Chapter 26

1.4K 58 0
                                    

...

Hinakot lahat ni Caster ang mga natitirang mga regalo ni Empress sa ballroom at nilagay nya ito lahat sa cart ng lalagyan ng mga bagahe. At nang kanyang nailagay ay itinulak nya ito at sumakay ng elevator papunta sa executive suite ni Empress.

...

Habang nakadungaw sa terrace si Don Luiz ay narinig nya ang doorbell.

Nakaramdam ng saya si Don Luiz at nagmadali syang nagpunta ng pinto at kanya itong binuksan. At bumungad ang napakagandang si Myrtle.

"Mabuti at hindi mo ako binigo?" Nakangiting sabi ni Don Luiz.

At pumasok sa loob si Myrtle.

Nang nakapasok si Myrtle ay nilapitan kaagad sya ni Don Luiz at hinawakan sa balikat.

"Napakaganda mo Myrtle, nalibot ko na ang buong mundo ngunit ngayon lamang ako nakakita ng kagaya mo, mahalin mo ako at ibibigay ko sayo lahat ng hihilingin mo." Sabi ni Don Luiz.

"Talaga?" Tugon ni Myrtle.

"Oo, lahat gagawin ko para sayo, mahalin mo lamang ako."

Alam ni Myrtle na tumalab na ang kapangyarihan ng benditas at mababaliw ang lalaki sa kanya kapag ito ay kanyang iniwan, kaya malakas ang loob si Myrtle na sabihin kay Don Luiz ang kanyang gustong mangyari.

"Mamahalin kita Don Luiz at ibibigay ko sayo ang aking sarili." At isa isang hinubad ni Myrtle ang kanyang kasuotan. At nang nakita ni Don Luiz ang kanyang kabuuan ay doon lamang muli naghumindig ang kanyang pagkalalaki sa tagal ng panahon, kailangan pa nya dati uminom ng pampatindig sa tuwing makikipagtalik ito sa babae, samantalang kay Myrtle ay di na nya ito kailangan pa.
Hindi makapaniwala si Don Luiz sa kanyang naramdaman.
"This is unbelievable!" Manghang sabi ni Don Luiz. Nakaramdam ng labis na pagkasabik si Don Luiz, sa buong buhay nya ay ngayon lamang nya ito naranasan.

Napaluhod si Don Luiz sa harapan ni Myrtle.

"Mahalin mo ako Myrtle ibibigay ko sayo ang lahat," at niyakap nya ito habang nakaluhod ito at nakatayo naman si Myrtle. Nakaramdam naman si Myrtle ng tuwa. "Totoo nga, kahit sino ay mapapaluhod sa kagandahan ko hahaha!" Sabi nya sa loob nya.

Binaba ni Myrtle ang kanyang katawan upang magkatapat sila ni Don Luiz. Hiwakan nito ang kanang pisgi ni Don Luiz at sinabing.

"Pakasalan mo ako Don Luiz." Wika nya habang magkatapat ang mukha nila.

At sinagot agad sya ni Don Luiz ng....

"Oo! Pakakasalan kita!"

Napangisi si Myrtle.

At binigay agad niya ang kanyang sarili kay Don Luiz nung gabi na iyon.

Halos mabaliw si Don Luiz sa katawan ni Myrtle.

At habang sila ay nag tatalik ay nakita nya ang estatwa ni Kasandra na nakangisi sa kanya.

........

Nag doorbell si Caster sa silid ni Empress.

At nang binuksan ni Empress, nakita nya ang napakaguwapong si Caster na nakangiti sa kanya.

"Magandang gabi po, ito na po lahat ang mga regalo na naiwan sa grand ballroom." Nakangiting sabi ni Caster.

"Tuloy ka." Masayang sabi ni Empress sa kanya.

At nang pumasok si Caster, ay sinara agad ni Empress ang pinto at bigla na lamang nyang niyakap si Caster, isang liberated si Empress at kapag gusto nya ang lalaki ay sya na mismo ang lumalapit dito, alam nyang hindi sya hihindian ni Caster dahil isang bellboy lang nila ito, ngunit nagkamali sya ng akala kay Caster. Naitulak nya si Empress at napaupo ito sa kama.

