Chapter 32

1.4K 55 1
                                    

Nang naka uwi na si Brendan at Nostalgia ay nag usap sila sa
may tapat ng dampa ni Nostalgia at naupo sila sa isang mahabang banko'.

"Nakakakilabot ang nangyari kanina!" wika ni Brendan.

"May kutob akong si Myrtle ang may kagagawan nito, ginamit na niya ang enigma!"

"Ano? Diba sabi mo pampangit ang enigma, pero bakit sya naging halimaw?"

"Nagtataka nga ako kung bakit napakabilis? Ang nabasa ko sa libro ay unti-unti na magkakaroon ng maraming butlig sa buong katawan at mangingitim ito at mangungulubot na kagaya ng balat ng isang puno, pero inaabot ito ng ilang araw o linggo bago ito mangyari, pero kay Empress bakit ganoon kabilis?" Nagtatakang sabi ni Nostalgia.

Ang dahilan kung bakit napabilis ito ay dahil nainom ng biktima ang enigma, at naubos lahat nito ang laman ng baso na may wine. Kung isinaboy lamang ito sa balat ay matatagalan bago ito maging halimaw.

"At bakit nya kinuha ang enigma?" Ani Brendan.

"May balak syang gawin kaya sinadya nyang kunin 'yon!"

"Delikado, dapat talaga nating mag ingat kay Myrtle!"

"Hindi ko nais maisip kung bakit nagagawa ito ni Myrtle, kaibigan ko siya!"

"Mabuti na lamang at di nya sayo ito ginawa,"

"Oo, baka hindi gagawin sa akin Myrtle yon, dahil kaibigan nya ko?"

"Mahirap pa rin magtiwala sa babaeng yon,"

"Kaya nga,"

"Gusto mo pa din bang kunin ang benditas, sa kabila ng mga nagyayari?"

"Oo, buo na ang pasya ko, at kailangan kong maingatan na hindi makuha ang enigma,"

"Mag iingat ka, gaya ng sabi ko, sasamahan kita hanggang loob ng gubat na yon."

"Salamat Brendan, magkita tayo sa tapat ng bookshop bukas."

.........

Pagpasok ni Nostalgia sa kanilang dampa ay naabutan nya ang tatay at nanay nya na malungkot.

"Bakit di pa kayo natutulog?"

"Anak may problema tayo!" sabi ng kanyang ama.

"Pinapaalis na lahat ng mga squater dito sa atin," malungkot na sabi naman ng kanyang ina.

"Saan na tayo titira?"

"Yan nga ang problema anak, pinaparelocate nila tayo sa malayong lugar, at liblib pa, papano tayo mabubuhay doon, lalo ka na anak nag uumpisa ka ng magtrabaho,"

"Kelan daw po tayo papaalisin?"

"Sa ngayon wala pang sinasabi pero sa tingin ko kahit anong araw,"

"Mga walang awa ang mga may ari dahil lang sa negosyo, buti sana kung irerelocate tayo sa mainam na lugar, eh kaso parang pinapatapon na tayo eh." Dismayadong sabi ng tatay nya.

Nalungkot si Nostalgia sa balitang iyon.

...

Nag-iisang umuwi si Caster, wala na si Empress kaya di nito alam kung saan pupunta, si Myrtle naman ay sumama na kay Don Luiz. Kung kaya't naisipan na lang nitong umuwi sa kanilang dampa. Pagpasok nito sa kanilang dampa, gaya ng dati, siksikan na nakahigang natutulog sa sahig ang kanyang mga kapatid, alam nyang mga gutom ang mga ito, nakita nya ang kanilang kahoy na lamesa na may isang sardinas na lata na walang laman. Binuksan nya ang ilaw at dahan-dahan syang pumasok sa silid ng kanyang nanay at tatay, gusto nyang makita ang mga ito, nakita nyang mahimbing silang natutulog. Naaawa si Caster sa kalagayan ng kanyang pamilya. Humarap sya sa salamin at nakita nya na nagbago na nga pala ang kanyang buong kaanyuan, sya lamang ang bukod tanging may taglay nito na wala kanino man. Nang biglang naalimpungatan ang kanyang ina. "Caster ikaw ba yan?" naalimpungatan na sabi ng nanay nya. At bumangon ang nanay nya sa papag at kinusot nito ang kanyang mata para makita kung sino ang nasa harap ng salamin. At napaharap sa kanya si Caster, at nang sya ay nakita ng kanyang ina ay nagulat ito, pinatay agad ni Caster ang ilaw at nagmadali syang lumabas ng silid. Iniwan nya ang 20 thousand pesos sa kanilang lamesa at nagmadali itong lumabas ng dampa. At nang naka alis si Caster ay ginising ng nanay nya ang kanyang ama. "Asawa ko gumising ka!" sabi ng nanay ni Caster, at kinakalabit nya ito. "Bakit ba nanggigising ka ano nangyare?" wika ng tatay nyang inaantok pa. "May...may nakita akong anghel!" Manghang sabi nito. "Ano ba yang pinagsasabi mo, nananaginip ka lang, matulog ka na nga!" sabi ng tatay, at tumalikod habang nakahiga at nagpatuloy sa pagtulog. Tumayo ang nanay at lumabas sa may sala at kanyang binuksan ang ilaw, at nagulat ito nang may nakita syang pera sa lamesa, hindi ito makapaniwala sa nakita.  At agad nitong ginising ang asawa at pinakita nya pera.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon