Chapter 12

1.5K 59 1
                                    

Sumunod na araw, alas sinko ng madaling araw. 

Nagkita si Caster at Myrtle sa isang tindahan. Naunang nakarating si Myrtle.


"Ang tagal naman ng lalaking yon, alas sinko ang usapan, lagpas na wala pa sya.!" Sabi nya sa kanyang loob habang ginagala nya ang kanyang mga mata sa paligid. 

Makalipas pa ang ilang minuto ay dumating si Caster.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Pasensya na napuyat kasi ako kagabi eh."

"O sige na, alis na tayo." Sabi ni Myrtle at sumakay sila ng tricycle papunta sa sakayan ng bus.

At nakasakay sila ng bus papuntang Santa Barbara.

Hapon na nang sila ay nakarating doon.

"Ang layo naman dito, saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Caster.

"Kailangan na muna natin pumunta ng dalampasigan, sa may batis,"

"Ano ba talaga ang gagawin natin doon?"

"Huwag ka na magtanong may, basta may kukunin lang tayo na bunga."

"Anong bunga yun?"

"Ah eh, pampalakas daw tsaka pampawala ng mga sakit." imbentong sabi ni Myrtle.

"Yun ba ang dahilan kaya tayo nagpunta dito, ang makakuha ng gamot, e sino ba ang may sakit?"

"Ah oo, kasi may sakit ang nanay eh, nakakagaling daw ang bunga na yon." Sabi ni Myrtle.

"Gusto ko din para sa nanay ko, may sakit din sya eh."

"Oo ba, pero ikaw ang kukuha para sa akin."

"Oo yun lang pala eh."

Ginagala nila ang kanilang mga mata sa kapaligiran.

"Ang ganda dito ano? Tahimik at maaliwalas ang kapaligiran at namumuhay ang mga tao ng simple lang," Sabi ni Caster.

"Oo nga at napakalinis."

Sumakay sila ng tricycle at nagpahatid sila sa dalampasigan.

At ibinaba sila sa bungad nito.

"Ano ba gagawin ninyo dyan, wala na ang estatwa dyan?" Sabi ng driver.

"Doon ba nakatayo ang estatwa?" Tanong ni Myrtle.

"Oo, pero noon pa yon, pero wala na ngayon, natapos na kasi ang sumpa,"

"Anong sumpa?" Nagtatakang tanong ni Caster.

"Dati kasi marami nagpupunta dyan para makita ang estatwa, at lahat ng nakakakita ng estatwa ay nawawala tuwing kabilugan ng buwan, pero tapos na yon, ano ba ang gagawin nyo sa dalampasigan?" Tanong ng driver.

"Wala po, gusto ko lang makita ang malaking puno, yung kinatatayuan noon ng statwa," sabi ni Myrtle.

"Di ba kayo natatakot?"

"Hindi, wag ka mag alala sa amin," sagot ni Myrtle. "Ah o sige, kayo ang bahala, mag ingat na lamang kayo, wala na kasing nagpupunta doon eh." Sabi ng driver at umalis na ito.

Nang nakaalis ang driver, kinabahan si Caster sa sinabi nito.

"Nakakatakot pala sa pupuntahan natin, huwag na tayong tumuloy." Sabi ni Caster.

"Narinig mo ba yung sinabi ng driver, wala ng sumpa tapos na, kailangan kong makakuha ng bunga, halika na habang may araw pa."

At walang nagawa si Caster at sila ay nagtungo sa dalampasigan.

The Creepy Statue of Kasandra 4 'The Hotel' (Completed) (New)Where stories live. Discover now