Chapter 7

2.1K 75 2
                                    

Makalipas ang ilang araw.

Isang umaga ay hinihintay ni Nostalgia si Myrtle sa may tindahan, kung saan sila laging nagtatagpo para mag umpisa mangalakal, ngunit di ito dumarating kaya mag isa na lamang si Nostalgia nagpunta sa lansangan para manguha ng mga pwedeng irecycle.

Magdamag naghalungkat ng basura si Nostalgia at di alintana ang init ng araw, ang kanyang nasa isip lamang ay kumita para may ipambili ng kanilang makakain, pilit nyang pinupuno ang kanyang sakong dala, at makalipas ang ilang oras ay napuno nya rin ito.

Gaya ng kanyang ginagawa araw araw ay bumili sya ng bigas at ulam.

.........

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, ay nasanay na sya nag iisang mangalakal, hindi na nya nakikita si Myrtle, Ilang beses na nyang pinuntahan sa kanyang bahay ngunit laging walang tao.

Matapos mangalakal ni Nostalgia ay naisipan nyang puntahan ulit sa bahay si Myrtle.

Kumatok sya sa bahay nito, at sa wakas ay nagkatao na rin, ngunit nagtaka si Nostalgia dahil di nya kilala ang nagbukas ng pinto.Isang babae na may edad na at may kargang batang babae.

"Sino ka anong kailangan mo?" Sabi ng babae.

"Kaibigan po ako ni Myrtle, nandyan po ba sya?"

"Ah si Myrtle, hindi na sya dito nakatira, lumipat na sila, sa apartment sila lumipat mga ilang kalye lang mula dito."

"Po?" Nagtatakang tanong ni Nostalgia.

"Natuloy na ang tatay ni Myrtle ng saudi, kaya nung nagpadala lumipat na sila."

"Ah sige po salamat." Sabi na lamang nya sa babae.

Nakaramdam si Nodtalgia ng tampo kay Myrtle dahil di man lang sinabi na siya ay aalis na.At di naman malayo ang kanyang nilipatan bakit di man lang naisipan nitong puntahan siya sa bahay.

Ngunit kinibit balikat na lamang nya ito, naisip na baka pupuntahan din sya ni Myrtle sa susunod na mga araw.

Sa kanyang pag uwi ay naghanda si Ester ng kanilang hapunan, nagluto ito ng pritong isda, at pinagsaluhan nila ito.

"Buti naman anak at di ka nahihirapan mag isa mangalakal."

"Eh dapat ko pong kayanin nay."

"Pasensya na anak, yung naipon mong pang requirements naibili ng gamot ng tatay mo."

"Ok lang yun nay, ang importante ay gumagaling na ang tatay."

"Huwag ka mag alala kapag gumaling ako ng tuluyan ako na ang mga tatrabaho para sa inyo, para makapagpatuloy ka ng pag aaral mo anak." Sabi naman ni mang Renato.

"Tay hindi nyo na po kaya magtrabaho, baka magkasakit na naman kayo eh."

"Hindi maaari ang ganito, kailangan kong kumayod."

"Huwag nyo na po isipin yan tay, ang importante ay gumaling na kayo."

"Syanga pala anak, may nabalitaan ako kay Myrtle."

"Talaga po Nay, kamusta na po siya?"

"Nag aaral na daw uli, nakita ko yung nanay nya kanina sa daan."

"Ah ganon po ba, mabuti naman kung ganon."

Matapos nilang kumain ay nalungkot si Nostalgia, dahil naisip niya na buti pa si Myrtle ay nakakapag aral na at matutupad na ang kanyang mga pangarap, samantalang sya ay hanggang basura na lamang.

Ayaw ng isipin ang kanyang kapalaran kaya naisipan nyang magbasa muli ng diary, binakat ulit ang sumunod na pahina at kanyang nabasa ang mga pan lilinlang ni Kasandra at nabasa nya na may masamang kapalit ang lahat ng kagandahan kapag ginamit ang enigma.

"Ang benditas ay may kaakibat na masamang mangyayari kapag ginamit ang enigma?" Ano kaya ang ibig sabihin nun?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Gusto pang magbasa ni Nostalgia ngunit kailangan pa nyang ibakat ang susunod na pahina at dinalaw na sya ng antok, kaya naisipan nyang bukas na nya ito babakatin uli para kanyang mabasa ang mga susunod na pahina, at siya ay nakatulog.

