Chapter 6

2.1K 73 1
                                    



"Nakakainis talaga yang Laila na yan, pinahiya nya ako sa harapan ni Brendan, ito pa naman ng pinaka ayaw kong mangyari huuu!"   

"Nakaka inlove talaga si Brendan lalo na pag malapitan ano?"

"Isa ka pa! Akin lang sya ok! At may araw din si Laila sa akin, akala nya kung sino sya porket ofw mga magulang nya hmp! malapit na rin ang tatay makapunta ng Saudi, magkakapera na kami, humanda sya sa akin!"

Masamang loob na sabi ni Myrtle.

At nagpatuloy silang naglakad pauwi sa kanila.

.........

"Ikaw naman bakit mo naman ipinahiya si Myrtle, nakakaawa naman." Sabi ni Brendan.

"Hmp dapat lang yon, alam kong may gusto sya sayo eh."

"E si Nostalgia, nahihiwagaan ako sa kanya, ang cute nya no."

"Wala yun, isang basurera lang din sya, kumain na nga tayo." Sabi ni Laila.

"Ah syangapala kailangan ko na ring umuwi." Sabi ni Brendan.

"Bakit naman?"

"Kasi hinihintay na ako ng nanay eh."

"Diba manonood pa tayo ng sine, ako naman ang mag ti treat sayo."

"Sa ibang araw na lang, kasi may iuutos sa akin ang nanay mamayang gabi,"

"Ganon ba, o sige na nga, pero promise manonood tayo, sana bukas na."

"Oo promise." Sabi ni Brendan at nagkakatinginan sila ng matatamis na ngiti.

Kailangan ni Brendan makauwi dahil papasok na sya sa bago nyang trabaho bilang isang macho dancer sa isang bar.

..........

Nung gabi na iyon, ay doon muli natulog si Myrtle.

"Ipagpatuloy na natin basahin, excited na akong malaman ang storya ni Kasandra at Leandro."

"Oo pero kailangan ko na muna ibakat ang mga nakasulat dito para mabasa natin ng malinaw."

"Nakakabitin naman talaga yan."

At inumpisahan ng linawan ni Nostalgia ang mga nakasulat na letra.

Makalipas ang ilang minuto ay naiinip na si Myrtle.

"Hindi ka pa ba tapos, inaantok na ako eh!"

"Sandali na lang to."

At makalipas pa ang ilang mga minuto ay natapos nya ang dalawang page.

"Ayan naisulat ko na!"

Biglang nagsalita ang kanyang ina na si Ester.

"Bakit di pa kayo matulog, huwag kayo maingay at natutulog na ang tatay mo."

Sabi ni Ester.

"Opo nay." Sabi ni Nostalgia at nakatulog na si Ester.

"Eto na Myrtle babasahin ko na." Pabulong na sabi ni Nostalgia.

At nabasa nila ang lihim tungkol Benidas at Enigma, pati na rin ang lihim ng puno ng Hermosa.

"Yun pala ang lihim nya totoo kaya to?" Sabi ni Nostalgia.

"Naku hindi totoo yan, huwag ka magpapaniwala dyan, storya lang yan." Ani Myrtle.

"Pero diary to eh, baka totoo?"ani Nostalgia.

"Baka yung author nyan ay mapantasya lang at baka di naging libro kaya dyan sa diary nya nailagay?"Ani Myrtle.

"O kung totoo yan, meron bang lugar na Santa Barbara?" Patuloy na sabi ni Myrtle.

"Ewan ko, baka meron."

"Hay naku, kalimutan mo na yan Nostalgia, pero in fairness ang ganda ng storya ha, ang unique, nakaka hulog damdamin si Leandro haha!."

"Oo nga eh, parang gusto ko na ma inlove kay Brendan." Nadulas na dila na sabi ni Nostalgia.

"Aba at may balak ka pang agawan ako ha?"

"Naku hindi naman, humanga lang ako sa taglay nyang kaguwapuhan at mukha naman syang mabait eh, ang swerte talaga ni Laila."

"Hmp mapapasakin din si Brendan makikita mo!" Sabi ni Myrtle.

"Ano kaya kung totoo ang Benditas?, magiging maganda na tayo?" Nangangarap na sabi ni Nostalgia.

"Sinabi ko na sayo, kalimutan mo na yang nabasa natin, walang katotohanan yan, syangapala may binigay nga pala sa akin na pocket book ang nanay , binigay ng kapatid nya, ipapahiram ko sayo yon, romance yun, siguradong maganda yon kesa sa nabasa mo, at para makalimutan mo na yang diary na yan ok."

"Pero wala ng igaganda pa ang storya na ito."

"Maganda talaga kayalang lahat naman ng libro puro fiction diba kaya hindi yan totoo ok."

Pilit na sinasabi ni Myrtle kay Nostalgia, kinukumbinsi nyang huwag maniwala si Nostlagia.

Maya maya pa'y nagising ang kanyang ina sa ingay nila.

"Matulog na kayo!" Sabi ng nanay ni Nostalgia,

"Opo." sabi ni Nostalgia at pinatay na nya ang ilaw,

Nang sila ay nahiga ay madaling nakatulog si Nostalgia ngunit si Myrtle ay di mapalagay,

"Hindi kaya totoo ang nakalagay sa diary?, tama! isa itong diary kaya totoong nangyari yon!, kailangan kong makuha ang diary, pero saan kaya yung santa barbara?, itatanong ko sa nanay ko baka alam nya yon., balang araw pupuntahan ko yon, at di ko ipapa alam kay Nostalgia, at kapag totoo yon at gumanda ako, paluluhurin ko ang mga lalaki haha, at ikaw Laila sayo ko ipapagamit ang enigma para layuan ka ni Brendan." Sabi ni Myrtle sa kanyang loob at sya ay nakatulog.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now