Chapter 31

1.4K 51 1
                                    


Nung hapon na iyon ay nagpasama si Empress kay Caster mag shopping.

Pagdating nila sa sosyal na mall ay nalulula si Caster sa mga binibili ni Empress na mamahaling mga damit.

Binilhan din sya ng mga damit at wala namang magawa ito kungdi tanggapin ang mga ito.
"I'm sure bagay sayo to, isukat mo," masayang sabi ni Empress.

"Ang mahal nito,"

"Ok lang yan, gusto kita makitang suot ang mga mamahalin na damit na yan,"

Napangiti si Caster at nagsukat ng mga damit. Namamangha ang mga sales lady dahil lalong lumitaw ang kaguwapuhan ni Caster.

"Ma'am, saang mundo nyo sya nakita, sobrang nakakaakit sya!" Sambit ng sales lady. "Well, di ko alam kung saan, pero akin lang sya," wika ni Empress.

Lahat ng sinukat ni Caster ay binili ni Empress. Nagpunta pa sila sa mga mamahaling boutique. Matapos nito
ay bumalik na sila ng hotel at sila ay magkahawak kamay, proud na proud si Empress na kasama si Caster, lahat ay napapalingon sa kanila.

At nang nasa silid na sila ni Empress ay inabutan ni Empress si Caster ng 20k.

"Bakit mo ako binigyan nito? Hindi ko ito matatanggap."

"Sweldo mo yan, kase mula ngayon ay hindi ka na bellboy, kaya binayaran ko na ang sweldo mo bilang bellboy, at kapag naikasal tayo ay di mo na kailangan magtrabaho ok?"

Di makapaniwala si Caster sa perang natanggap nito.

Naisip ni Caster na kahit di nya mahal si Empress ay baka matututunan din nya itong mahalin, ito na ang pagkakataon na magbago ang kanyang buhay. At naramdaman nyang wala syang pagmamahal kay Myrtle, katawan lamang ang gusto nya dito. Naisip naman nya si Nostlagia ngunit alam nyang si Brendan ang gusto nito.

"Sa panahon ngayon ay di ko na kailangan mamili, gusto ko maihaon sa hirap ang pamilya ko," Wika nya sa loob nya. At naalala nya ang kanyang hirap na pinagdaanan noon.

Flashback

Si Caster ang panganay sa sampung magkakapatid. Magkakatabi silang matulog sa salas ng maliit nilang dampa ng kanyang mga kapatid. Isang gabi, hinihintay nilang lahat ang kanilang ama, dahil nagugutom na ang mga ito. Pasado alas dyes na nang dumating ang kanilang ama. Masayang sinalubong nila ang kanilang ama, at inaakalang may dala itong pagkain. Ngunit wala itong dala na kahit ano. "Tatay, nagugutom na kami," sambit ng mga kapatid nya.
"Pasensya na mga anak, yung kinita ko ngayon sa kalakal ay pinambayad ko ng utang," nalungkot na wika ng tatay nila. Nagsalita ang kanilang ina.
"Wala tayo magagawa mga anak, ilang beses na kase kami kinukulit nung pinag kautangan namin, ipapa baranggay na naman ang tatay nyo kapag di nagbayad. Nag iyakan ang mga bata nyang kapatid. At nung oras na yon ay lumabas si Caster upang mag delihensya. Pinigilan sya ng kanyang ina. "Anak, may lagnat ka diba?"
"Ok na ako nay, babalik ako agad," sagot ni Caster. Kahit medyo masama ang pakiramdam ay lumabas ito.
Pinuntahan nya yung may ari ng mga bumibili ng kalakal.
At nakiusap na pahiramin ito pambili ng pagkain nila, ngunit pinagsaraduhan ito ng pintuan.
Sinubukan nyang lumapit sa mga kaibigan, ngunit wala rin naitulong ang mga ito dahil salat din ang mga ito. Hating gabi na nang sya ay nakauwi ng walang dalang pagkain. Nakita nyang tulog na ang lahat, natulog silang lahat ng kumakalam ang mga sikmura.

Flashback ended

"Caster, are you ok?" Sabi ni Empress.

Nilapitan nya si Empress at hinalikan nya sa labi.

At nakaramdam ng saya si Empress sa ginawa ni Caster.

"Samahan mo akong libutin ang buong mundo Caster, mahal na  kita." Nananabik na sabi ni Empress at doon unang naganap ang kanilang pag-iibigan. Liberated si Empress ngunit hindi nito binibigay ang kanyang katawan sa kahit sinong lalaki kahit gusto nya ito, ngunit di nya ito napigilan kay Caster. Labis na kaligayahan ang nadarama ni Empress sa piling ni Caster.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now