"Bakit? Ayaw mo ba sa akin?" Sabi ni Empress at tatanggalin nya ang suot nyang sleeveless ngunit pinigilan sya ni Caster.

"Huwag mong gawin yan!"
Sabi ni Caster sa kanya.

"Don't you find me attractive?" Sabi ni Empress.

"Maganda ka pero hindi mo dapat gawin ang ganito." Napapailing na sabi ni Caster at nagpasya na syang lumabas ng silid ngunit hinabol sya ni Empress.

"Please huwag ka munang umalis, ok I'm going to behave promise, I just want to have company, maari bang samahan mo ako, birthday ko naman ngayon eh, its my eighteenth birthday."

Nang narinig ito ni Caster ay napahinto sya at humarap sya kay Empress.

Hinawakan sya ni Empress sa braso at niyakag na maupo sa may couch.

Naglabas ng wine si Empress, pinabubuksan nya kay Caster ang wine ngunit di nya alam kung papano gamitin ang cork kaya si Empress na ang nagbukas nito.

Sinalinan nya ng alak ang dalawang wine glass at nag inuman sila.

"Ano nga pala ang iyong pangalan?"

"Ako si Caster."

"Ako naman si Empress. Bakit mo ako iniiwasan?"

"Hindi kita iniiwasan kayalang, ang bata mo pa at isang bellboy lang ako."

"I don't care kung bellboy ka lang, the fact is I like you, unang kita ko pa lang sayo."

"Salamat pero ........ "

"But what?"

Di malaman ni Caster ang kanyang sasabihin, maganda si Empress pero hindi sya sanay ng biglaan at di nya maipaliwanag kung bakit di nya kayang gawin ang gustong mangyari ni Empress.

"May girlfriend ka na ba?"

"Ah wala pa."

"Yun naman pala, ang gusto ko lang ay magkalapit tayo, huwag mo akong lalayuan, para namang napakapangit ko?"

"Pasensya na hindi lang ako sanay ng ganito, isa pa, mahirap lang ako."

"Sino ka Caster? Kung mahirap ka lang ay bakit napakaganda ng mga balat mo, bakit kulay ash gray ang mga mata mo, at ang iyong kabuuan ay parang inukit?"

Hindi makakibo si Caster, di nya alam ang kanyang isasagot.

"Don't you worry, kahit sino ka man wala akong pakielam, ang importante ay ..... gusto kita, sayo ko lang naramdaman to."

Hindi malaman ni Caster kung masaya sya sa sinasabi ni Empress, napakabilis at di nya kayang madaliin ang kanyang damdamin sa taong di pa nya kilala.

Makalipas ang magdamag ay nakaramdam ng pagkalasing si Caster.

At ito ay nakatulog.

Inihiga ni Empress si Caster sa couch at hinubaran nya ito, at nang nakita nya ang kabuuan ni Caster ay nanlaki ang kanyang mga mata sa walang katulad na ganda ng katawan nito.

"My gosh! Parang inukit ni Michael Angelo ang kanyang buong kaanyuan!"

Manghang sabi ni Empress at dahan dahan nyang hinaplos ang matitipunong bisig ni Caster, at nang dumampi ang kanyang mga kamay ay nakaramdam ng isang pag ibig na hindi pa nya nararanasan kanino man. Hindi sa dahil nahaplos nya ang balat nito, kundi talagang nainlove sya agad sa taglay na kakisigan ni Caster.

Biglang napaluha si Empress ng nakaramdam sya agad ng pagkagusto, at niyakap nya si Caster ng mahigpit at hinalikan nya sa labi.

"Natagpuan ko na ang lalaking pinapangarap ko, di na kita pakakawalan Caster." Sabi ni Empress habang minamasdan nya ang magandang mukha ni Caster habang natutulog ito, at kinumutan nya ang katawan nito at kanyang tinabihan at niyakap.

"Gusto na kita Caster." Nakangiting sabi ni Empress at sya ay nakatulog ng mahimbing sa tabi ni Caster.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon