Chapter 52

1.2K 49 1
                                    

Naglalakad si Caster at naisipan nito pumunta sa isang fast food para magtake out ng mga pagkain para sa kanyang pamilya dahil na mimiss na nya ang mga ito. Habang bumibili ay may mga nakakilala sa kanya.

"Diba ikaw yung model na nasa malaking malaking billboard?" Sabi ng isa sa mga babae na lumapit sa kanya.

"Ah oo ako yun!" Sabi ni Caster at bahagya itong ngumiti sa kanila. Nagtilian ang mga ito at nakipag selfie sa kanya.

Matapos makuha ang mga inorder na pagkain ay nagmadaling lumabas na si Caster dahil pinagkakaguluhan na ito ng mga tao at ang lahat ay gustong mag paselfie sa kanya. Sa kanyang paglabas
Inabutan na ito ng dapit hapon at sa paglalakad ay may narinig itong nag aaway sa isang kanto. Napatingin sya sa kaguluhang nagaganap at doon ay nakita niya ang dating kaibigan na si Eric na binubugbog ng dalawang lalaki. Agad niyang binitawan sa isang tabi ang hawak na paperbag ng pagkain at kanyang sinugod ang mga nambubughog kay Eric. Pinag susuntok nya ito. Natalo ang mga ito
at nang nakabawi ng lakas si Eric ay agad nya ring binawian ng suntok ang mga nambugbog sa kanya. "Mga walanghiya kayo!" Galit na sabi ni Eric habang binubuntal nya ang mga ito, pinigilan sya ni Caster dahil hindi na makagulapay ang mga kalaban. "Tama na yan Eric," sabi ni Caster habang inaawat nya ito. "Kayong dalawa, subukan nuong gawin ulit yan sa kaibigan ko, mas higit pa dyan ang mararanasan nyo, mag sialis na kayo dito!" Wika ni Caster sa mga ito. "Hindi na mauulit! Patawad Eric!" Sabi ng mga ito at pinilit nila makatayo at nagmadaling umalis sa sobrang takot.
Mangha naman na nakatingin si Eric sa kanya. Hinanap ni Caster ang paper bag, at nang kanyang nakita ay kinuha nya agad ito. "Salamat sayo, pero sino ka, bakit alam mo ang pangalan ko?" Manghang tanong ni Eric. "Ako si Caster!" Sagot nya. Natulala si Eric. "Papanong___". Kinausap nya sa isang tabi si Eric. "Maniwala ka man o hindi, ako si Caster,"
"Pareho kayo ng boses, pero sobrang gandang kalaki mo, nakita kita sa cover ng magazine na nakuha ko sa basura! Papano naging ikaw si Caster?"
Manghang sabi ni Eric.
"Pero naniniwala ka ba na iisa lamang kami," tanong niya.
"Oo, nararamdaman ko, yung boses mo at kung papano mo ako tinulungan kanina," sagot ni Eric.
"Kung gayon salamat,"
"Pero papano nangyari at nagbago itsura mo?"
"Lihim lamang ito Eric pero sasabihin ko rin sayo balang araw, ok lang ba na huwag ka muna magtanong tungkol doon at ilihim ito?" Pakiusap ni Caster.
"Oo naman!" Masayang sabi ni Eric. Kumuha ng pera sa bulsa si Caster at iniabot kay Eric. "Alam kong kailangan mo to, ibili mo na yan ng pagkain ng pamilya mo," nakangiting wika ni Caster.
"Salamat, ikaw nga si Caster!" Masayang sagot ni Eric.
"Magkikita ulit tayo!" Tugon ni Caster at nagmadali na ito umuwi sa kanilang bahay.

Samantala sa dampa nila Caster.

"Nay nagugutom na kami!" Sabi ng mga batang maliliit pa na kapatid ni Caster."Hintayin natin ang ate Zyra ninyo, sinusubukan nya mangutang sa tindahan."

Maya maya ay dumating na si Zyra, pangalawa sa panganay na kapatid ni Caster.

"Eh nay isang sardinas at dalawang itlog lang ang pinautang sa akin kasi marami pa tayong utang sa tindahan eh." Malungkot na wika ni Zyra.

"Kahit papano meron, pagkasyahin na natin yan, kumuha ka na ng kanin sa kaldero." Sabi ng nanay nila kay Zyra.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na si Caster. Binuksan nya ang pinto ng kanilang dampa.

"Kamusta na kayong lahat?" Masayang bungad ni Caster sa kanyang pamilya.

"Sino ka?" Manghang sabi ng kanyang ama.

"Sya yung nakita kong anghel nung nakaraan, sya yan!" Manghang sabi naman ng kanyang ina.

