sakit ni papa ay hindi ko sana tatanggapin ang posisyong ito. Gusto ko rin maging makasarili katulad ng kapatid ko subalit dahil sa mahal ko si papa ay pinagbigyan ko ito.

Sa ngayon, nagugustuhan ko na rin ang trabaho ko pero alam ko sa sarili ko na may hinahanap pa ako. Iyong gusto ko talagang gawin sa buhay ko. Iyong totoong magpapasaya talaga sa 'kin.

Maraming nagsasabi na ang swerte-swerte ko sa buhay lalo na iyong mga kaibigan ko at mga kakilala dahil sa narating ko pero kung hindi naman dahil sa anak ako ni papa ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko agad mararating ito. Kung hindi ko pa nakilala si papa, sa ngayon siguro ay ang simple pa ng buhay ko. Pero kahit anong buhay man ang kalalagyan ko, alam kong magiging masaya pa rin ako dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Kaya kong isuko ang pansariling pangarap para lang sa kanila.

"Saan ba?" Tanong ko na lamang kay Ash. Hindi ko na pinansin ang mga huling salitang sinabi niya dahil alam kong magkakasagutan lang kami. Ayaw pa naman niyang binubuksan ko ang topic tungkol doon. Hindi na rin naman siya mapipilit.

"Sa bahay na lang."

"K." Pagpayag ko. Napangiti naman siya sa naging sagot ko.

"Maiba nga tayo ng kaunti. Medyo wala na akong naririnig na balita tungkol sayo. May pinopormahan ka ba ngayon?"

Tumigil ako sa pagbabasa ng mga dokumento at napatingin sa kanya kasabay ang pagkunot ng noo ko.

"At kailan ka pa naging interesado sa buhay ko?"

Alam kong may iba pang ibig sabihin ang tanong niya. Sa tatlong taon ay ngayon lang niya naitanong ang bagay na ito sa akin.

Tatlong taon na rin ang nakalipas nang magbati kami ni Ash, o mas magandang sabihin na nagkaunawaan na kaming dalawa. Tinaggap ko na siya bilang kapatid at ang kanyang pamilya. Hindi naman kasi habang buhay ay magmamatigas ako. Parte sila ng buhay ni papa at kailangan kong tanggapin iyon.

Napaglagayan ko ng loob si Ash at nakilala ko ang totoong siya. Masasabi kong mapagmahal siyang kapatid. Kahit nga ang mga kapatid ko ay mahal na mahal din niya lalo na si Winter. Kahit anong hiling ng bunso namin ay binibigay niya. Kahit nga kotse ay binigyan na niya ito.

"Just asking." Nagkibit-balikat lamang siya na para bang wala lang sa kanya ang tanong niya. Ngunit sa nakikita ko ngayon sa kanya ay parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.

Nabalik na lamang ako sa pagbabasa upang mapirmahan ko na ang mga dokumentong kanina ko pa pinag-aaralan.

Nanatiling tahimik lang si Ash sa kinauupuan niya. Ganito siya kapag nandito sa opisina ko. Uupo lang at magtatanong ng kung anu-ano. Tatahimik at magtatanong muli.

"Hindi mo ba ikukwento ang pagkikita niyong dalawa?" Napaangat ako ng tingin sa kanya, nagtatanong.

"Anong ibig mong sabihin?" Nangunot ang aking noo.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon