Chapter 20: Beginning

20.2K 695 241
                                    

  
   
Summer's POV
  
  
What ifs.

Pakiramdam ko totoo lahat ng sinasabi ni Trey. O mas magandang sabihin na ang weird niya habang nag-uusap kami kahapon.

Napakaseryoso niya habang nagtatanong. Hindi ko nga alam kung bakit kinabahan ako ng bahagya sa mga naging tanong niya. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya na kinakabahan ako habang sumasagot.

Kailangan ko ring sagutin ang mga tanong ni Trey dahil baka isipin nung tao na KJ ako. Pinangako ko rin sa sarili na pagbibigyan ko siya sa lahat ng bagay hangga't sa kaya ko.

Ngunit kung hihilingin niya ang kunwaring tanong niya na kung sakali malaman kong mahal niya ako at gusto niyang mahalin ko rin siya, hindi ko alam kung kaya kung suklian iyon. Pero bakit parang hindi ako naging sigurado sa naging sagot ko kagabi?

Minsan, hindi ko na naiitindihan ang sarili kapag kasama ko ang bestfriend ko. Sabi nga ng isang kateam ko sa varsity, hindi raw normal ang pakikitungo ko kay Trey bilang isang matalik na kaibigan. Sinagot ko na wala naman akong ginagawang hindi normal kay Trey. Ginagawa ko lang ang parte ko bilang isang matalik na kaibigan. Hindi kasi nila alam kung anong mga ginawa sa 'kin ni Trey kaya nila nasasabi iyon. Bumabawi lang ako sa kanya sa lahat ng ginawa niya.

Siya lang din ang nakakaintindi sa akin at sumusuporta sa lahat ng desisyon ko. Kahit na minsan may hindi kami pagkakaintindihan, sa huli, nagkakabati rin kami. Masasabi ko na sa lahat ng pinagdaanan namin, mas naging matibay ang samahan naming dalawa.

Pero pa'no pala kung totoo na 'yong mga what ifs niya? Anong gagawin ko? Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

Sa tingin ko kasi ganoon ang mangyayari kapag hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya para sa akin. Hindi ako nanghuhusga ng tao at halata naman 'yon dahil naging matalik kong kaibigan si Trey pati na rin si Mikael pero parang hindi ko ata kayang magmahal ng kapwa ko lalaki.

Pero teka, bakit ba ako nag-iisip ng ganito?

Huwag mo na ngang isipin pa. Napapraning ka lang Summer, napapraning ka lang.

Pero nang ihatid ko siya kagabi at magkatitigan kami ay bigla na lang siyang tumakbo. Hindi tuloy ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.
Ano bang ibig sabihin nun? Bakit parang nakakailang? Bakit parang may ibig sabihin na hindi ko matukoy? Biglang uminit ang dibdib ko kagabi at sumunod niyon ang matinding kaba? Nitong mga nakaraang araw palagi ko na lang itong nararamdaman.

Hindi kaya'y may sakit ako sa puso?

Baka heartburn lang tulad ng nararamdaman ko dati. Kailangan ko lang uminom ng maraming tubig. Pero hindi naman ako masyadong nagpupuyat ah.

Hays! Ano ba naman 'to! Baka nga napapraning lang talaga ako.

"Hoy! Kuya!" Napapitlag ako nang may sumigaw sa likod ko. Si Spring. Isa sa kambal na kapatid ko.

Nandito ako sa harap ng bahay namin. Sa harap mismo ng motor na bigay ni Papa. Pupuntahan ko kasi si Trey ngayon.  Napahinto lang ako nang naisip ko ulit ang napag-usapan namin kagabi. Sa totoo niyan, kagabi pa ako kakaisip nito. Medyo late na nga akong nakatulog.

"Huwag mo nga akong gulatin Spring!" Asik ko sa kanya.

"Kanina ka pa kasi tulala riyan Kuya eh. Naku, si Kuya Trey naman 'yang iniisip mo nu?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Tama siya sa hinala niya.

"Ikaw kuya ah, hindi ka na nagsasabi sa amin ni Autumn." Humalukipkip siya sabay simangot. "Atsaka ano pa nga bang aasahan namin mula sayo. Kapag ganyan ang mukha mo, si Kuya Trey naman palagi ang dahilan eh. Kahit nga hindi at kapag nagkukwento ka ay hindi nawawala ang pangalan ni Kuya Trey. Trey ka ng Trey. Siya na nga lagi ang bukambibig mo kahit pa nung kayo ni Ate Danica."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon