Entry #14 02/05/17 Yannie kun serye

42 0 0
                                    

02/05/17

Dear reader,

Congrats sakin! Job well done sa pagiging kupida. Inamin na po ni Yannie kun na gusto niya si ghurl. Nag thank you yung ghurl tapos sabi niya ang sweet daw ni Yannie kun. Hahaha. Kung alam niya lang. . . Anyways, I'm not sure kung sila na ba. Biglaang nag text lang saken kahapon si Yannie kun eh, tapos na ubusan pa ako ng load kaya di ako nakapag reply at nakapag tanong kung sinuyo na ba niya si girl at kung sila na ba.

Nang ikwinento ko ito sa barkada ko, alam niyo ba po ano'ng sabi nung isa sa kanila saken? Feeling ko nahulaan niyo na eh. Baka nga pareho kayo ng iniisip eh. May gusto raw ako kay Yannie kun?! Since this is my diary, at kahit naka post po ito sa public, I'm almost certain wala namang nakahanap nito kaya aaminin ko na po. I was (past tense po yan take note), slightly attracted to him (super slight lang po guys!). At di yun dahil gwapo siya or na daan ako sa looks, I don't even consider him handsome. Dahil po yun sa sobrang bait niya po. Yung tipon, kung magkaka-boyfriend ako yung, gusto ko na ang ugali nung future BF ko kasing bait niya. Yung tipong sobrang pasensyahin, matulonging, yung ganun. Pero I'm not saying na perfect ang ugali ni Yannie kun ah. Medyo tamad kasi yun, tapos di marunong mag decide, at zero percent din pag dating sa pagiging romantic, tas ewan ko na lang pag yung ang pina kanta niyo, grabe talaga'ng ang panget nang boses niya. So yeah, medyo na attract ako at first, pero nung makilala ko siya ng husto, na T.O. lang rin ako. Bwahahaha Kaya wag na po kayo'ng makulit. Reality po ito, hindi fiction kaya medyo impossible yung theory nila na yung bridge at yung nag papatulong ang makakatuluyan. Luh. Grabe naman ng imagination nila. XD

Anyways medyo mahaba na po kaya goodbye for now.

Hindi magiging sayo,
-Krizia

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now