Chapter 43

1.7K 52 1
                                    

AT PENTHOUSE SUITE

Masayang tinitingnan ni Myrtle ang mga branded na mga bag at kung anu ano pang bagay na pinasalubong sa kanya ni Don Luiz galing Amerika.

"Mamahalin ang mga ito, ang gaganda!" Sabi ni Myrtle habang naka yakap sa kanyang likuran si Don Luiz.

"Lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sayo!" Sabi ni Don Luiz.

At biglang nag bukas ang pinto.

Napalingon silang dalawa at nakita nilang si Raven ang pumasok, at napadalawa ng tingin si Don Luiz sa kasamang babae ni Raven.

"Dad I'm glad you are back!" Sabi ni Raven kay Don Luiz at nagyakapan silang mag-ama.

Napatingin muli si Don Luiz kay Nostalgia at namangha sya sa sobrang ganda nito.

"Dad I am proudly state to meet you my girlfriend, Nostalgia."

Ninginitian ng kanyang ama si Nostalgia.

"Nice to meet you po."

"Oh you are so very lovely dear, and I'm so happy at long last may pormal ng pinakilala na rin sa akin si Raven."

Masaya ang kalooban ni Nostalgia sa sinabing iyon ni Don Luiz ngunit masama ang hilantsa ng mukha ni Myrtle na nakatingin sa kanya.

"Well she is Myrtle my fiance." Pagmamalaking sabi naman ni Don Luiz sa kanila.

Bahagyang nag ngitian lamang si Nostalgia at Myrtle. "Pinakilala ko na sila sa isa't isa," sabi ni Raven.

Maya maya ay niyaya ni Myrtle si Nostalgia sa terrace, kinabahan namab ito dahil inisip nya na baka gamitan sya nito ng enigma o sabuyan nito. Ngunit pinilit sya ni Myrtle, at si Don Luiz na mismo ang nagsabi na maigi na sila ay magkakilala ng mabuti.Walang nagawa si Nostalgia at sumama sya kay Myrtle sa terrace.

"Ang sarap ng buhay ng mayaman diba?" Sabi ni Myrtle sa kanya habang nakadungaw sila sa magandang syudad ng matataas na building. Mga alas sinko ng hapon ang oras ng mga sandaling iyon kaya maliwanag pa ang paligid.

"Myrtle hindi yan ang dapat nating pag usapan!"

"At bakit? Gumamit ka rin ng benditas para maging kagaya ko, naiingit ka kaya ka rin gumamit ng benditas diba? at bilib naman ako sayo talagang nagpunta ka pa ng Santa Barbara!"

"Oo Ginamit ko ang benditas, ginamit ko para magbago ang aking buhay pero hindi ganito kataas ang pangarap ko, napakabilis lang ng mga pangyayari."

"Nag mamaang mangan ka pa, gusto mo akong mahigitan diba?"

"Hindi ko iniisip yan."

"Huwag ka ng magkunwari Nostalgia."

"Pero Myrtle nakikiusap ako sayo itigil mo na ang paghasik ng lagim ng enigma, tigilan mo na Myrtle!"

"At papano mo nasisiguro na ako ang naghahasik ng lagim, may ebidensya ka ba?"

"Siguradong nakuha mo ang enigma at ikaw lang ang may kakayahan na gawin ang mga nangyayaring lagim!"

"Alalahanin mo na tatlo tayo nila Caster ang nakakuha ng kambal na bulaklak at maaring ginagawa nyo rin ito ni Caster kaya hindi mo ako maaaring pagbintangan!"

Samantala, seryosong nag uusap naman ang mag ama sa loob ng penthouse.

"Dad I want to marry her as soon as possible, I want to surprised her."

"Pero anak ako na muna ang mauuna, tutal ako naman ang mas matanda."

"Pwede na ba kayo magpakasal? Hanggang ngayon ay di pa annuled ang inyong kasal ng mama, diba?"

"Huwag kang mag alala doon, malapit ng matapos yun, dinoble doble ko na ang bayad para mapabilis, nung una ay hindi ako intetesado kahit magtagal dahil wala naman akong balak magpakasal kahit kanino, pero ngayon ay minamadali ko na ito, ibibigay ko na ang kahilingan ng iyong ina ma annuled lang kami."

"Ano po ba ang hinihingi nya sa inyo?"

"Well gusto nyang makuha ang mga branches ng hotel sa Puerto Rico, at di ako pumayag kaya kung anu anong akusasyon ang binabato nya sa akin kaya nagtatagal ang proseso, pero ngayon ay ibibigay ko na para matapos na ito."

"Pero papa, matagal pa din yon."

"Hindi ka ba makakapaghintay?"

"What about double wedding!"

"No I can't do that, gusto ko mag kaiba tayo ok? Naalala ko si Empress, she also wants that,"
"She also wants to get married?"

"Yes, at gusto nya rin makipag unahan sa akin,"

"With who?"

"Believe it or not, sa isa lamang room boy,"

"What?"

"Yes, meron din syang katangian na gaya ni Myrtle at Nostalgia,"

"I can't believe na nakakilala tayo ng tulad nila, ibang iba ang nararamdaman ko nung nakilala ko si Nostalgia, ayoko syang pakawalan, she is mine!"

"Ganyan din ang naramdanan ko, nakakapanghinayabg pakawalan at makuha ng iba,"

"But what about Empress?"

"Pinag aaralan pa ni Valentino ang mga nangyari, wala tayo magagawa kundi maghintay, but anyway how and where do you meet her?"

"Just in the lobby, how about you,"  sagot ni Raven.

"Pinakilala sya ni Elizar, she is her secretary,"

"Nice, its good that she didn't went to Elizar?"

"If it does, aagawin ko sya no matter what!" Napangising tugon ni Don Luiz.

"So dad, what about the wedding,"

"Me and Myrtle first, and that is final." Nagmatigas na sabi ni Don Luiz.

Maya maya ay biglang nag ring ang cellphone ni Don Luiz, tumatawag ang kanyang abogado at may sinabi sa kanya ito na hindi nya nagustuhan.

Malungkot na ini off nya ang kanyang cellphone matapos makipag usap dito.

"Raven my son,  ikaw na muna ang maunang ikakasal."

Hindi makapaniwala si Raven sa sinabi ng kanyang ama.

"That's great! Bakit dad ano nangyari?"

"Sinabi ni Atty. na matatagalan pa din kahit magbayad ako dahil hindi ganito kadali ang aming paghihiwalay, kailangan pa ng mga hearing."

"At may sakit pa ang mama, kaya di nya kailangan ma stress."

"Well my Son, I'm happy at long last ay may napili ka na and I really like her."

"Thank you dad." Masayang sabi naman ni Raven.

Samantala ... sa terrace ay patuloy pa din nag tatalo si Myrtle at Nostalgia.

"Pero hindi namin kinuha ni Caster ang enigma, ikaw lang Myrtle ikaw lang!"

"Anong palagay mo sa akin maniniwala sa sinasabi mo? Kung ikaw nga ay ayaw mong maniwala sa akin, ako pa kaya para maniwala sayo! At ito ang tandaan mo? Hinding hindi mo ako mahihigitan!"

At biglang lumapit si Don Luiz.

"Mukhang nagkaka igihan kayong dalawa." Nakangiting sabi nito.

"Ah oo naman." Nagkunwaring sabi ni Myrtle at si Raven naman ang lumapit at hinawakan nya si Nostalgia.

"Dad magkita na lang tayo sa dinner tonight." Nakangiting sabi ni Raven.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now