Kinabukasan ay naghanda na syang muli para mangalakal..

Dala-dala ang isang sako na may laman na mga kalakal, naglakad-lakad si Nostlagia, pinupulot nya ang mga maaaring ikalakal sa tuwing may nakikita syang nakakalat sa daan. At nang napuno ang sako ay pinagpalit na nya ito kay mang Ernesto, nakatanggap sya ng 250 pesos.Naglakad si Nostalgia at sa kanyang paglalakad ay napadaan sya sa isang book shop, napasilip sya sa ding-ding na salamin, nakita nyang napakaraming libro sa loob nito, at may naka display na mga pocket book sa salamin na bintana, naka sale ang isang romance na libro na kanyang nakita, 250 pesos ang nakalagay na halaga nito, nag aasam syang bumili, kinuha nya ang kanyang perang kinita sa kanyang bulsa at kanyang binilang at sakto ito sa libro na nakadisplay, nagbabalak syang pumasok sa loob, binuksan nya ang pintong salamin at sa kanyang pagpasok ay nakita sya ng manager at nabahuan sila ng pumasok si Nostalgia, di sya pinapasok ng manager ng book shop dahil sa madumi nyang kasuotan at nangangamoy basura pa sya.

"Ay pasensya na at bawal pumasok ang pulubi dito!" Sabi ng manager ng book shop.

Biglang dumating ang security guard na galing ng cr.

"Naku pasensya na mam at nag cr lang ako." Sabi ng guard sa manager at binalingan agad nito si Nostalgia.

"Labas! Lumabas ka bawal ka pumasok dito.!" Pagalit na sabi ng guard kay Nostalgia.

Walang nagawa si Nostalgia at sya ay lumabas, napasilip syang muli sa bintana na salamin at pinagmasdan ang libro.

"Hmp! Okay lang mas maganda naman ang binabasa kong libro gabi-gabi." At naaala nyang muli ang tungkol sa pag iibigan ni Leandro at Beatrice.

Tsaka naisip nyang yun lang ang hawak nyang pera, kapag binili nya ng libro ay wala na silang kakainin.Nagkibit balikat na lamang si Nostalgia at tinalikuran niya ang book shop, at nang kanyang paglingon ay laking gulat niya ng nakita si Myrtle na nakasuot ng school uniform kasama ni Brendan.

"Gusto kong bumili ng libro, libangan ko ang magbasa." sabi ni Myrtle kay Brendan habang sila ay naglalakad papalapit sa bookshop, naka akbay si Brendan kay Myrtle.

"Myrtle?" naka ngiting sabi ni Nostalgia, na mimiss na niya si Myrtle, ngunit laking gulat ni Nostalgia sa inasal ni Myrtle.

"Sino ka?"

"Ako Myrtle! ako si Nostalgia," Sabi ni Nostalgia kay Myrtle at balak nyang hawakan si Myrtle.

"Hey, huwag mo nga akong hawakan baka madumihan ang uniform ko, Sorry di kita kilala."

Hindi nakakibo si Nostalgia sa inasal ni Myrtle napatingin lamang sya dito.

"Diba kaibigan mo sya? kilala mo siya diba?" Sabi naman ni Brendan at tumingin kay Nostalgia.

"Ah ewan huwag mo na nga sya pansinin, halika na Brendan pasok na tayo sa book shop bibili ako ng libro."

Sabi ni Myrtle at hinawakan nya sa kamay si Brendan at napapalingon si Brendan kay Nostalgia dahil naaawa sya dito sa ginawa ni Myrtle, at sila ay pumasok sa loob ng book shop, at nang sila ay pumasok ay sumilip si Nosalgia sa bintanang salamin para makita niya si Brendan.

Nangangarap syang sana ay sya na lang si Myrtle.

Habang sinisilip nya si Brendan sa may salamin ay pina-alis sya ng guard.

"Umalis ka na dito, lumayo ka!" Galit na sabi guard.

Nalungkot si Nostalgia at sya ay umalis na lamang at umuwi sa kanilang dampa.

Mula ng naka alis ang tatay ni Myrtle papuntang saudi ay nakakuha ng cash advance ang kanyang ama kaya nakalipat sila ng apartment at nakabalik ng pag-a aral si Myrtle.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon