Chapter 1

4.9K 112 7
                                    

Sa isang esterong lugar sa Maynila.

Hapong hapo ang magkaibigang sina Nostalgia at Myrtle sa pagkalkal ng mga basura.

Iilan ilan pa lamang ang nakukuha nilang kalakal na inilalagay nila sa isang malaking sako.
Nakatapos na sila ng high school at di na sila nakapag kolehiyo ng dahil sa kahirapan ng kanilang mga buhay, nakatira lamang sila sa isang squaters area, magkalapit sila ng tirahan.

"May nakita ka na ba na maaaring ibenta?" Tanong ni Myrtle kay Nostalgia habang nagkakalkal ito ng basura.

"Eto!" Nakangiting sabi ni Nostalgia habang itinaas ang nakuha nyang sirang tabo.

"Yan lang pala, kanina pa tayo dito di pa natin napupuno ang sako, pero pwede na yan, pandagdag din!" Sabi ni Myrtle.

"Konti na lang mapupuno din natin ito."

Pinagtulungan nilang buhatin ang sako na may mga lamang mga plastic gaya ng mga disposable na bottled water at mga plastic na pinggan at iba pa na maaaring irecycle.Tumatagaktak ang kanilang mga pawis dahil natatapatan sila ng init ng araw, panay ang punas nila sa kanilang noo gamit ang madumi ng panyo.Nakasuot sila ng long sleeve na shirt at mahabang palda na maabo na sa dumi gawa ng mga sari't saring alikabok na nasasagap nila sa lansangan.Nakatakip ang kanilang ulo ng belo at mata lang ang nakalabas, pinoprotektahan nila ang kanilang balat sa sikat ng araw, kaya kahit gaano kainit ay patuloy pa din sila sa pagkalkal ng mga basura.

Nagpunta sila sa kabilang gawi at doon naman sila nag kalkal.

Walang tigil silang maghalungkat ng mga basura, nais nilang mapuno ang sako ng may mainam silang mapaghahatian bago sila umuwi, nakaramdam na sila ng pagod.

"Umuwi na tayo, napagod na ako." Hapong hapo na sabi ni Myrtle.

"Sandali na lang konti na lang at mapupuno na natin to." pagod na rin na sabi ni Nostalgia.

"Hay naku pagod na talaga ako." Sabi ni Myrtle at naupo ito sa may banketa sa tabi ng mga basura at pansamantalang nagpahinga, samantalang si Nostalgia ay patuloy pa din sa pagkalkal, nagbabakasakali na may makita pa syang mga bagay para mapuno na ang sako.

At sa kanyang pag hahalungkat ay napulot nito ang lumang Diary Book.

Nang kanya itong nahawakan ay binuklat nya ito at tinitingnan ang bawat pahina.

Mahilig magbasa ng libro si Nostalgia kung kaya't napangiti ito nang kanya itong nakita. Napansin sya ni Myrtle. "Ano ba yang nakuha mo, kanina mo pa tinitingnan ah?" Sabi ni Myrtle.

"Libro!"

"Libro lang pala!" Dismayadong wika ni Myrtle. "Kayalang di ko mabasa ang mga nakasulat kasi malabo na."

"Hay naku tapon mo na nga yan, di naman mapapakinabangan."

Nilagay ni Nostalgia ang libro sa loob ng sako.

"O bakit mo pa nilagay dyan, hindi naman mabibili yan?"

"Kukunin ko to, ilalagay ko na lang muna dito, mamaya ay iuuwi ko."

Natawa si Myrtle.

"Pati ba naman yang lumang libro na di na mabasa ay pag tyatyagaan mo pa, ikaw talaga."

"Alam mo naman na ang pagbabasa lang ng libro ang tanging libangan ko."

"Eh papano mo nga mababasa yan, malabo na."

"Gagawan ko ng paraan para mabasa ko." Sabi naman ni Nostalgia.

"Sige na nga bahala ka, o ano? uwi na tayo pwede na to, pagod na talaga ako eh." sabi Myrtle.

At pinagtulungan nila buhatin ang malaking sako na puno ng mga kalakal at mga bagay na maaaring i recycle at dinala nila ito sa junk shop.

Pumila sila sa mga nangangalakal din.

Pagdating nila sa junkshop ay inisa isa nilang nilabas ang kanilang mga nakalakal at tiningnan ito ng may ari na si mang Ernesto.

"Hindi nyo ata napuno ang sako ninyo ngayon?" Sabi nito.

"E opo ang tindi po kasi ng init ng araw eh."

"O sya sige ito ang 300 pag hatian na ninyo yan," Sabi ni mang Ernesto, ngunit nagreklamo si Myrtle.

"Mang Ernesto naman, konti na lang naman at mapupuno na namin, pakidagdagan nyo naman kulang pa pambili namin ng bigas at ulam to eh,"

"Aba bakit ko naman dadagdagan eh sapat lang ang binigay ko sa nakuha ninyo, tanggapin nyo na yan at umalis na kayo, marami pang nakapila." Ani Ernesto na nakaupo sa counter ng kanyang junkshop.

Walang nagawa ang dalawa at sila ay umuwi na.

Habang sila ay naglalakad pauwi.

"Ang daya talaga ni mang Ernesto, 400 dapat yung binigay nya sa atin eh,"

"Oo nga pero wala na tayong magagawa." Sabi ni Nostalgia habang hawak nya ang lumang libro.

"Talagang iuuwi mo yang luma na libro na yan?"

Tumango na lamang si Nostalgia at hinigpitan ang pagkakahawak sa libro.

"O sya pumunta na tayo sa tindahan at bibili ako ng shampoo at sabon." Sabi ni Myrtle.

Author's Note:

Please Follow me po para po mabasa ninyo lahat ng chapters.....only FOLLOWERS can read the full chapters of this story...Thank you so much ❤️ Just follow me.

Pag na follow na po ninyo, just log out and sign in again! Thank you Happy Reading.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon