Chapter 55

1.3K 46 0
                                    

Nung gabing iyon ay nasa meeting si Raven at Don Luiz sa Fine Dine in ng kanilang hotel at naiwan si Nostalgia sa kanyang suite. May isang room lady na naglilinis, kinukuha nito ang mga garbage bin at matapos ay lumabas na ito ng silid, at paglabas ng roomlady ay biglang pumasok naman si Myrtle at sinara nito agad ang pinto.

Samantala nasa hallway si Brendan at nakita nyang pumasok ng silid si Myrtle at nagsara ang pinto, kinabahan si Brendan sa maaaring gawin ni Myrtle.

Dinikit ni Brendan ang kanyang tenga sa may pintuan upang marinig nya ang pag uusapan ng mga ito.

Laking gulat naman si Nostalgia nang biglang pumasok si Myrtle.

"Ano ang kailangan mo?"

"Well, gusto lang kitang  i-congrats! Napakaswerte mo naman at si Raven ang magiging asawa mo, biruin mo isa ka lang basurera at ang iyong mapapangasawa ay pangarap ng bawat babae na gaya ko." Nakangising sabi ni Myrtle.

"Myrtle please lumabas ka na, wala akong tiwala sayo!"

"Anong sinasabi mo, mag bestfriend tayo, diba?"

"Noon yon Myrtle pero kung gaano kalaki ang iginanda mo ay ganoon din kalaki ang ipinagbago mo, o baka naman matagal mo ng ugali yan at ngayon ko lang ito nalaman?"

Matapang na sagot naman ni Nostalgia.

"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan, akala mo ba magiging masaya ka, sorry ka na lang at may katapusan ang kaligayahan mo ngayon! Remember the word! 'Walang forever' haha!" Nakangising sabi ni Myrtle at nilabas nya ang botelya na may lamang tubig na may enigma.

"Ano yang hawak mo?"

"Enigma lang naman ang laman nito at wala ka ng kawala Nostalgia, ako lang ang dapat magiging maligaya!"

"Layuan mo ako!" Gimbal na sabi ni Nostalgia at napaatras sa takot, ngunit patuloy na nagsalita si Myrtle. "At alam mo ba, pinag iisipan ko nung una kung kay Caster o sayo ko ito gagamitin, ngunit naisip ko na sayo na lang dahil mas uunahan mo pa akong magpakasal, at kailangan ko si Caster, kailangan ko ng alindog nya kung kakailanganin ko sya dahil nasusuka na ako makipagtalik kay Don Luiz!"

"Ibig sabihin, naubos mo na lahat ng talutot ng engma? Hindi ako nagkakamali, ikaw ang gumagawa ng lagim, Myrtle hindi mo kailangan gawin to!" Pakiusap ni Nostalgia.

"Oo, ako ang gumagawa ng lagim! At huwag kang mag alala para kay Raven at Brendan, magiging akin din sila, hahaha!"

"Hindi!" Natakot na sabi ni Nostalgia.

Narinig ni Brendan ang mga sinabi ni Myrtle, agad nitong kinatok ang pintuan.  "Nostalgia, buksan mo ang pinto!" Wika ni Brendan habang mabilis na kinakatok nya ang pinto. At napatingin si Nostalgia sa pintuan, gusto nya itong buksan ngunit nakaharang si Myrtle sa kanyang harapan.

Mga apat na metro ang layo nila sa pintuan.

"Huwag mo na ituloy balak mo please, nabasa ko sa libro, kukunin ka ng statwa ni Kasandra sa ginawa mo, kinuha mo ang enigma!"

"Hmm, nagkakamali ka, alam mo ba na kakampi ko na si Kasandra?"

Nagtaka ito sa sinabi ni Myrtle.

"Kakampi mo sya?"

"Oo, kaya nga inubos ko na agad ang enigma, at di na nya kailangan pumasok sa katawan ko para gawin yon, kusa kong ginawa yon, hahaha!" Malakas na halakhak ni Myrtle.

"Kukunin ka nya sa kabilugan ng buwan!" Sagot ni Nostalgia.

"Yan ang akala mo, lumipas na ang kabilugan ng buwan, ngunit hindi nya ako kinuha! Gusto nya mga ginagawa ko!"

Kinilabutan si Nostalgia sa sinabi ni Myrtle.

"Lumayo ka sa akin!" Nagmamakaawang sabi ni Nostalgia, ngunit unti unti pa din lumalapit si Myrtle.

Samantala katok ng katok si Brendan at walang nagbubukas ng pinto. Naisipan nyang puntahan agad ang silid ng floor manager. "Ma'am, may nangyayari sa penthouse, ibigay mo sa akin ang extrang card key!" Nagmamadaling sabi ni Brendan. "Tatawag ako ng security!" Sagot ng manager. "Oo, pero akin na ang card key, kailangan ko na pumunta doon,"
Agad namin kinuha at iniabot ang card key sa kanya. At nang napasakamay nya ito ay nagmadaling bumalik si Brendan sa Penthouse 

.....

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now