"Nay hindi ako anghel ako si Caster!"

"Ano papano nangyari yon?" Nagtatakang tanong naman ni Zyra.

"Mamaya ko na ipapaliwanag, basta ako si Caster, tingnan nyo ang talampakan ko."

Pinakita ni Caster ang nunal nya sa talampakan at sa ilalim ng kanyang tenga.

Namangha ang kanyang nanay at tatay,

"Oo ikaw nga anak!"

At nagyakapan silang lahat.

Ikinuwento ni Caster ang nangyari ngunit inilihim nya ang tungkol sa tagong gubat, Hermosa at Enigma.

Nilabas ni Caster ang mga pagkain na nakalagay sa styro at pinamigay sa kanila at masaya silang nagkainan.

"Bukas ay lilipat na tayo ng bahay, may nakita na akong mauupahan, para magkasya tayo, at balang araw makakabili din ako ng bago nating bahay."

"Naku talaga anak! Salamat naman!"

Di makapaniwala ang lahat sa sinabi nito.

.......

Sumunod na araw sa office nila Madden at Krystal ay abala si Madden na kausap ang mga kliyente, samantalang si Krystal ay malungkot.

Nakaupo lang ito sa kanyang desk at lagi nyang naaalala si Caster, kanina pa nag riring ang kanyang cellphone pero di nya ito sinasagot, wala ito sa mood.

Makalipas ang ilang sandali ay nilapitan sya ni Madden.

"Guest what?" Nakangiting sabi ni Madden ngunit napansin nyang malungkot ang mukha ni Krystal.

"Girl kalimutan mo na si Caster, mag move on ka na,"

"Papano ako makaka pag move on, eh ni minsan hindi naman naging kami?"

"Yun naman pala eh, so bakit malungkot ka?"

"Na mimiss ko na sya,"

"Ilang araw pa lang, makakalimutan mo din sya at malay mo biglang bumalik na sya diba?"

"Sana nga bumalik na sya."

"Hay, eto nga at problema na naman, marami ang naghahanap sa kanya, wala akong masabi sa mga kliyente, sabi ko nagbakasyon lang si Caster at ako na lamang ang tatawag sa kanila kapag dumating na sya, hay sayang talaga."

"Kamusta na ang sales natin?" Tanong ni Krystal.

"Well lalong lumalakas at naungusan na natin ang H&H."

"Mabuti naman, pero ano ba nangyayari sa akin, tama ka I need to move on!"sabi ni Krystal at pinunasan nya ang kanyang mga luha sa mata.

"Ganyan nga girl, huwag mo masyadong dibdibin, hindi mo naman sya boyfriend,"
"Ewan ko ba, basta mahal ko sya."

"Kahit sino maiinlove talaga sa kanya, kaya huwag ka masyado masaktan, hindi lang ikaw ang ganyan,"
"Bakit may iba pa ba masasaktan bukod sa akin?"
"I don't know, pero I'm sure may ibang girlfriend na yun, kaya please, wag ka na mag expect, ayokong makitang nasasaktan ka,"

"I will try," sagot ni Krystal.

"That's good, but anyway ini invite nga pala tayo ni Don Luiz sa kasal ng anak nyang si Raven."

"Talaga?"

"Yes! Yun nga lang Sa Saphire View hotel ang reception."

"Oh no!"

"Don't worry sa kabilang branch naman kaya okay lang, tsaka nagkataon lang naman siguro na sa hotel na yon nangyari yan, pero hanggang ngayon ay wala pa ding nakaka solve about that creepiest na yan."

"Alam mo may sinasabi si Caster tungkol sa isang babae na may kagagawan daw ng lagim kaya lang di nya natapos ang kanyang sasabihin."

"Really? So what did sip ni Krystal.
...........

One week later....

3 days before the wedding.

Kadadating ni Brendan sa Hotel, pag pasok nya sa lobby ay nakatawag pansin ang malaking poster tungkol sa kasal ni Nostalgia at Raven na nakalagay sa stand sa isang tabi ng grand entrance. Nilapitan nya ito,  nakalarawan ang picture ni Nostalgia at Raven na sweet sa isa't isa na puno ng pagmamahalan at may nakasulat na Best Wishes at ang date ng kasal.

Napabuntong hininga si Brendan sa sama ng loob.

"Masaya ako para sayo Nostalgia, natupad mo na ang iyong pangarap, sayang at hindi mo man lang nalaman na mahal na mahal kita, huli na kahit sabihin ko pa sayo ngayon, nasa mabuting buhay ka na sa piling ni Raven,"  sabi ni Brendan sa kanyang loob, at matapos nyang tingnan ito ay tumuloy na sya sa kanyang gawain.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now