Chapter 37

1.9K 56 2
                                    

"Malapit na akong ikasal kay Don Luiz at ako na ang magiging may ari ng hotel na ito!"

"Hindi ko inaakala na sa ganito hahantong ang iyong kasamaan!" wika ni Brendan.

"Wala akong ginagawang masama!Bakit lagi kayong magkasama ni Nostalgia? Papano mo nagustuhan ang isang pangit na tulad nya!"

"Kahit pangit sya ay madali syang mahalin!"

"Talaga? Ano naman ang nagustuhan mo sa pangit na basurera na yon ha?"

"Hindi mo na kailangang malaman, lalabas na ako kung wala ka ng kailangan,"

"Pero Brendan, mahal kita! Ikaw ang mahal ko, kapag yumaman na ako ay babalikan kita, sana ay maging malapit ka sa akin!"

Hindi na nagsalita si Brendan at sya ay lumabas ng silid.

Nang nakaalis na si Brendan ay naghinagpis si Myrtle.

...

Samantala, nag-uumpisa na ng bagong career si Caster. Nasa Photo shoot ito at kinagigiliwan ng mga taong nakapaligid sa kanya. At isa na ang business partner na bading ni Krystal na si Madden.

"Napakaguwapo naman ng lalaking 'yan sino sya? Saan mo nadiskubre?" nagtatakang tanong ni Madden kay Krystal. Nagmamay ari silang dalawa ng isang clothing line na may pangalang Madden&Krystal Apparel, hindi pa ito gaanong kilala at dalawa pa lamang ang kanilang branches.

"Well nadiskubre ko lang sya sa daan, nag-iisa lang syang naglalakad at inalok ko kaagad syang maging model.  Buti na lamang ay wala syang mapuntahan nung gabi na 'yon. Kaya sa condo unit ko na muna sya nag i-stay ngayon."

"Talaga? Hmn napakaswerte mo naman at nakakasama mo sya gabi-gabi, naloloka ako sa kapogian niya. At tingnan mo ang kanyang mga balat parang napakasarap haplos haplusin." wika ni Madden habang nakatingin kay Caster na inaayusan ng mga stylist.

Naupo sa isang tabi si Madden at Krystal at sila ay nag-usap.

"Kamusta na pala ang lakad mo sa Tokyo, I'm hoping for a good news pero either bad or good huwag mo akong bibiglain please!" Sabi ni Krystal sa kanya.

"Well, maganda naman ang mga sinasabi ni Mr. Suzuki, at mukhang interesado ito sa Madden&Krystal apparel.

"Really? Wala na akong mahihiling pa kung magiging partner natin sya! At isa pa, si Mr. Suzuki mismo ang nag papunta sayo sa Tokyo para pag usapan ang proposal natin kaya sa tingin ko malaki ang chance natin diba?"

"Oo, alam mo namang pangarap ko na magkaroon tayo ng maraming branches at kapag nakuha natin si Mr. Suzuki ay magkaka branch tayo sa Japan at makikilala na ang Madden&Krystal sa buong Asia!"

"Napakasarap isipin, si Mr. Suzuki na lamang ang pag-asa natin, ilang beses na tayong na turned down before."
Sabi ni Krystal.

"Pero," medyo nalungkot na sabi ni Madden.
"Anong pero?"
"Nakita ko rin kasi doon sina Honeylyn at Hendrick (Patungkol sa rival nila sa negosyo) sa Office ni Mr. Suzuki. At nung matapos naming mag meeting sila naman ang kinausap, at dala dalawa pa yung kasama nilang interpreter, kaloka."

"What? Yung may ari ng H&H?"

"Oo nagbigay din sila ng proposal, at kinausap din sila, nangangamba lang ako na baka sila ang kuhanin,"

"Ganoon ba, pero huwag tayong mag alala, tayo ang makukuha,"

"Sana nga,"

"Pero diba kaya lang sila nag ka idea na mag patayo ng clothing line ay dahil sayo. They stole your idea, nauna lang silang nag kapera nung time na yon, kaya naunahan nila tayo na magkaroon ng ganito, pero buti na lang at nagkaroon na rin tayo."

"Sinabi mo pa, kung di dahil sa akin ay wala silang alam sa pagpapatakbo ng business na ito, akala ko ako ang kukunin nilang kasosyo pero iba ang kanilang kinuha at itsinapwera ako."

"Ok lang yan besh at least ako naman ang napili mo na kapartner,"

"Tama ka, hindi ako nagkamali sayo Krystal you are brilliant!"

"Kailan kaya natin malalaman ang result?"

"Anytime soon,"

"Oh I'm excited and scared at the same time." Ani Krystal.

"Hmn lets pray na lang, kailangan kong magpunta ng Baclaran at Quiapo para manalangin na matupad na ang ating mga pangarap!" Napabugtong hininga na sabi ni Madden.

...

Samantala......Habang inaayusan si Caster ng mga stylist ay may mga di makapagpigil at hinahaplos ang kaniyang hubad na pang itaas. Nag-aalala siyang baka umibig ng wagas ang mga ito at ma obssess sa kaniya. Ngunit naisip niyang hindi naman niya nakuha ang enigma. Hinayaan na lamang nyang haplusin sya ng mga ito dahil ayaw nyang isipin nila na mayabang sya.

"Nakaka-akit ka naman," sabi ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya.

At nang nakita ni Krystal na pinagkakaguluhan na si Caster ay nilapitan niya ang mga ito.

"Will you please do your job properly!" wika ni Krystal sa mga ito na nakakalimot na sa kanilang gawain.  Parang ice cream na matutunaw si Caster sa mga titig ni Krystal.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon