Entry #24 04/21/17

29 0 0
                                    

04/21/17

Happy 4th Anniversary Mr. F.!😂

Oo, four years na ako'ng nag-aantay kay Mr. F., at four years na rin siya'ng walang paramdam. Anyway, as usual, mag-aantay pa rin ako.

Pumunta ako sa simbahan kanina para mag sindi ng mga kandila. Nagulat yata yung bata na binilhan ko kasi ang dami ko'ng binili. Worth 100 pesos na kandila ang nabili ko. Sinidihan ko lahat, tapos dinasal ko na sana maka pasa kami lahat sa board exam, at siningit ko syempre si Mr. F. Dinasal ko na kung sino man siya, sana di siya katulad ng tatay ko. Sana mabait siya'ng tao. At sana makilala ko na siya soon, pero as a friend muna.

Ang init-init po rito sa Bohol, para ako'ng na barbique sa sobrang init. Na sunburn na ata ang mukha ko. Di kasi ko fan nang body lotion and sunblocks kaya hayan tuloy.

Fun fact: The active ingredient on sunblocks responsible for blocking UV rays is Titanium dioxide. 😊

Yun lang po muna.

Hindi sayo,
-Krizia👅

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now