Chapter 2: Secret

19.1K 634 54
                                    


Summer's POV


"Forgive me son. H-Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng kalasingan that night. Hindi ko na napagilan ang sarili ko. H-Hindi ko alam ang ginawa ko."

Ang sakit lang na malaman na bunga ka pala ng isang pagkakamali. At higit sa lahat mas masakit na nalaman mong hindi mo pala tunay na ama ang kinikilala mong ama.

Mas masahol pa nga ang ginawa ng totoo kong ama kesa sa papa ko. Binuntis niya si mama na hindi niya sinasadya. Pinagbantaan niya pa ito kapag nagsalita.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng araw na iyon. Parang nawasak ang mundo ko.

Kung kailan kuntento at masaya na ako ng walang ama ay doon pa siya magpapakilala.

Hindi ko siya matatanggap. Galit ako sa kanya. Kinamumuhian ko siya.

Sinaktan niya si Mama. Hindi! Binaboy niya si mama. Pinagbantaan pa niya ito kung magsusumbong sa asawa niya. Ang mas masaklap ay pinagbintangan niya itong nagnakaw at pinalayas pa na walang pupuntahan.

Alam kong nagtrabaho si Mama bilang kasambahay dahil mahirap ang buhay sa probinsya lalo na't sinasaktan ito ng mga magulang nya. Iyon ang kinuwento niya sa akin. Kaya nakipagsapalaran ito sa Manila para buhayin ang sarili.

Awang-awa na ako kay Mama habang kinukwento niya iyon pero mas malala pa pala ang naranasan niya sa wala kong kwentang ama.

Hindi! Hindi ko siya ama. Hinding-hindi ko siya matatanggap.

Habang inaalala ang nangyari na iyon ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Kasabay nito, ang galit at poot na nararamdamn ko para sa kanya.

Hindi ko na kayang ibalik ang nakaraan dahil nangyari na iyon. Pero hinding-hindi ako magpapasalamat sa kanya na nabuhay ako sa mundong ito.

Sana hindi na lang siya nagpakita. Sana hindi na lang siya nagpakilala. Maayos na eh. Maayos na ang buhay namin. Kahit nahihirapan na ako, kinakaya ko para kay Mama at sa mga kapatid ko.

Ngayon nanggugulo siya. Bumabawi sa mga pagkakamaling nagawa niya noon.

Bakit? Dinadalaw ba siya ng konsensya niya? Tama lang iyon sa kanya. Tama lang na ginugulo siya ng konsensya niya dahil napakasama niyang tao. Napakasama niya.

"Kuya! Kuya!" Tawag sa akin ni Winter habang papasok ng kwarto ko. Kasalukuyang nag-aayos ako ng sarili dahil papasok na ako ngayon.

Salamat sa bestfriend kong si Trey. Pinaliwanagan niya ako.

Mabuti na lang palagi siyang nandiyan kahit hindi ko siya pinapansin, hindi pa rin siya nagagalit dahil naiintindihan niya ako. Hinding-hindi ko siya bibiguin at para na rin kina mama kaya magpapatuloy ako sa pag-aaral.

Tama si Trey na hindi natatapos ang lahat dahil lang sa nakilala ko ang totoo kong ama. Tuloy pa rin ang buhay. Napag-isip ko rin na ang tanga-tanga ko dahil nagpadala ako sa emosyon na umabot pa sa puntong magdedesisyon akong titigil sa pag-aaral para magtrabaho na lang para sa pamilya ko.

Hindi ko kasi mapigilan ang mainsulto. Nainsulto ako ng lalaking iyon. Naibigay kasi niya ang lahat ng pangangailangan ng mga kapatid ko kahit hindi namin ito hinihiling. Kusa niyang ibinibigay. Pero ako, kahit anong suhol niya, hinding-hindi ko iyon tatanggapin.

Medyo nagalit din ako kay Mama dahil pinapayagan niya ang lalaking iyon na pumunta palagi rito sa bahay.

Sabi ni Mama hindi niya ito mapipigilan dahil sa nagpupumulit ito. Ang mas ikinagalit ko pa sa kanya ay gusto niya na makilala ko raw ito.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon